Add parallel Print Page Options

19 Ang bawa't hayop, bawa't umuusad, at bawa't ibon, anomang gumagalaw sa ibabaw ng lupa ayon sa kanikaniyang angkan ay nangagsilunsad sa sasakyan.

Naghandog si Noe.

20 At ipinagtayo ni Noe ng isang dambana ang Panginoon; at kumuha sa lahat na malinis na hayop, at sa lahat na malinis na ibon, at nagalay ng mga handog na susunugin sa ibabaw ng dambana.

21 At sinamyo ng Panginoon ang masarap na (A)amoy; at nagsabi ang Panginoon sa sarili, (B)Hindi ko na muling susumpain ang lupa, dahil sa tao, sapagka't ang (C)haka ng puso ng tao ay masama mula sa kaniyang pagkabata; (D)ni hindi ko na muling lilipulin pa ang lahat na nabubuhay na gaya ng aking ginawa.

Read full chapter