Font Size
Genesis 6:16-18
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Genesis 6:16-18
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
16 Bubungan mo ito at lagyan ng kalahating metrong pagitan mula sa bubong[a] hanggang sa tagiliran. Gawin mong tatlong palapag ang barko at lagyan mo ng pintuan sa tagiliran. 17 Palulubugin ko sa tubig ang buong daigdig at malilipol ang lahat ng may buhay sa balat ng lupa. 18 Ngunit ako'y gagawa ng kasunduan natin: Isama mo ang iyong asawa at mga anak na lalaki, pati mga asawa nila, at pumasok kayo sa barko.
Read full chapterFootnotes
- 16 bubong: o kaya'y bintana .