I will (A)take my stand at my watchpost
    and station myself on the tower,
and (B)look out to see (C)what he will say to me,
    and what I will answer concerning my complaint.

The Righteous Shall Live by His Faith

And the Lord answered me:

(D)“Write the vision;
    make it plain on tablets,
    so he may run who reads it.
For still (E)the vision awaits its appointed time;
    it hastens to the end—it will not lie.
If it seems slow, (F)wait for it;
    (G)it will surely come; it will not delay.

“Behold, his soul is puffed up; it is not upright within him,
    but (H)the righteous shall live by his faith.[a]

“Moreover, wine[b] is (I)a traitor,
    an arrogant man who is never at rest.[c]
His greed is as wide as Sheol;
    like death (J)he has never enough.
(K)He gathers for himself all nations
    and collects as his own all peoples.”

Woe to the Chaldeans

Shall not all these (L)take up their taunt against him, with scoffing and riddles for him, and say,

(M)“Woe to him (N)who heaps up what is not his own—
    for (O)how long?—
    and (P)loads himself with pledges!”
(Q)Will not your debtors suddenly arise,
    and those awake who will make you tremble?
    Then you will be spoil for them.
(R)Because you have plundered many nations,
    all the remnant of the peoples shall plunder you,
(S)for the blood of man and (T)violence to the earth,
    to cities and all who dwell in them.

(U)“Woe to him who gets evil gain for his house,
    (V)to (W)set his nest on high,
    to be safe from the reach of harm!
10 You have devised shame for your house
    (X)by cutting off many peoples;
    you have forfeited your life.
11 For (Y)the stone will cry out from the wall,
    and the beam from the woodwork respond.

12 (Z)“Woe to him (AA)who builds a town with blood
    and founds a city on iniquity!
13 Behold, is it not from the Lord of hosts
    that (AB)peoples labor merely for fire,
    and nations weary themselves for nothing?
14 (AC)For the earth will be filled
    with the knowledge of (AD)the glory of the Lord
    as the waters cover the sea.

15 (AE)“Woe to him (AF)who makes his neighbors drink—
    you pour out your wrath and make them drunk,
    in order to gaze (AG)at their nakedness!
16 You will have your fill (AH)of shame instead of glory.
    (AI)Drink, yourself, and show your uncircumcision!
(AJ)The cup in the Lord's right hand
    will come around to you,
    and (AK)utter shame will come upon your glory!
17 (AL)The violence (AM)done to Lebanon will overwhelm you,
    as will the destruction of the beasts that terrified them,
(AN)for the blood of man and violence to the earth,
    to cities and all who dwell in them.

18 (AO)“What profit is an idol
    when its maker has shaped it,
    a metal image, (AP)a teacher of lies?
For its maker trusts in his own creation
    when he makes (AQ)speechless idols!
19 (AR)Woe to him (AS)who says to a wooden thing, Awake;
    to a silent stone, Arise!
Can this teach?
Behold, it is overlaid with gold and silver,
    and (AT)there is no breath at all in it.
20 But (AU)the Lord is in his holy temple;
    (AV)let all the earth keep silence before him.”

Footnotes

  1. Habakkuk 2:4 Or faithfulness
  2. Habakkuk 2:5 Masoretic Text; Dead Sea Scroll wealth
  3. Habakkuk 2:5 The meaning of the Hebrew of these two lines is uncertain

Sinabi ni Habakuk, “Aakyat ako sa tore, sa aking bantayan at hihintayin ko kung ano ang sasabihin sa akin ng Panginoon at kung ano ang kanyang sagot sa aking hinaing.”

Ang Sagot ng Dios kay Habakuk

Ito ang sagot ng Panginoon kay Habakuk: “Isulat nang malinaw sa sulatang bato ang pahayag na ito para madaling basahin. Isulat mo muna ito dahil hindi pa dumarating ang takdang panahon para mangyari ito. Ngunit hindi magtatagal at tiyak na mangyayari ito. Kahit magtagal nang kaunti, hintayin mo lang, dahil tiyak na mangyayari ito sa takdang panahon.”

Ito ang isulat mo:

“Tingnan mo ang mga taong mapagmataas. Hindi matuwid ang kanilang pamumuhay. Pero ang taong matuwid ay mabubuhay dahil sa kanyang pananampalataya.[a] Ang totoo, hindi maaasahan ang kayamanan.[b] At ang mga taong mapagmataas na sakim sa kayamanan ay laging balisa at walang kasiyahan. Tulad nilaʼy kamatayan na hindi makukuntento. Kaya binibihag nila ang maraming bansa. Pero kukutyain sila ng mga bansang iyon sa pamamagitan ng mga salitang ito,

“ ‘Nakakaawa naman kayo, kayong nangunguha ng mga bagay na hindi sa inyo at nagpapayaman sa pamamagitan ng pandaraya. Hanggang kailan pa ninyo ito gagawin? Bigla nga kayong gagantihan ng mga bansang binihag ninyo,[c] at dahil sa kanila ay manginginig kayo sa takot, at sila naman ang sasamsam ng inyong mga ari-arian. Dahil maraming bansa ang sinamsaman ninyo ng mga ari-arian, kayo naman ang sasamsaman ng mga natitirang tao sa mga bansang iyon. Mangyayari ito sa inyo dahil sa inyong pagpatay ng mga tao at pamiminsala sa kanilang mga lupain at mga bayan.

“ ‘Nakakaawa kayo, kayong nagpapatayo ng mga bahay[d] sa pamamagitan ng perang nakuha ninyo sa masamang paraan. Pinatitibay ninyo ang inyong mga bahay upang makaligtas kayo kapag dumating ang kapahamakan. 10 Dahil sa pagpatay ninyo ng maraming tao, kayo rin ay papatayin at wawasakin ang inyong mga bahay.[e] 11 Ang mga bato ng pader at ang mga biga ng bahay ay parang tao na hihingi ng tulong dahil mawawasak na ang buong bahay.

12 “ ‘Nakakaawa kayo, kayong nagpapatayo ng lungsod sa pamamagitan ng kalupitan. Handa kayong pumatay maitayo lamang ito. 13 Pero ang mga ipinatayo ninyo sa mga tao na binihag ninyo ay susunugin lang, kaya mawawalan ng kabuluhan ang inyong pinagpaguran. Itinakda na iyan ng Panginoong Makapangyarihan. 14 Sapagkat kung paanong ang karagatan ay puno ng tubig, ang lahat ng tao sa mundo ay mapupuno rin ng kaalaman tungkol sa kadakilaan ng Panginoon.

15 “ ‘Nakakaawa kayo! Sa inyong poot ay ipinahiya ninyo ang inyong mga karatig bansa. Parang nilalasing ninyo sila upang makita ninyo silang huboʼt hubad. 16 Ngayon kayo naman ang ilalagay sa kahihiyan sa halip na parangalan, dahil parurusahan kayo ng Panginoon. Kayo naman ang paiinumin niya sa tasa ng kanyang galit, at kapag lasing na kayo, makikita ang inyong kahubaran[f] at malalagay kayo sa kahihiyan. 17 Pinutol ninyo ang mga puno sa Lebanon, at dahil dito, namatay ang mga hayop doon. Kaya ngayon, kayo naman ang pipinsalain at manginginig sa takot. Mangyayari ito sa inyo dahil sa pagpatay ninyo ng mga tao at pagpinsala sa kanilang mga lupain at mga bayan.

18 “ ‘Ano ang kabuluhan ng mga dios-diosan? Gawa lang naman ang mga ito ng tao mula sa kahoy o metal, at hindi makapagsasabi ng katotohanan. At bakit nagtitiwala sa mga dios-diosang ito ang mga taong gumawa sa kanila? Ni hindi nga makapagsalita ang mga ito? 19 Nakakaawa kayong nagsasabi sa rebultong kahoy o bato, “Gumising ka at tulungan kami.” Ni hindi nga iyan makapagtuturo sa inyo. At kahit pa balot iyan ng ginto at pilak, wala namang buhay. 20 Pero ang Panginoon ay nasa kanyang banal na templo. Kaya ang buong mundo ay manahimik sa kanyang presensya.’ ”

Footnotes

  1. 2:4 Pero … pananampalataya: o, Pero ang itinuring na matuwid dahil sa kanyang pananampalataya ay mabubuhay.
  2. 2:5 kayamanan: Ito ang nasa Dead Sea Scrolls. Sa ibang tekstong Hebreo, alak.
  3. 2:7 mga bansang binihag ninyo: sa literal, ang inyong mga inutangan; o, ang mga nangutang sa inyo.
  4. 2:9 nagpapatayo … bahay: o, nagpapalago ng kaharian.
  5. 2:10 bahay: o, kaharian.
  6. 2:16 makikita ang inyong kahubaran: sa literal, makikita ang inyong mga ari na hindi tuli. Sa iba namang lumang teksto, susuray-suray kayo.