Add parallel Print Page Options

Ang Nawawalang Kopa

44 Samantala, inutusan ni Jose ang tagapamahalang alipin sa kanyang bahay. Sinabi niya, “Punuin ninyo ng pagkain ang mga sako ng magkakapatid ayon sa kanilang makakaya, at ilagay sa mga sako nila ang perang ibinayad nila. Ilagay ninyo ang aking kopang pilak sa sako ng bunso kasama ng perang ibinayad niya sa pagkain.” Ginawa ng tagapamahalang alipin niya ang sinabi ni Jose.

Kinabukasan, maagang umalis ang magkakapatid na dala-dala ang kanilang sako. Hindi pa sila nakakalayo sa lungsod nang sabihin ni Jose sa kanyang tagapamahalang alipin, “Bilis, habulin mo ang mga taong iyon! At kung maabutan mo silaʼy sabihin mo sa kanila, ‘Bakit masama ang iginanti ninyo sa mabuting ipinakita namin sa inyo? Bakit kinuha ninyo ang kopa na iniinuman ng aking amo at ginagamit niya sa panghuhula? Masama ang ginawa ninyong ito.’ ”

Naabutan ng tagapamahalang alipin ang magkakapatid at sinabi niya ito sa kanila. Sinabi nila sa tagapamahalang alipin, “Paano po ninyo nasabi iyan? Imposibleng gawin namin ang bagay na iyan. Alam nʼyo rin na mula sa Canaan ay dinala namin pabalik sa inyo ang perang nakita namin sa aming mga sako. Kaya bakit magnanakaw pa kami ng pilak o ginto sa bahay ng amo ninyo? Kapag nakita nʼyo ang kopa na iyan sa isa sa amin, patayin nʼyo siya at magiging alipin nʼyo kami.”

10 Sinabi ng tagapamahalang alipin, “Sige, Kapag nakita ko ang kopa sa isa sa inyo ay magiging alipin ko siya, at ang matitira sa inyoʼy walang pananagutan.”

11 Kaya nagmadaling ibinaba ng bawat isa ang mga sako nila at binuksan ito. 12 Agad na hinanap ng tagapamahalang alipin ang kopa sa mga sako, magmula sa panganay hanggang sa bunso, at ang kopa ay nakita sa sako ni Benjamin. 13 Nang makita ito ng magkakapatid, pinunit nila ang kanilang mga damit sa sobrang kalungkutan. Muli nilang isinakay sa asno ang mga sako nila at bumalik sa lungsod.

14 Nang dumating si Juda at ang mga kapatid niya sa Egipto, naroon pa rin si Jose sa bahay niya. Pumasok sila sa bahay at lumuhod sa harapan ni Jose. 15 Sinabi ni Jose sa kanila, “Ano ba itong ginawa ninyo? Hindi nʼyo ba alam na marunong akong manghula? Kaya wala kayong maitatago sa akin.”

16 Sinabi ni Juda, “Mahal na Gobernador, wala na po kaming ikakatuwiran pa sa inyo, at hindi po namin masasabi na hindi kami nagkasala. Ang Dios po ang siyang naghayag ng aming kasalanan. Ngayon, lahat po kami ay alipin na ninyo – kami at ang isa na nakitaan ng kopa.”

17 Pero sinabi ni Jose, “Hindi ko magagawa iyan. Kung kanino lang nakita ang kopa siya lang ang magiging alipin ko. At makakauwi na kayo sa inyong ama nang matiwasay.”

Nagmakaawa si Juda para kay Benjamin

18 Lumapit si Juda kay Jose at sinabi, “Hinihiling ko sa inyo Mahal na Gobernador, na kung maaari, pakinggan nʼyo ako. Huwag sana kayong magalit sa akin, kayo na gaya ng Faraon. 19 Tinanong nʼyo kami noon kung mayroon pa kaming ama at kapatid, 20 at sinagot po namin na may ama pa kami na matanda na, at may bunso kaming kapatid na ipinanganak sa kanyang katandaan. Sinabi po namin na patay na ang kapatid niya at siya na lang ang naiwan sa kanilang magkakapatid na buo, at mahal na mahal po siya ng aming ama.

21 “Sinabi rin po namin na dadalhin namin siya sa inyo para makita nʼyo rin siya. 22 Sinabi namin sa inyo na hindi maaaring iwanan ng bunsong kapatid namin ang aming ama, dahil baka ang pag-alis ng kanyang anak ang siyang ikamatay niya. 23 Pero sinabi nʼyo po sa amin na huwag kaming magpapakita sa inyo kung hindi namin kasama ang aming bunsong kapatid. 24 Ang lahat ng itoʼy sinabi namin sa aming ama noong umuwi kami.

25 “Hindi nagtagal, sinabi ng aming ama na muli kaming bumalik dito at bumili ng pagkain. 26 Pero sinabi po namin sa kanya na makakaalis lang kami kung kasama namin ang aming bunsong kapatid, dahil hindi kami maaaring magpakita sa inyo kung hindi namin kasama ang bunso namin.

27 “Ito ang isinagot niya sa amin, ‘Alam nʼyo naman na dalawa lang ang anak ko sa asawa kong si Raquel. 28 Ang isaʼy wala na; maaaring niluray-luray siya ng mababangis na hayop. At hanggang ngayoʼy hindi ko pa siya nakikita. 29 Kung kukunin nʼyo pa ang isang ito na naiwan sa akin, at kung may mangyari sa kanya, baka mamatay ako dahil sa sobrang paghihirap ng aking kalooban.’

30 “Kaya, ang buhay po ng aming ama ay nakasalalay sa buhay ng kanyang anak. Kung uuwi kami na hindi namin siya kasama, 31 tiyak na mamamatay sa kalungkutan ang aming ama na matanda na. 32 Itinaya ko ang aking buhay para sa kanyang anak. Sinabi ko po sa aking ama na kung hindi ko maibabalik sa kanya ang kanyang anak, ako ang dapat sisihin habang buhay.

33 “Kaya Mahal na Gobernador, ako na lang po ang magpapaiwan dito bilang alipin ninyo sa halip na ang kanyang anak, at payagan nʼyo na lang po siyang makauwi kasama ng mga kapatid niya. 34 Hindi po ako pwedeng umuwi nang hindi kasama ang anak niya. Hindi ko po kayang tiisin na makita ang masamang mangyayari sa aming ama.”

44 At kaniyang iniutos sa katiwala ng kaniyang bahay, na sinasabi, Punuin mo ng mga pagkain ang mga bayong ng mga lalaking ito, kung gaano ang kanilang madadala: at ilagay mo ang salapi ng bawa't isa sa labi ng kanikaniyang bayong.

At ilagay mo ang aking saro, ang sarong pilak, sa labi ng bayong ng bunso, at ang salapi ng kaniyang trigo. At ginawa niya ang ayon sa salita na sinalita ni Jose.

At pagliliwanag ng kinaumagahan, ay pinapagpaalam ang mga lalake, sila at ang kanilang mga asno.

Nang sila'y mangakalabas na sa bayan, at hindi pa sila nalalayo, ay sinabi ni Jose sa katiwala ng kaniyang bahay, Bumangon ka habulin mo ang mga lalake; at pagka sila'y iyong inabutan, ay sabihin mo sa kanila, Bakit iginanti ninyo ay kasamaan sa kabutihan?

Hindi ba ang sarong ito ang iniinuman ng aking panginoon, at tunay na kaniyang ipinanghuhula? Kayo'y gumawa ng masama sa paggawa ng ganiyan.

At kaniyang inabutan sila, at kaniyang sinalita sa kanila ang mga ito.

At kanilang sinabi sa kaniya, Bakit sinalita ng aking panginoon ang mga salitang ito? Huwag itulot ng Dios na gumawa ang iyong mga lingkod ng ganiyang bagay.

Narito, ang salapi na aming nasumpungan sa labi ng aming mga bayong ay aming isinauli sa iyo mula sa lupain ng Canaan: paano ngang kami ay magnanakaw sa bahay ng iyong panginoon ng pilak o ginto?

Yaong kasumpungan sa iyong mga lingkod, ay mamatay, at pati kami ay magiging alipin ng aming panginoon.

10 At kaniyang sinabi, Mangyari nga ang ayon sa inyong mga salita; yaong kasumpungan ay magiging aking alipin; at kayo'y mawawalan ng sala.

11 Nang magkagayo'y nagmadali sila, at ibinaba ng bawa't isa ang kaniyang bayong sa lupa, at binuksan ng bawa't isa ang kaniyang bayong.

12 At kaniyang sinaliksik, na pinasimulan sa panganay at niwakasan sa bunso; at nasumpungan ang saro sa bayong ni Benjamin.

13 Nang magkagayo'y kanilang hinapak ang kanilang mga suot, at pinasanan ng bawa't isa ang kaniyang asno, at nagsibalik sa bayan.

14 At si Juda at ang kaniyang mga kapatid ay dumating sa bahay ni Jose at siya'y nandoon pa, at sila'y nangagpatirapa sa lupa sa harap niya.

15 At sinabi sa kanila ni Jose, Anong gawa itong inyong ginawa? Hindi ba ninyo nalalaman na ang isang tao na gaya ko ay tunay na makahuhula?

16 At sinabi ni Juda: Anong aming sasabihin sa aming panginoon? anong aming sasalitain? o paanong kami ay magpapatotoo? Inilitaw ng Dios ang kasamaan ng iyong mga lingkod: narito, kami ay alipin ng aming panginoon, kami sampu niyaong kinasumpungan ng saro.

17 At kaniyang sinabi, Huwag nawang itulot ng Dios na ako'y gumawa ng ganiyan; ang taong kinasumpungan ng saro, ay siyang magiging aking alipin; datapuwa't tungkol sa inyo ay pumaroon kayong payapa sa inyong ama.

18 Nang magkagayo'y lumapit si Juda sa kaniya, at nagsabi, Oh panginoon ko, ipinamamanhik ko sa iyo na papagsalitain ang iyong lingkod, ng isang salita sa mga pakinig ng aking panginoon, at huwag nawang magalab ang iyong loob laban sa iyong lingkod; sapagka't ikaw ay parang si Faraon.

19 Tinanong ng aking panginoon ang kaniyang mga lingkod, na sinasabi; Kayo ba'y mayroong ama o kapatid?

20 At aming sinabi sa aking panginoon, Kami ay may ama, isang matanda, at isang anak sa kaniyang katandaan, isang munting bata at ang kaniyang kapatid ay namatay, at siya lamang ang naiwan ng kaniyang ina, at minamahal siya ng kaniyang ama.

21 At sinabi mo sa iyong mga lingkod, Dalhin ninyo rito sa akin, upang mamasdan ko siya ng aking mga mata.

22 At aming sinabi sa aking panginoon, Hindi maiiwan ng bata ang kaniyang ama: sapagka't kung iiwan niya ang kaniyang ama, ay mamamatay ang ama niya.

23 At iyong sinabi sa iyong mga lingkod, Hindi na ninyo makikita ang aking mukha, malibang inyong ipagsamang bumaba ang inyong kapatid na bunso.

24 At nangyari nang panhikin namin ang inyong lingkod na aking ama, ay aming isinaysay sa kaniya ang mga salita ng aking panginoon.

25 At sinabi ng aming ama, Pumaroon kayo uli, ibili ninyo tayo ng kaunting pagkain.

26 At aming sinabi, Hindi kami makabababa: kung ang aming bunsong kapatid ay kasama namin ay bababa nga kami: sapagka't hindi namin makikita ang mukha ng lalaking yaon, malibang ang aming bunsong kapatid ay kasama namin.

27 At sinabi ng iyong lingkod na aming ama sa amin, Inyong talastas na ang aking asawa ay nagkaanak sa akin ng dalawang lalake:

28 At ang isa'y umalis sa akin, at aking sinabi, Tunay na siya'y nalapa; at hindi ko siya nakita mula noon.

29 At kung inyong kunin pa ang isang ito sa akin, at may mangyaring sakuna sa kaniya, ay inyong ibababa ang aking uban sa Sheol na may kapanglawan.

30 Ngayon nga'y kung ako'y dumating sa iyong lingkod na aking ama, at ang bata ay hindi namin kasama; sapagka't ang kaniyang buhay ay natatali sa buhay ng batang iyan;

31 Ay mangyayari nga na pagka kaniyang nakitang ang bata ay di namin kasama, na mamamatay siya: at ibababa sa Sheol na may kapanglawan ng iyong mga lingkod ang mga uban ng iyong lingkod na aming ama.

32 Sapagka't ang iyong lingkod ang siyang nanagot sa bata sa aking ama, na nagsasabi: Kung hindi ko siya dalhin sa iyo, ay papasanin ko nga ang kasalanan sa aking ama magpakailan man.

33 Ngayon nga, ay ipahintulot mo na ang iyong lingkod, aking isinasamo sa iyo, ay maiwan na kahalili ng bata na pinakaalipin ng aking panginoon; at iyong ipahintulot na ang bata ay umahong kasama ng kaniyang mga kapatid.

34 Sapagka't paanong paroroon ako sa aking ama, at ang bata'y di ko kasama? Baka aking makita pa ang sakunang sasapit sa aking ama.

銀杯藏在便雅憫的布袋裡

44 約瑟吩咐管家說:“把糧食裝滿這些人的布袋,要盡他們所能攜帶的,又把各人的銀子放在他們的袋口; 把我的銀杯,放在最小的袋口,連同他買糧食的銀子放進去。”管家就照著約瑟吩咐的話去作。 早晨天一亮,那些人和他們的驢子都被打發走了。 他們出了城,走了不遠,約瑟就對管家說:“起來,追趕那些人;追上了,就對他們說:‘你為甚麼以惡報善呢? 這不是我主人喝酒和占卜用的杯嗎?你們所作的,實在不對。’”

管家追上了他們,就對他們說了這些話。 他們對管家說:“我主為甚麼說這樣的話呢?你的僕人絕不會作這樣的事。 你看,我們從前在袋口發現的銀子,尚且從迦南地帶來還給你,我們又怎會從你主人的家裡偷取金銀呢? 在你僕人當中,無論在誰那裡搜出來,誰就要死,我們也要作我主的奴僕。” 10 管家說:“現在就照你們的話作吧,只是在誰那裡搜出來,誰就要作我的奴僕,其餘的人都沒有罪。” 11 於是,他們急忙把自己的布袋卸在地上,各人打開自己的布袋。 12 管家就搜查,從最大的開始,查到最小的。那杯竟在便雅憫的布袋裡搜出來了。 13 他們就撕裂自己的衣服,各人又把擔子馱在驢上,回城去了。

14 猶大和他的兄弟來到約瑟的家裡,那時約瑟還在那裡;他們就在他面前俯伏在地。 15 約瑟對他們說:“你們所作的是甚麼事呢?你們不知道像我這樣的人必能占卜嗎?” 16 猶大說:“我們對我主可以說甚麼呢?我們還有甚麼可說的呢?我們怎能證明自己是清白的呢? 神已經查出你僕人們的罪孽了。看哪,我們和那在他手裡搜出杯來的,都是我主的奴僕了。” 17 約瑟說:“我絕不能這樣作。在誰的手裡搜出杯來,誰就要作我的奴僕;你們其餘的人,可以平平安安地上你們父親那裡去。”

猶大替便雅憫求情

18 猶大走近約瑟身邊,說:“我主啊,求你容許僕人說一句話給我主聽,請不要向僕人發烈怒,因為你好像法老一樣。 19 我主曾經問僕人們說:‘你們還有父親或其他兄弟沒有?’ 20 我們曾經回答我主:‘我們還有年老的父親和最小的弟弟,是他年老時所生的。他的哥哥死了,他母親只剩下他一個孩子,他父親非常愛他。’ 21 你就對僕人們說:‘把他帶下來到我這裡,我要親眼看看他。’ 22 我們對我主說:‘那孩子是不能離開他父親的;如果離開了,他父親必定死。’ 23 你對僕人們說:‘如果你們最小的弟弟不與你們一同下來,你們就不得見我的面。’ 24 於是,我們上到你僕人我們的父親那裡,就把我主的話告訴了他。 25 後來我們的父親說:‘你們再去替我們買些糧食回來吧。’ 26 我們就說:‘我們不能下去,如果有我們最小的弟弟與我們同去,我們就下去;因為我們最小的弟弟不與我們同去,我們就不得見那人的面。’ 27 你僕人我的父親對我們說:‘你們知道我的妻子只給我生了兩個兒子。 28 一個已經離開我去了,我想他必定是被野獸撕碎了;直到現在,我也沒有見過他。 29 現在你們又要把這個從我面前帶去,如果他遇到不幸,你們就使我這個白髮老人,悲悲慘慘地下陰間去了。’ 30 我父親的命與這孩子的命,是相連在一起的。現在我回到你僕人我的父親那裡,如果沒有孩子與我們在一起, 31 他一見沒有孩子,就必定死;這樣,你僕人們就使你僕人我們的父親,這個白髮老人,愁愁苦苦地下陰間去了。 32 因為僕人曾經向父親擔保這孩子的安全,說:‘如果我不把他帶回來交還給你,我就在父親面前終生承擔這罪。’ 33 現在求你容許僕人留下,代替這孩子作我主的奴僕,讓這孩子與他的哥哥們一同上去。 34 因為如果孩子沒有與我同去,我怎能上去見我的父親呢?恐怕我會看見災禍臨到我父親身上。”