Add parallel Print Page Options

Ipinaliwanag ni Jose ang mga Panaginip ng Faraon

41 Pagkaraan ng dalawang taon, ang Faraon naman ang nanaginip. Napanaginipan niyang siya'y nakatayo sa pampang ng Ilog Nilo. Walang anu-ano'y may pitong magaganda't matatabang bakang umahon sa ilog at nanginain ng damo. 3-4 Umahon din mula sa ilog na iyon ang pitong pangit at payat na baka. Lumapit ang mga ito at kinain ang pitong matatabang baka. At nagising ang Faraon. Nakatulog siyang muli at nanaginip na naman. May pitong uhay na tumubo sa isang puno ng trigo. Malalaki at matataba ang mga butil nito. Pagkatapos, may sumibol na pitong uhay. Ang mga ito ay payat at tuyot ang mga butil dahil sa hampas ng hanging silangan. Kinain ng mga payat ang matatabang uhay, at muling nagising ang Faraon. Noon niya nalamang siya pala'y nananaginip. Pagsapit(A) ng umaga, nabagabag siya, kaya't ipinatawag niyang lahat ang mga salamangkero at mga matatalinong tao sa buong Egipto. Isinalaysay niya ang kanyang mga panaginip, ngunit isa ma'y walang makapagpaliwanag ng kahulugan ng mga ito.

Lumapit sa Faraon ang tagapangasiwa ng mga inumin at sinabi sa kanya, “Ako po'y may malaking pagkukulang na nagawa. 10 Nang magalit po kayo sa amin ng punong panadero at ipabilanggo ninyo kami sa tahanan ng kapitan ng mga tanod, 11 kami po'y parehong nanaginip. 12 Isa pong binatang Hebreo na alipin ng kapitan ng mga tanod ang kasama namin doon. Siya po ang nagpaliwanag ng aming panaginip. 13 Sinabi po niyang ako'y mababalik sa tungkulin at ang punong panadero'y bibitayin; nangyari pong lahat ang kanyang sinabi.”

14 Ipinatawag agad ng Faraon si Jose. Nang mailabas na sa bilangguan, siya'y nag-ahit, nagbihis at kaagad humarap sa hari. 15 Sinabi ng Faraon sa kanya, “Ako'y nanaginip ngunit walang makapagsabi sa akin ng kahulugan niyon. Nabalitaan kong mahusay kang magpaliwanag ng mga panaginip.”

16 “Hindi po ako ang makapagpapaliwanag, kamahalan,” sabi ni Jose. “Ang Diyos po ang siyang magbibigay ng katugunan sa inyong katanungan.”

17 Sinabi ng Faraon, “Ako raw ay nakatayo sa pampang ng Ilog Nilo. 18 May pitong magaganda at matatabang bakang umahon sa ilog at nanginain. 19 Walang anu-ano'y pitong mga payat na baka, pinakapangit na sa nakita ko sa buong Egipto, ang umahon din sa ilog. 20 Kinain ng mga payat ang matatabang baka, 21 ngunit parang walang anumang nangyari. Matapos kainin ang matataba, iyon pa rin ang ayos ng mga payat, napakapangit pa rin, at ako'y nagising. 22 Muli akong nakatulog at nanaginip na naman. May nakita akong pitong uhay sa isang puno ng trigo na hitik na hitik ng hinog na butil. 23 Sa puno ring ito, may sumibol na pitong uhay, ngunit lanta, napakapayat ng mga butil, at tinuyo ng hanging silangan. 24 Kinain ng mga payat na uhay ang matataba. Isinalaysay ko na ito sa mga salamangkero, ngunit walang makapagpaliwanag sa akin.”

25 “Iisa po ang kahulugan ng dalawa ninyong panaginip,” sabi ni Jose. “Ipinapaalam sa inyo ng Diyos kung ano ang kanyang gagawin. 26 Ang pitong matatabang baka po ay pitong taon; iyon din po ang kahulugan ng pitong uhay na matataba ang butil. 27 Ang sinasabi ninyong pitong payat na baka at ang pitong uhay na payat ang mga butil ay pitong taon ng taggutom. 28 Gaya ng sinabi ko sa inyo, iyan po ang gagawin ng Diyos. 29 Magkakaroon ng pitong taóng kasaganaan sa buong Egipto. 30 Ang kasunod naman nito'y pitong taon ng taggutom at dahil sa kapinsalaang idudulot nito, malilimutan na sa Egipto ang nagdaang panahon ng kasaganaan. 31 Mangyayari ito dahil sa katakut-takot na hirap na daranasin sa panahon ng taggutom. 32 Dalawang ulit po ang inyong panaginip, mahal na Faraon, upang ipaalam sa inyo na itinakda na ng Diyos ang bagay na ito, at malapit na niya itong isagawa.

33 “Ang mabuti po'y pumili kayo ng taong matalino at may kakayahan upang siyang mamahala sa Egipto. 34 Maglagay kayo sa buong bansa ng mga tagalikom ng ikalimang bahagi ng lahat ng aanihin sa loob ng pitong taóng kasaganaan. 35 Lahat ng inaning butil sa panahong iyon ay dapat ipunin, ikamalig sa mga lunsod at pabantayang mabuti. Bigyan ninyo ng kapangyarihan ang mga tagalikom upang maisagawa ang lahat ng ito. 36 Ang maiipong pagkain ay ilalaan para sa pitong taon ng taggutom na tiyak na darating sa Egipto. Sa gayon, hindi mamamatay sa gutom ang mga mamamayan sa buong bansa.”

Ginawang Tagapamahala sa Egipto si Jose

37 Nagustuhan ng Faraon at ng kanyang mga kagawad ang panukala ni Jose. 38 Sinabi nila, “Bakit pa tayo hahanap ng iba, samantalang nasa kanya ang Espiritu[a] ng Diyos?” 39 Kaya't sinabi ng Faraon kay Jose, “Ang Diyos ang nagpakita sa iyo ng lahat ng ito, kaya't wala nang hihigit pa sa iyo sa karunungan at pang-unawa. 40 Ikaw(B) ang pamamahalain ko sa buong bansa, at susundin ka ng lahat. Ang aking trono lamang ang hindi mapapasaiyo. 41 At ngayon, inilalagay kitang gobernador ng buong Egipto!” 42 Inalis(C) ni Faraon sa kanyang daliri ang singsing na pantatak at isinuot iyon kay Jose; binihisan niya ito ng damit na lino at sinabitan ng gintong kuwintas sa leeg. 43 Ipinagamit kay Jose ang pangalawang sasakyan ng hari, at binigyan siya ng tanod pandangal na nauuna sa kanya at sumisigaw, “Lumuhod kayo!” Sa gayon, ipinailalim sa kanya ang pamamahala sa buong Egipto. 44 Sinabi ng Faraon kay Jose, “Ako ang Faraon at ikaw ang aking pangalawa, ngunit kung wala kang pahintulot, walang sinuman sa Egipto na makakagawa ng anuman.” 45 Binigyan niya si Jose ng bagong pangalan: Zafenat-panea. At ipinakasal sa kanya si Asenat na anak ni Potifera, ang pari sa Heliopolis.[b] Bilang gobernador, pinamahalaan ni Jose ang buong lupain ng Egipto.

46 Tatlumpung taon si Jose nang magsimulang maglingkod sa Faraon. Pagkaalis niya sa harapan ng hari, nilibot niya ang buong Egipto. 47 Pitong taóng nag-ani nang sagana sa buong lupain. 48 Inipon ni Jose ang lahat ng pagkain sa Egipto at ikinamalig sa mga lunsod. Sa loob ng pitong taon ng kasaganaan, inipon niya sa bawat lunsod ang mga pagkaing inani sa palibot nito. 49 Ang naipon niyang trigo ay sindami ng buhangin sa dagat, kaya't hindi na niya tinatakal dahil sa dami.

50 Bago dumating ang taggutom, nagkaanak si Jose ng dalawang lalaki kay Asenat. 51 Tinawag niyang Manases[c] ang panganay, sapagkat sinabi niya, “Niloob ng Diyos na malimot ko ang aking naging hirap sa bahay ng aking ama.” 52 Efraim[d] naman ang ipinangalan sa pangalawa, sapagkat ang sabi niya, “Pinagkalooban ako ng Diyos ng mga anak sa lupain ng aking paghihirap.”

53 Natapos ang pitong taon ng kasaganaan sa Egipto. 54 At(D) sumunod ang pitong taóng taggutom, tulad ng sinabi ni Jose. Ngunit sa buong Egipto'y may pagkain, samantalang taggutom sa ibang bansa. 55 Nang(E) wala nang makain ang mamamayan, sila'y dumaing sa Faraon. Sinabi niya sa mga taga-Egipto, “Magpunta kayo kay Jose, at sundin ninyo ang kanyang sasabihin.” 56 Lumaganap ang taggutom sa buong bansa. Binuksan ni Jose ang lahat ng mga kamalig, at pinagbilhan ng trigo ang mga taga-Egipto. Palubha nang palubha ang taggutom sa buong Egipto. 57 Lumaganap din ito sa ibang mga bansa, kaya't ang mga mamamayan nila'y pumunta sa Egipto upang bumili ng pagkain kay Jose.

Footnotes

  1. Genesis 41:38 Espiritu: o kaya'y kapangyarihan .
  2. Genesis 41:45 Heliopolis: Sa Hebreo ay On .
  3. Genesis 41:51 MANASES: Sa wikang Hebreo, ang mga salitang “Manases” at “Niloob na malimot” ay magkasintunog.
  4. Genesis 41:52 EFRAIM: Sa wikang Hebreo, ang mga salitang “Efraim” at “Pinagkalooban ng mga anak” ay magkasintunog.

Ipinaliwanag ni Jose ang Panaginip ng Faraon

41 Pagkalipas ng dalawang taon, nanaginip ang Faraon[a] na nakatayo siya sa pampang ng Ilog ng Nilo. Sa kanyang panaginip, biglang may umahon na pitong maganda at matabang baka na kumakain ng damo. Maya-maya paʼy may umahon din na pitong pangit at payat na baka, nilapitan ng pitong pangit at payat na baka ang pitong maganda at matabang baka, at kinain. At nagising agad ang Faraon.

Muling nakatulog ang Faraon at nanaginip na naman. Sa kanyang panaginip, nakakita siya ng pitong uhay na mataba ang butil na sumulpot sa isang sanga. At sa sanga ring iyon, sumulpot ang pitong uhay na payat ang butil na natuyo dahil sa mainit na hangin na galing sa silangan.[b] Kinain agad ng mapapayat na uhay ang pitong matatabang uhay. At nagising agad ang hari. Akala niyaʼy totoo iyon pero panaginip lang pala.

Kinaumagahan, litong-lito ang isip ng Faraon tungkol sa mga panaginip niya, kaya ipinatawag niya ang lahat ng salamangkero at matatalinong tao sa Egipto. Sinabi niya sa kanila ang mga panaginip niya, pero wala ni isa man sa kanila ang makapagpaliwanag kung ano ang kahulugan nito.

Pagkatapos, lumapit ang pinuno ng mga tagasilbi niya ng alak at nagsabi, “Naalala ko na po ngayon ang mga kasalanan ko. 10 Hindi po baʼt nagalit kayo noon sa akin at sa pinuno ng mga panadero, at ipinakulong nʼyo po kami sa bahay ng kapitan ng mga guwardya sa palasyo? 11 Isang gabi noon, nanaginip kaming dalawa, at magkaiba po ang kahulugan ng panaginip namin. 12 May kasama kami roon na binatang Hebreo, na alipin ng kapitan ng mga guwardya sa palasyo. Sinabi po namin sa kanya ang panaginip namin at ipinaliwanag niya sa amin ang kahulugan nito. 13 Nagkatotoo ang sinabi niya tungkol sa amin: Pinabalik nʼyo po ako sa trabaho ko at ipinabitin ninyo sa puno ang bangkay ng kasama ko.”

14 Kaya ipinatawag ng Faraon si Jose, at pinalabas siya agad sa bilangguan. Pagkatapos siyang gupitan at ahitan, nagpalit siya ng damit at pumunta sa Faraon.

15 Sinabi ng Faraon sa kanya, “Nanaginip ako pero walang makapagpaliwanag ng kahulugan nito. May nagsabi sa akin na marunong kang magpaliwanag ng kahulugan ng mga panaginip.”

16 Sumagot si Jose, “Hindi po ako, Mahal na Hari, kundi ang Dios ang siyang magbibigay ng kahulugan ng mga panaginip ninyo para sa ikabubuti ninyo.”

17 Sinabi ng Faraon ang panaginip niya kay Jose. Sinabi niya, “Nanaginip ako na nakatayo ako sa pampang ng Ilog Nilo. 18 Biglang may umahon na pitong maganda at matabang baka, at kumain sila ng damo. 19 Maya-maya paʼy may umahon ding pitong pangit at payat na baka. Wala pa akong nakitang baka sa buong Egipto na ganoon kapangit. 20 Kinain ng mga pangit at payat na baka ang pitong matatabang baka na unang nagsiahon. 21 Pero pagkakain nila, hindi man lang halata na nakakain sila ng ganoon dahil ganoon pa rin sila kapapayat. At bigla akong nagising.

22 “Pero nakatulog ulit ako at nanaginip na naman. Nakakita ako ng pitong uhay na mataba ang butil na sumulpot sa isang sanga. 23 At sa sanga ring iyon, sumulpot din ang pitong uhay na payat ang butil at natuyo dahil sa mainit na hangin na galing sa silangan. 24 At kinain ng mga payat na uhay ang pitong matatabang butil na uhay. Sinabi ko na ito sa mga salamangkero, pero wala ni isa man sa kanila ang makapagpaliwanag ng kahulugan nito.”

25 Sinabi ni Jose sa Faraon, “Mahal na Hari, ang dalawang panaginip po ninyo ay iisa lang ang kahulugan. Sa pamamagitan ng mga panaginip ninyo, ipinapahayag sa inyo ng Dios kung ano ang kanyang gagawin. 26 Ang pitong matatabang baka at pitong matatabang uhay ay parehong pitong taon ang kahulugan. 27 Ang pitong payat at pangit na baka at ang pitong payat na butil na uhay na pinatigas ng mainit na hangin na galing sa silangan ay nangangahulugan po ng pitong taong taggutom.

28 “Gaya po ng sinabi ko sa inyo, Mahal na Faraon, ipinapahayag sa inyo ng Dios kung ano po ang kanyang gagawin. 29 Sa loob po ng darating na pitong taon, magiging labis ang kasaganaan sa buong Egipto. 30 Pero susundan po agad ito ng pitong taon na taggutom, at makakalimutan na ng mga tao ang naranasan nilang kasaganaan dahil ang taggutom ay nagdulot ng pinsala sa lupain ng Egipto. 31 Matinding taggutom po ang darating na parang hindi nakaranas ng kasaganaan ang lupain ng Egipto. 32 Dalawang beses po kayong nanaginip, Mahal na Faraon, para malaman nʼyo na itinakda ng Dios na mangyayari ito at malapit na itong mangyari.

33 “Kaya ngayon, Mahal na Faraon, iminumungkahi ko po na dapat kayong pumili ng isang matalinong tao para mamahala sa lupain ng Egipto. 34 Maglagay din po kayo ng mga opisyal sa buong Egipto para ihanda[c] ang lugar na ito sa loob ng pitong taon na kasaganaan. 35 Sa mga panahong iyon, ipaipon nʼyo rin po sa kanila ang lahat ng makokolekta ninyo galing sa mga ani at sa ilalim ng inyong pamamahala, ipatago po ninyo sa kanila ang mga ani sa mga kamalig ng mga lungsod. 36 Ang mga pagkaing ito ay ilalaan para sa mga tao kapag dumating na ang pitong taong taggutom sa Egipto, para hindi sila magutom.”

Ginawang Tagapamahala si Jose sa Egipto

37 Nagustuhan ng hari at ng kanyang mga opisyal ang mungkahi ni Jose. 38 Sinabi niya sa kanyang mga opisyal, “Wala na tayong makikita pang ibang tao na kagaya ni Jose na ginagabayan ng Espiritu ng Dios.”

39 Kaya sinabi ng Faraon kay Jose, “Sapagkat sinabi sa iyo ng Dios ang mga bagay na ito, wala na sigurong iba pang tao na may kaalaman at pang-unawa na kagaya mo. 40-41 Gagawin kita ngayon na tagapamahala ng aking kaharian at gobernador ng buong Egipto, at susunod sa iyo ang lahat ng tauhan ko. Pero mas mataas pa rin ang karapatan ko kaysa sa iyo.” 42 Tinanggal agad ng Faraon ang kanyang singsing na pangtatak at isinuot sa daliri ni Jose. Pinasuotan niya si Jose ng espesyal na damit na gawa sa telang linen at pinasuotan ng gintong kwintas. 43 Ipinagamit din niya kay Jose ang kanyang pangalawang karwahe,[d] at may mga tagapamalita na mauuna sa kanya na sumisigaw, “Lumuhod kayo sa gobernador!” Kaya simula noon, naging gobernador si Jose sa buong lupain ng Egipto.

44 Sinabi pa ng Faraon kay Jose, “Ako ang hari rito sa Egipto, Pero walang sinuman ang gagawa ng kahit ano rito sa Egipto nang walang pahintulot mo.” 45 Pinangalanan niya si Jose ng Zafenat Panea. Pinag-asawa rin niya si Jose kay Asenat na anak ni Potifera na pari mula sa lungsod ng On. Bilang gobernador, si Jose na ang namahala sa Egipto.

46 Si Jose ay 30 taong gulang pa lang nang magsimulang maglingkod sa Faraon. Umalis siya sa palasyo at umikot sa buong Egipto.

47 Tunay ngang naging masagana ang ani sa loob ng pitong taong kasaganaan. 48 At sa panahong iyon, ipinaipon ni Jose ang lahat ng nakolekta galing sa mga ani.[e] Ipinatago niya sa bawat lungsod ang mga ani na galing sa bukid sa palibot nito. 49 Napakarami ng trigong naipon ni Jose; parang kasing dami ng buhangin sa tabing-dagat. Itinigil na lang niya ang pagtatakal nito dahil hindi na ito makayanang takalin.

50 Bago dumating ang taggutom, ipinanganak ang dalawang anak ni Jose kay Asenat na anak ni Potifera na pari ng lungsod ng On. 51 Pinangalanan ni Jose ang panganay na Manase[f] dahil ayon sa kanya, “Dahil sa tulong ng Dios, nakalimutan ko ang mga paghihirap ko at ang aking pananabik sa sambahayan ng aking ama.” 52 Pinangalanan niya ang pangalawa niyang anak na Efraim.[g] Sapagkat ayon sa kanya, “Dahil sa tulong ng Dios, naging masagana ako sa lugar kung saan nakaranas ako ng mga paghihirap.”

53 Natapos na ang pitong taong kasaganaan sa Egipto, 54 at nagsimula na ang pitong taong taggutom katulad ng sinabi ni Jose. May taggutom sa ibaʼt ibang lugar pero may pagkain sa buong Egipto. 55 Dumating ang panahon na naramdaman din ng mga taga-Egipto ang taggutom, kaya humingi sila ng pagkain sa hari. Sinabi ng hari sa kanila, “Pumunta kayo kay Jose dahil siya ang magsasabi sa inyo kung ano ang gagawin ninyo.”

56 Lumaganap ang taggutom kahit saan. At dahil sa matinding taggutom sa buong Egipto, pinabuksan ni Jose ang lahat ng kamalig at pinagbilhan ng pagkain ang mga taga-Egipto. 57 Pumunta rin sa Egipto ang halos lahat ng bansa para bumili ng pagkain kay Jose dahil matindi ang taggutom sa kanilang bansa.

Footnotes

  1. 41:1 Faraon: o, hari ng Egipto. Ganito rin sa sumusunod na mga talata.
  2. 41:6 hangin na galing sa silangan: Kung nasa Israel ka, galing sa bandang silangan. Pero kung nasa Egipto ka, galing sa bandang timog.
  3. 41:34 para ihanda: o, para mangolekta ng 20 porsiyento ng lahat ng ani.
  4. 41:43 ang kanyang pangalawang karwahe: o, ang karwahe ng opisyal na pangalawa sa kanya.
  5. 41:48 Tingnan ang 47:24.
  6. 41:51 Manase: Maaaring ang ibig sabihin, kinalimutan.
  7. 41:52 Efraim: Maaaring ang ibig sabihin, nagbunga o naging masagana.

Chapter 41

Pharaoh’s Dream. [a]After a lapse of two years, Pharaoh had a dream. He was standing by the Nile, when up out of the Nile came seven cows, fine-looking and fat; they grazed in the reed grass. Behind them seven other cows, poor-looking and gaunt, came up out of the Nile; and standing on the bank of the Nile beside the others, the poor-looking, gaunt cows devoured the seven fine-looking, fat cows. Then Pharaoh woke up.

He fell asleep again and had another dream. He saw seven ears of grain, fat and healthy, growing on a single stalk. Behind them sprouted seven ears of grain, thin and scorched by the east wind; and the thin ears swallowed up the seven fat, healthy ears. Then Pharaoh woke up—it was a dream!

Next morning his mind was agitated. So Pharaoh had all the magicians[b] and sages of Egypt summoned and recounted his dream to them; but there was no one to interpret it for him. Then the chief cupbearer said to Pharaoh: “Now I remember my negligence! 10 Once, when Pharaoh was angry with his servants, he put me and the chief baker in custody in the house of the chief steward. 11 Later, we both had dreams on the same night, and each of our dreams had its own meaning. 12 There was a Hebrew youth with us, a slave of the chief steward; and when we told him our dreams, he interpreted them for us and explained for each of us the meaning of his dream.(A) 13 Things turned out just as he had told us: I was restored to my post, but the other man was impaled.”

14 Pharaoh therefore had Joseph summoned, and they hurriedly brought him from the dungeon. After he shaved and changed his clothes, he came to Pharaoh.(B) 15 Pharaoh then said to Joseph: “I had a dream but there was no one to interpret it. But I hear it said of you, ‘If he hears a dream he can interpret it.’” 16 “It is not I,” Joseph replied to Pharaoh, “but God who will respond for the well-being of Pharaoh.”(C)

17 Then Pharaoh said to Joseph: “In my dream, I was standing on the bank of the Nile, 18 when up from the Nile came seven cows, fat and well-formed; they grazed in the reed grass. 19 Behind them came seven other cows, scrawny, most ill-formed and gaunt. Never have I seen such bad specimens as these in all the land of Egypt! 20 The gaunt, bad cows devoured the first seven fat cows. 21 But when they had consumed them, no one could tell that they had done so, because they looked as bad as before. Then I woke up. 22 In another dream I saw seven ears of grain, full and healthy, growing on a single stalk. 23 Behind them sprouted seven ears of grain, shriveled and thin and scorched by the east wind; 24 and the seven thin ears swallowed up the seven healthy ears. I have spoken to the magicians, but there is no one to explain it to me.”

25 Joseph said to Pharaoh: “Pharaoh’s dreams have the same meaning. God has made known to Pharaoh what he is about to do. 26 The seven healthy cows are seven years, and the seven healthy ears are seven years—the same in each dream. 27 The seven thin, bad cows that came up after them are seven years, as are the seven thin ears scorched by the east wind; they are seven years of famine. 28 Things are just as I told Pharaoh: God has revealed to Pharaoh what he is about to do. 29 Seven years of great abundance are now coming throughout the land of Egypt; 30 but seven years of famine will rise up after them, when all the abundance will be forgotten in the land of Egypt. When the famine has exhausted the land, 31 no trace of the abundance will be found in the land because of the famine that follows it, for it will be very severe. 32 That Pharaoh had the same dream twice means that the matter has been confirmed by God and that God will soon bring it about.

33 “Therefore, let Pharaoh seek out a discerning and wise man and put him in charge of the land of Egypt. 34 Let Pharaoh act and appoint overseers for the land to organize it during the seven years of abundance. 35 They should collect all the food of these coming good years, gathering the grain under Pharaoh’s authority, for food in the cities, and they should guard it. 36 This food will serve as a reserve for the country against the seven years of famine that will occur in the land of Egypt, so that the land may not perish in the famine.”

37 This advice pleased Pharaoh and all his servants.(D) 38 “Could we find another like him,” Pharaoh asked his servants, “a man so endowed with the spirit of God?” 39 So Pharaoh said to Joseph: “Since God has made all this known to you, there is no one as discerning and wise as you are. 40 You shall be in charge of my household, and all my people will obey your command. Only in respect to the throne will I outrank you.”(E) 41 Then Pharaoh said to Joseph, “Look, I put you in charge of the whole land of Egypt.” 42 With that, Pharaoh took off his signet ring[c] and put it on Joseph’s finger. He dressed him in robes of fine linen and put a gold chain around his neck. 43 He then had him ride in his second chariot, and they shouted “Abrek!”[d] before him.

Thus was Joseph installed over the whole land of Egypt. 44 “I am Pharaoh,” he told Joseph, “but without your approval no one shall lift hand or foot in all the land of Egypt.” 45 Pharaoh also bestowed the name of Zaphenath-paneah[e] on Joseph, and he gave him in marriage Asenath, the daughter of Potiphera, priest of Heliopolis. And Joseph went out over the land of Egypt. 46 Joseph was thirty years old when he entered the service of Pharaoh, king of Egypt.

After Joseph left Pharaoh, he went throughout the land of Egypt. 47 During the seven years of plenty, when the land produced abundant crops, 48 he collected all the food of these years of plenty that the land of Egypt was enjoying and stored it in the cities, placing in each city the crops of the fields around it. 49 Joseph collected grain like the sands of the sea, so much that at last he stopped measuring it, for it was beyond measure.

50 Before the famine years set in, Joseph became the father of two sons, borne to him by Asenath, daughter of Potiphera, priest of Heliopolis.(F) 51 Joseph named his firstborn Manasseh,[f] meaning, “God has made me forget entirely my troubles and my father’s house”; 52 and the second he named Ephraim,[g] meaning, “God has made me fruitful in the land of my affliction.”

53 When the seven years of abundance enjoyed by the land of Egypt came to an end, 54 the seven years of famine set in, just as Joseph had said. Although there was famine in all the other countries, food was available throughout the land of Egypt.(G) 55 When all the land of Egypt became hungry and the people cried to Pharaoh for food, Pharaoh said to all the Egyptians: “Go to Joseph and do whatever he tells you.” 56 When the famine had spread throughout the land, Joseph opened all the cities that had grain and rationed it to the Egyptians, since the famine had gripped the land of Egypt. 57 Indeed, the whole world came to Egypt to Joseph to buy grain, for famine had gripped the whole world.

Footnotes

  1. 41:1–57 Joseph correctly interprets Pharaoh’s dream and becomes second in command over all Egypt.
  2. 41:8 Magicians: one of the tasks of the “magicians” was interpreting dreams. The interpretation of dreams was a long-standing practice in Egypt. A manual of dream interpretation has been found, written in the early second millennium and re-published later in which typical dreams are given (“If a man sees himself in a dream…”) followed by a judgment of “good” or “bad.” Interpreters were still needed for dreams, however, and Pharaoh complains that none of his dream interpreters can interpret his unprecedented dream. The same term will be used of Pharaoh’s magicians in Exodus.
  3. 41:42 Signet ring: a finger ring in which was set a stamp seal, different from the cylinder seal such as Judah wore; see note on 38:18. By receiving Pharaoh’s signet ring, Joseph was made vizier of Egypt (v. 43); the vizier was known as “seal-bearer of the king of Lower Egypt.” The gold chain was a symbol of high office in ancient Egypt.
  4. 41:43 Abrek: apparently a cry of homage, though the word’s derivation and actual meaning are uncertain.
  5. 41:45 Zaphenath-paneah: a Hebrew transcription of an Egyptian name meaning “the god speaks and he (the newborn child) lives.” Asenath: means “belonging to (the Egyptian goddess) Neith.” Potiphera: means “he whom Ra (the Egyptian god) gave”; a shorter form of the same name was borne by Joseph’s master (37:36). Heliopolis: in Hebrew, On, a city seven miles northeast of modern Cairo, site of the chief temple of the sun god; it is mentioned also in v. 50; 46:20; Ez 30:17.
  6. 41:51 Manasseh: an allusion to this name is in the Hebrew expression, nishshani, “he made me forget.”
  7. 41:52 Ephraim: related to the Hebrew expression hiphrani, “(God) has made me fruitful.” The name originally meant something like “fertile land.”