Add parallel Print Page Options

Nang sabihin kay Jacob, “Narito, pinuntahan ka ng anak mong si Jose;” siya[a] ay nagpalakas at umupo sa higaan.

Sinabi(A) ni Jacob kay Jose, “Ang Diyos na Makapangyarihan sa lahat ay nagpakita sa akin sa Luz sa lupain ng Canaan, at binasbasan ako,

at sinabi sa akin, ‘Palalaguin at pararamihin kita, at gagawin kitang isang kapisanan ng mga bayan; at ibibigay ko ang lupaing ito sa iyong binhi pagkamatay mo, bilang isang pag-aari magpakailanman.’

Read full chapter

Footnotes

  1. Genesis 48:2 Sa Hebreo ay si Israel .