Add parallel Print Page Options

Ang pamamagitan ni Juda dahil kay Benjamin.

18 Nang magkagayo'y lumapit si Juda sa kaniya, at nagsabi, Oh (A)panginoon ko, ipinamamanhik ko sa iyo na papagsalitain ang iyong lingkod, ng isang salita sa mga pakinig ng aking panginoon, (B)at huwag nawang magalab ang iyong loob laban sa iyong lingkod; sapagka't ikaw ay (C)parang si Faraon.

19 Tinanong ng aking panginoon ang kaniyang mga lingkod, na sinasabi; Kayo ba'y mayroong ama o kapatid?

20 At aming sinabi sa aking panginoon, Kami ay may ama, isang matanda, (D)at isang anak sa kaniyang katandaan, isang munting bata at ang kaniyang kapatid ay namatay, at siya lamang ang naiwan ng kaniyang ina, at minamahal siya ng kaniyang ama.

21 At sinabi mo sa iyong mga lingkod, (E)Dalhin ninyo rito sa akin, upang mamasdan ko siya ng aking mga mata.

22 At aming sinabi sa aking panginoon, Hindi maiiwan ng bata ang kaniyang ama: sapagka't kung iiwan niya ang kaniyang ama, ay (F)mamamatay ang ama niya.

23 At iyong sinabi sa iyong mga lingkod, (G)Hindi na ninyo makikita ang aking mukha, malibang inyong ipagsamang bumaba ang inyong kapatid na bunso.

24 At nangyari nang panhikin namin ang inyong lingkod na aking ama, ay aming isinaysay sa kaniya ang mga salita ng aking panginoon.

25 (H)At sinabi ng aming ama, Pumaroon kayo uli, ibili ninyo tayo ng kaunting pagkain.

26 At aming sinabi, Hindi kami makabababa: kung ang aming bunsong kapatid ay kasama namin ay bababa nga kami: sapagka't hindi namin makikita ang mukha ng lalaking yaon, malibang ang aming bunsong kapatid ay kasama namin.

27 At sinabi ng iyong lingkod na aming ama sa amin, Inyong talastas na ang aking asawa ay nagkaanak sa akin ng (I)dalawang lalake:

28 At ang isa'y umalis sa akin, (J)at aking sinabi, Tunay na siya'y nalapa; at hindi ko siya nakita mula noon.

29 (K)At kung inyong kunin pa ang isang ito sa akin, at may (L)mangyaring sakuna sa kaniya, ay inyong ibababa ang aking uban sa Sheol na may kapanglawan.

30 Ngayon nga'y kung ako'y dumating sa iyong lingkod na aking ama, at ang bata ay hindi namin kasama; (M)sapagka't ang kaniyang buhay ay natatali sa buhay ng batang iyan;

31 Ay mangyayari nga na pagka kaniyang nakitang ang bata ay di namin kasama, na mamamatay siya: at ibababa sa Sheol na may kapanglawan ng iyong mga lingkod ang mga uban ng iyong lingkod na aming ama.

32 Sapagka't ang iyong lingkod ang siyang nanagot sa bata sa aking ama, na nagsasabi: (N)Kung hindi ko siya dalhin sa iyo, ay papasanin ko nga ang kasalanan sa aking ama magpakailan man.

33 Ngayon nga, ay ipahintulot mo na ang iyong lingkod, aking isinasamo sa iyo, ay maiwan na kahalili ng bata na pinakaalipin ng aking panginoon; at iyong ipahintulot na ang bata ay umahong kasama ng kaniyang mga kapatid.

34 Sapagka't paanong paroroon ako sa aking ama, at ang bata'y di ko kasama? Baka aking makita pa ang sakunang sasapit sa aking ama.

Nagpakilala si Jose.

45 Nang magkagayon ay hindi (O)nakapagpigil si Jose sa harap nilang lahat na nakatayo sa siping niya; at sumigaw, Paalisin ninyo ang lahat ng tao sa aking harap. At walang taong tumayo na kasama niya samantalang si Jose ay napakikilala sa kaniyang mga kapatid.

At siya'y umiyak ng malakas: at narinig ng mga Egipcio, at narinig ng sangbahayan ni Faraon.

At sinabi ni Jose sa kaniyang mga kapatid, (P)Ako'y si Jose; buháy pa ba ang aking ama? At ang kaniyang mga kapatid ay hindi mangakasagot sa kaniya: sapagka't sila'y nagugulumihanan sa kaniyang harap.

At sinabi ni Jose sa kaniyang mga kapatid, Lumapit kayo sa akin, isinasamo ko sa inyo. At sila'y lumapit. At kaniyang sinabi: Ako'y si Jose na inyong kapatid, na (Q)inyong ipinagbili upang dalhin sa Egipto.

At ngayo'y huwag kayong magdalamhati, o magalit man sa inyong sarili na inyo akong ipinagbili rito: (R)sapagka't sinugo ako ng Dios sa unahan ninyo upang magadya ng buhay.

Sapagka't may dalawang taon nang ang kagutom ay nasa lupain; at (S)may limang taon pang hindi magkakaroon ng (T)pagbubukid, o pagaani man.

At sinugo ako ng Dios sa unahan ninyo upang papanatilihin kayong pinakalahi sa lupa, at upang iligtas kayong buhay sa pamamagitan ng dakilang pagliligtas.

Hindi nga kayo ang nagsugo sa akin dito, kundi ang Dios: at kaniya akong ginawang ama kay Faraon, at panginoon sa buo niyang bahay, at tagapamahala ng buong lupain ng Egipto.

Magmadali kayo, at pumaroon kayo sa aking ama, at sabihin ninyo sa kaniya: Ganito ang sabi ng iyong anak na si Jose: Ginawa akong panginoon ng Dios sa buong Egipto: pumarito ka sa akin, huwag kang magluwat.

10 (U)At ikaw ay tatahan sa lupain ng Gosen, at malalapit ka sa akin, ikaw at ang iyong mga anak, at ang mga anak ng iyong mga anak, at ang iyong mga kawan, at ang iyong mga bakahan, at ang iyong buong tinatangkilik.

11 At doo'y (V)kakandilihin kita; sapagka't may limang taong kagutom pa; baka ikaw ay madukha, ikaw at ang iyong sangbahayan, at ang lahat ng iyo.

12 At, narito, nakikita ng inyong mga mata at ng mga mata ng aking kapatid na si Benjamin, (W)na ang aking bibig ang nagsasalita sa inyo.

13 At inyong sasaysayin sa aking ama ang aking buong kaluwalhatian sa Egipto, at ang inyong buong nakita; at kayo'y magmamadali (X)at inyong ibababa rito ang aking ama.

14 At siya'y humilig sa leeg ng kaniyang kapatid na si Benjamin, at umiyak; at si Benjamin ay umiyak sa ibabaw ng kaniyang leeg.

15 At kaniyang hinagkan ang lahat niyang kapatid, at umiyak sa kanila: at pagkatapos ay nakipagsalitaan sa kaniya ang kaniyang mga kapatid.

Ipinakaon ni Faraon si Jacob.

16 At ang kabantugang yaon ay naibalita sa sangbahayan ni Faraon, na sinasabi, Nagsidating ang mga kapatid ni Jose: at ikinalugod ni Faraon, at ng kaniyang mga lingkod.

17 At sinabi ni Faraon kay Jose, Sabihin mo sa iyong mga kapatid, Ito'y gawin ninyo: pasanan ninyo ang inyong mga hayop, at kayo'y yumaon, umuwi sa lupain ng Canaan;

18 At dalhin ninyo ang inyong ama at ang inyong mga sangbahayan, at pumarito kayo sa akin: (Y)at aking ibibigay sa inyo ang pinakamabuti sa lupain ng Egipto, at kakanin ninyo ang katabaan ng lupain.

19 Ngayo'y inuutusan ka, ito'y gawin ninyo; (Z)kumuha kayo ng mga kariton sa lupain ng Egipto para sa inyong mga bata, at sa inyong mga asawa, at dalhin ninyo rito ang inyong ama, at kayo'y pumarito.

20 Huwag din ninyong lingapin ang inyong pagaari; dahil sa ang buti ng buong lupain ng Egipto ay inyo.

21 At ginawang gayon ng mga anak ni Israel: at binigyan sila ni Jose ng mga kariton, ayon sa utos ni Faraon, at sila'y binigyan ng mababaon sa daan.

22 Sa kanilang lahat ay nagbigay siya ng mga (AA)pangpalit na bihisan; nguni't kay Benjamin ay nagbigay siya ng tatlong daang putol na pilak, (AB)at limang pangpalit na bihisan.

23 At sa kaniyang ama ay nagpadala siya ng ganitong paraan; sangpung asnong may pasang mabuting mga bagay sa Egipto, at sangpung asna na may pasang trigo at tinapay at pagkain ng kaniyang ama sa daan.

24 Sa ganito ay kaniyang pinapagpaalam ang kaniyang mga kapatid, at sila'y yumaon: at kaniyang sinabi sa kanila, Huwag kayong magkaaalit sa daan.

25 At sila'y sumumpa mula sa Egipto, at naparoon sa lupain ng Canaan, kay Jacob na kanilang ama.

26 At kanilang isinaysay sa kaniya, na sinasabi, Si Jose ay buhay pa, at siya'y puno sa buong lupain ng Egipto. At ang kaniyang puso ay nanglupaypay, sapagka't di niya pinaniwalaan sila.

27 At kanilang isinaysay sa kaniya ang lahat ng salita ni Jose, na kaniyang sinabi sa kanila: (AC)nang kaniyang makita ang mga karitong ipinadala ni Jose upang dalhin sa kaniya, ay nagsauli ang diwa ni Jacob na kanilang ama.

28 At sinabi ni Israel, Siya na; si Jose na aking anak ay buhay pa: ako'y paroroon at titingnan ko siya, bago ako mamatay.

Si Jacob at ang kaniyang angkan ay pumunta sa Gosen.

46 At si Israel ay naglakbay na dala ang lahat niyang tinatangkilik, at napasa (AD)Beer-seba, at naghandog ng mga hain (AE)sa Dios ng kaniyang amang si Isaac.

At kinausap ng Dios si Israel (AF)sa mga panaginip sa gabi, at sinabi, Jacob, Jacob. At sinabi niya, Narito ako:

At kaniyang sinabi, Ako'y Dios, ang Dios (AG)ng iyong ama, huwag kang matakot na bumaba sa Egipto: (AH)sapagka't doo'y gagawin kitang isang dakilang bansa:

(AI)Ako'y bababang kasama mo sa Egipto; (AJ)at tunay na iaahon kita uli, (AK)at ipapatong ni Jose ang kaniyang kamay sa iyong mga mata.

At bumangon si Jacob mula sa Beer-seba; at dinala ng mga anak ni Israel si Jacob na kanilang ama, at ang kanilang mga bata, at ang kanilang mga asawa, sa mga kariton (AL)na ipinadala ni Faraon kay Jacob.

At kanilang dinala ang kanilang mga hayop, at ang kanilang mga pagaari na kanilang inimpok sa lupain ng Canaan, at na pasa Egipto, si (AM)Jacob at ang buong binhi niya na kasama niya.

Ang kaniyang mga anak na lalake at babae, at ang mga anak na lalake at babae ng kaniyang mga anak na kasama niya, at ang kaniyang buong binhi ay dinala niyang kasama niya sa Egipto.

Ang mga pangalan ng sangbahayan ni Jacob ay ibinigay.

(AN)At ito ang mga pangalan ng mga anak ni Israel, na napasa Egipto, ni Jacob at ng kaniyang mga anak: si (AO)Ruben na anak na panganay ni Jacob.

At ang mga anak ni Ruben; si Hanoch, at si Phallu, at si Hezron, at si Carmi.

10 At ang mga anak ni Simeon; si Jemuel, at si Jamin, at si Ohad, at si Jachin, at si Zohar, at si Saul na anak ng isang babaing taga Canaan.

11 (AP)At ang mga anak ni Levi; si Gerson, si Coat at si Merari.

12 (AQ)At ang mga anak ni Juda; si Er, at si Onan, at si Sela, at si Phares, at si Zara; (AR)nguni't si Er at si Onan ay namatay sa lupain ng Canaan. (AS)At ang mga anak ni Phares, si Hezron at si Hamul.

13 (AT)At ang mga anak ni Issachar; si Thola, at si Phua, at si Job, at si Simron.

14 At ang mga anak ni Zabulon; si Sered; at si Elon, at si Jahleel.

15 (AU)Ito ang mga anak ni Lea, na kaniyang ipinanganak kay Jacob sa Padan-aram, sangpu ng kaniyang anak na babaing si Dina: ang lahat na taong kaniyang mga anak na lalake at babae ay tatlong pu't tatlo.

16 At ang mga anak ni Gad; si Ziphion, at si Aggi, si Suni, at si Ezbon, si Heri, at si Arodi, at si Areli.

17 (AV)At ang mga anak ni Aser; si Jimna; at si Ishua, at si Isui, at si Beria, at si Sera na kanilang kapatid na babae: at ang mga anak ni Beria; si Heber, at si Malchel.

18 (AW)Ito ang mga anak ni Zilpa (AX)na siyang ibinigay ni Laban kay Lea na kaniyang anak na babae, at ang mga ito ay kaniyang ipinanganak kay Jacob, na labing anim na tao.

19 Ang mga anak ni Raquel na asawa ni Jacob; si Jose at si Benjamin.

20 (AY)At kay Jose ay ipinanganak sa lupain ng Egipto si Manases at si Ephraim, na ipinanganak sa kaniya ni Asenath, na anak ni Potiphera na saserdote sa On.

21 (AZ)At ang mga anak ni Benjamin; si Bela; at si Becher, at si Asbel, si Gera, at si Naaman, si Ehi, at si Ros, si Muppim, at si Huppim, at si Ard.

22 Ito ang mga anak ni Raquel na ipinanganak kay Jacob: lahat ay labing apat.

23 At ang mga anak ni Dan; si Husim.

24 (BA)At ang mga anak ni Nephtali; si Jahzeel, at si Guni, at si Jezer, at si Shillem.

25 (BB)Ito ang mga anak ni Bilha, (BC)na siyang ibinigay ni Laban kay Raquel na kaniyang anak, at ang mga ito ang ipinanganak niya kay Jacob; lahat na tao ay pito.

26 Lahat na tao na sumama kay Jacob sa Egipto, na nagsilabas sa kaniyang mga balakang, bukod pa ang mga asawa ng mga anak ni Jacob, ang lahat na tao ay anim na pu't anim;

27 At ang mga anak ni Jose na ipinanganak sa kaniya sa Egipto, ay dalawang katao; ang (BD)lahat na tao sa sangbahayan ni Jacob, na napasa Egipto, ay pitongpu.