Genesis 48
Christian Standard Bible
Jacob Blesses Ephraim and Manasseh
48 Some time after this, Joseph was told, “Your father is weaker.” So he set out with his two sons, Manasseh and Ephraim. 2 When Jacob was told, “Your son Joseph has come to you,” Israel summoned his strength and sat up in bed.
3 Jacob said to Joseph, “God Almighty(A) appeared to me at Luz(B) in the land of Canaan and blessed me. 4 He said to me, ‘I will make you fruitful and numerous; I will make many nations come from you, and I will give this land as a permanent possession(C) to your future descendants.’(D) 5 Your two sons(E) born to you in the land of Egypt before I came to you in Egypt are now mine.(F) Ephraim and Manasseh belong to me just as Reuben and Simeon do. 6 Children born to you after them will be yours and will be recorded under the names of their brothers with regard to their inheritance. 7 When I was returning from Paddan, to my sorrow Rachel died along the way,(G) some distance from Ephrath in the land of Canaan. I buried her there along the way to Ephrath” (that is, Bethlehem).
8 When Israel saw Joseph’s sons, he said, “Who are these?”
9 And Joseph said to his father, “They are my sons God has given me here.”
So Israel said, “Bring them to me and I will bless them.”(H) 10 Now his eyesight was poor because of old age; he could hardly[a] see.(I) Joseph brought them to him, and he kissed and embraced them.(J) 11 Israel said to Joseph, “I never expected to see your face again, but now God has even let me see your offspring.” 12 Then Joseph took them from his father’s knees and bowed with his face to the ground.(K)
Ephraim’s Greater Blessing
13 Then Joseph took them both—with his right hand Ephraim toward Israel’s left, and with his left hand Manasseh toward Israel’s right—and brought them to Israel. 14 But Israel stretched out his right hand and put it on the head of Ephraim, the younger, and crossing his hands, put his left on Manasseh’s head, although Manasseh was the firstborn.(L) 15 Then he blessed Joseph and said:
The God before whom my fathers Abraham and Isaac walked,(M)
the God who has been my shepherd(N) all my life to this day,
16 the angel who has redeemed me from all harm(O)—
may he bless these boys.
And may they be called by my name
and the names of my fathers Abraham and Isaac,(P)
and may they grow to be numerous within the land.
17 When Joseph saw that his father had placed his right hand on Ephraim’s head, he thought it was a mistake[b] and took his father’s hand to move it from Ephraim’s head to Manasseh’s. 18 Joseph said to his father, “Not that way, my father! This one is the firstborn. Put your right hand on his head.”
19 But his father refused and said, “I know, my son, I know! He too will become a tribe,[c] and he too will be great; nevertheless, his younger brother will be greater than he, and his offspring will become a populous nation.”[d] 20 So he blessed them that day, putting Ephraim before Manasseh when he said, “The nation Israel will invoke blessings by you, saying, ‘May God make you like Ephraim and Manasseh.’”
21 Israel said to Joseph, “Look, I am about to die, but God will be with you and will bring you back to the land of your fathers.(Q) 22 Over and above what I am giving your brothers, I am giving you the one mountain slope[e] that I took from the Amorites with my sword and bow.”(R)
Genesis 48
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
Si Manase at si Efraim
48 Hindi nagtagal, may nagbalita kay Jose na may sakit ang kanyang ama. Kaya dinala niya ang dalawang anak niyang sina Manase at Efraim at pumunta kay Jacob. 2 Nang malaman ni Jacob na dumating ang anak niyang si Jose, sinikap niyang makaupo sa higaan niya.
3 Sinabi ni Jacob kay Jose, “Noong naroon pa ako sa Luz, sa lupain ng Canaan, nagpakita sa akin ang Makapangyarihang Dios at binasbasan niya ako.” 4 Sinabi niya, “Bibigyan kita ng maraming lahi para maging ama ka ng maraming tao. At ibibigay ko ang lupaing ito ng Canaan sa mga lahi mo at magiging kanila ito magpakailanman.”
5 Nagpatuloy si Jacob sa pagsasalita, “Ang dalawa mong anak na sina Efraim at Manase, na ipinanganak dito sa Egipto bago ako dumating ay ituturing kong mga anak ko. Kaya kagaya kina Reuben at Simeon, magmumula rin sa kanila ang mga lahi ng mga Israelita. 6 Pero ang susunod mong mga anak ay maiiwan sa iyo at makakatanggap ng mana galing kina Efraim at Manase. 7 Naalala ko ang pagkamatay ng iyong ina. Galing kami noon sa Padan Aram at naglalakbay sa lupain ng Canaan. Malapit na kami noon sa Efrata nang mamatay siya, kaya inilibing ko na lang siya sa tabi ng daan na papunta sa Efrata. (Ang Efrata ang tinatawag ngayon na Betlehem.)”
8 Nang makita ni Israel[a] ang mga anak ni Jose, nagtanong siya, “Sino sila?”
9 Sumagot si Jose, “Sila po ang mga anak ko na ibinigay sa akin ng Dios dito sa Egipto.”
Kaya sinabi ni Israel, “Dalhin sila rito sa akin para mabasbasan ko sila.”
10 Halos hindi na makakita si Israel dahil sa katandaan, kaya dinala ni Jose ang mga anak niya papalapit kay Israel. Niyakap sila ni Israel at hinalikan.
11 Sinabi ni Israel kay Jose, “Hindi na talaga ako umaasa na makikita pa kita, pero ngayon ipinahintulot ng Dios na hindi lang ikaw ang makita ko kundi pati ang mga anak mo.”
12 Kinuha agad ni Jose ang mga anak niya sa kandungan ni Israel at yumukod siya bilang paggalang sa kanyang ama. 13 Pagkatapos, inilapit niyang muli ang mga anak niya sa lolo ng mga ito para mabasbasan sila. Si Efraim ay nasa kanan ni Jose, na nasa kaliwa ni Israel at si Manase ay nasa kaliwa ni Jose na nasa kanan ni Israel. 14 At ipinatong ni Israel ang kanang kamay niya sa ulo ni Efraim na siyang nakababata, at ipinatong ang kaliwang kamay niya sa ulo ni Manase na siya namang nakatatanda.
15 Pagkatapos, binasbasan niya ang mga ito na sinasabi,
“Nawaʼy pagpalain ang mga batang ito ng Dios na pinaglingkuran ng aking mga ninuno na sina Abraham at Isaac, na siya ring Dios na nagbabantay sa akin simula nang ipinanganak ako hanggang ngayon.
16 At nawaʼy pagpalain din sila ng anghel na nagligtas sa akin sa lahat ng kapahamakan.
Nawaʼy maalala ako at ang aking mga ninunong sina Abraham at Isaac sa pamamagitan nila.
At nawaʼy dumami pa sila sa mundo.”
17 Nang makita ni Jose na ipinatong ng kanyang ama ang kanang kamay nito sa ulo ni Efraim, hindi niya ito ikinatuwa. Hinawakan niya ang kamay ng kanyang ama para ilipat kay Manase, 18 At sinabi, “Ama hindi po iyan. Ito po ang panganay; ipatong po ninyo ang kanang kamay ninyo sa ulo niya.”
19 Pero sumagot ang kanyang ama, “Oo, alam ko anak. Ang mga lahi ni Manase ay magiging kilala ring mga bansa. Pero mas magiging kilala ang mga lahi ng nakababata niyang kapatid at magiging mas marami ang lahi nito.” 20 Kaya ginawa niya si Efraim na nakakahigit kaysa kay Manase. At sa araw na iyon, binasbasan niya ang mga ito na nagsasabing,
“Gagamitin ng mga Israelita ang pangalan mo sa pagbabasbas. Sasabihin nila, ‘Nawaʼy pagpalain ka ng Dios kagaya nina Efraim at Manase.’ ”
21 Kaya sinabi ni Israel kay Jose, “Malapit na akong mamatay, pero huwag kayong mag-aalala dahil sasamahan kayo ng Dios at pababalikin kayo sa lupain ng iyong ninuno. 22 At ikaw Jose ang magmamana ng Shekem, at hindi ang mga kapatid mo. Ang lupain na iyon na napasaakin dahil sa pakikipaglaban ko sa mga Amoreo sa pamamagitan ng espada at pana.”
Footnotes
- 48:8 Israel: na siya ring si Jacob.
The Christian Standard Bible. Copyright © 2017 by Holman Bible Publishers. Used by permission. Christian Standard Bible®, and CSB® are federally registered trademarks of Holman Bible Publishers, all rights reserved.
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®