Add parallel Print Page Options

26 Isinakay agad ng mga kapatid ni Jose ang mga sako nila sa kanilang asno at umalis.

27 Nang nagpalipas sila ng gabi sa isang lugar, isa sa kanila ang nagbukas ng sako niya para pakainin ang kanyang asno. Pagbukas niya, nakita niya roon ang perang ibinayad niya. 28 Sumigaw siya sa kanyang mga kapatid, “Ibinalik ang ibinayad ko! Nandito sa sako ko.”

Nanlupaypay silang lahat at kinabahan.[a] Nagtanungan sila, “Ano kaya itong ginawa ng Dios sa atin?”

Read full chapter

Footnotes

  1. 42:28 Kinabahan sila at baka pagbintangan sila na itinago nila ang pera at hindi sila nagbayad.