Add parallel Print Page Options

28 Labimpitong taóng tumira roon si Jacob at umabot siya ng 147 taon. 29 Nang(A) maramdaman niyang malapit na siyang mamatay, tinawag niya si Jose at sinabi, “Ilagay mo sa pagitan ng aking mga hita ang iyong kamay at ipangako mong magiging tapat ka sa akin, at hindi mo ako ililibing sa Egipto. 30 Ilabas mo ako sa Egipto at isama mo ako sa libingan ng aking mga magulang.”

“Masusunod po ang nais ninyo,” sagot ni Jose.

Read full chapter