Add parallel Print Page Options

Sa unahan niya'y nagpapauna ang salot,
At nagniningas na baga ang lumalabas sa kaniyang mga paa.
Siya'y tumayo, at sinukat ang lupa;
Siya'y tumingin, at pinaghiwalay ang mga bansa;
(A)At ang mga walang hanggang bundok ay nangalat;
(B)Ang mga burol na walang hanggan ay nagsiyukod;
Ang kaniyang mga lakad ay gaya noong araw.
Nakita ko ang mga tolda sa Cushan sa pagdadalamhati;
Ang mga tabing ng lupain ng Madian ay nanginig.

Read full chapter