Add parallel Print Page Options

Bigla nga kayong gagantihan ng mga bansang binihag ninyo,[a] at dahil sa kanila ay manginginig kayo sa takot, at sila naman ang sasamsam ng inyong mga ari-arian. Dahil maraming bansa ang sinamsaman ninyo ng mga ari-arian, kayo naman ang sasamsaman ng mga natitirang tao sa mga bansang iyon. Mangyayari ito sa inyo dahil sa inyong pagpatay ng mga tao at pamiminsala sa kanilang mga lupain at mga bayan.

“ ‘Nakakaawa kayo, kayong nagpapatayo ng mga bahay[b] sa pamamagitan ng perang nakuha ninyo sa masamang paraan. Pinatitibay ninyo ang inyong mga bahay upang makaligtas kayo kapag dumating ang kapahamakan.

Read full chapter

Footnotes

  1. 2:7 mga bansang binihag ninyo: sa literal, ang inyong mga inutangan; o, ang mga nangutang sa inyo.
  2. 2:9 nagpapatayo … bahay: o, nagpapalago ng kaharian.