Genesis 40
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
Ipinaliwanag ni Jose ang Dalawang Panaginip
40 1-2 Pagkatapos ng mga nangyaring ito, nagkasala sa Faraon[a] ang pinuno ng mga tagasilbi niya ng alak at pinuno ng mga panadero. Lubhang nagalit ang hari sa dalawa niyang opisyal na ito. 3 Kaya ipinabilanggo niya ang mga ito sa bahay ng kapitan ng mga guwardya sa palasyo kung saan naroon din si Jose nakabilanggo. 4 Si Jose ang katiwala ng kapitan ng mga guwardya na nag-aalaga sa kanila. Nagkasama sila nang matagal sa bilangguan.
5 Isang gabi, nanaginip ang tagasilbi ng alak at ang panadero ng Faraon habang naroon sila sa bilangguan. Ang bawat isa sa kanila ay magkaiba ang panaginip at magkaiba rin ang kahulugan.
6 Kinaumagahan, pagpunta ni Jose sa kanila, nakita niyang nanlulupaypay sila. 7 Kaya tinanong niya sila, “Bakit kayo malungkot?”
8 Sumagot sila, “Nanaginip kasi kami pero walang makapagpaliwanag ng kahulugan nito.”
Sinabi ni Jose, “Ang Dios ang nagbibigay ng kaalaman sa pagpapaliwanag ng kahulugan ng mga panaginip. Sige, sabihin nʼyo sa akin kung ano ang mga panaginip ninyo.”
9 Kaya sinabi ng pinuno ng tagasilbi ng alak ang kanyang panaginip. Sinabi niya, “Nanaginip ako na may isang puno ng ubas sa aking harapan 10 at itoʼy may tatlong sanga. Tumubo ito, namulaklak, at nahinog ang mga bunga. 11 Nakahawak daw ako sa saro ng Faraon at pumitas ng ubas, at piniga ko agad sa saro. Pagkatapos, ibinigay ko ang saro sa hari.”
12 Sinabi ni Jose, “Ito ang kahulugan ng panaginip mo: Ang tatlong sanga ay nangangahulugan ng tatlong araw. 13 Hindi matatapos ang tatlong araw, palalabasin ka ng Faraon sa bilangguan at pababalikin ka sa trabaho mo bilang tagasilbi ng kanyang alak. 14 Nawaʼy alalahanin mo ako kapag nasa mabuti ka nang kalagayan. At bilang pagpapakita ng kabutihan mo sa akin, banggitin mo rin ako sa Faraon para matulungan mo ako na makalabas sa bilangguan. 15 Sapagkat ang totoo, sapilitan lang akong dinala rito mula sa lupain ng mga Hebreo, at kahit dito ay wala rin akong nagawang kasalanan para ibilanggo ako.”
16 Nang marinig ng pinuno ng mga panadero na maganda ang kahulugan ng panaginip, isinalaysay din niya ang panaginip niya kay Jose. Sinabi niya, “Nanaginip din ako na may dala-dala ako sa ulo ko na tatlong kaing na may mga laman na tinapay. 17 Ang ibabaw ng kaing ay may laman na ibaʼt ibang uri ng tinapay para sa Faraon, pero tinuka ito ng mga ibon.”
18 Sinabi ni Jose, “Ito ang kahulugan ng panaginip mo: Ang tatlong kaing ay nangangahulugan ng tatlong araw. 19 Hindi matatapos ang tatlong araw, palalabasin ka ng Faraon sa bilangguan pero ipapapatay ka niya at ibibitin ang bangkay mo sa kahoy, at tutukain ito ng mga ibon.”
20 Dumating ang ikatlong araw at ito ay kaarawan ng Faraon. Kaya nagpahanda siya para sa lahat ng opisyal niya. Pinalabas niya sa bilangguan ang pinuno ng mga tagasilbi niya ng alak at ang pinuno ng mga panadero niya, at pinaharap sa kanyang mga opisyal. 21 Ibinalik niya ang pinuno ng mga tagasilbi ng alak sa kanyang trabaho. 22 Pero ipinapatay niya ang pinuno ng mga panadero, at ibinitin ang bangkay nito sa puno. Nangyari lahat ang sinabi ni Jose sa kanila.
23 Pero hindi naalala ng pinuno ng mga tagasilbi ng alak si Jose.
Footnotes
- 40:1-2 Faraon: o, hari ng Egipto. Ganoon din sa talatang 5, 11, 13, 14, 17, 19, at 20.
Genesis 40
Good News Translation
Joseph Interprets the Prisoners' Dreams
40 Some time later the king of Egypt's wine steward and his chief baker offended the king. 2 He was angry with these two officials 3 and put them in prison in the house of the captain of the guard, in the same place where Joseph was being kept. 4 They spent a long time in prison, and the captain assigned Joseph as their servant.
5 One night there in prison the wine steward and the chief baker each had a dream, and the dreams had different meanings. 6 When Joseph came to them in the morning, he saw that they were upset. 7 He asked them, “Why do you look so worried today?”
8 They answered, “Each of us had a dream, and there is no one here to explain what the dreams mean.”
“It is God who gives the ability to interpret dreams,” Joseph said. “Tell me your dreams.”
9 So the wine steward said, “In my dream there was a grapevine in front of me 10 with three branches on it. As soon as the leaves came out, the blossoms appeared, and the grapes ripened. 11 I was holding the king's cup; so I took the grapes and squeezed them into the cup and gave it to him.”
12 Joseph said, “This is what it means: the three branches are three days. 13 In three days the king will release you, pardon you, and restore you to your position. You will give him his cup as you did before when you were his wine steward. 14 But please remember me when everything is going well for you, and please be kind enough to mention me to the king and help me get out of this prison. 15 After all, I was kidnapped from the land of the Hebrews, and even here in Egypt I didn't do anything to deserve being put in prison.”
16 When the chief baker saw that the interpretation of the wine steward's dream was favorable, he said to Joseph, “I had a dream too; I was carrying three breadbaskets on my head. 17 In the top basket there were all kinds of baked goods for the king, and the birds were eating them.”
18 Joseph answered, “This is what it means: the three baskets are three days. 19 In three days the king will release you—and have your head cut off! Then he will hang your body on a pole, and the birds will eat your flesh.”
20 On his birthday three days later the king gave a banquet for all his officials; he released his wine steward and his chief baker and brought them before his officials. 21 He restored the wine steward to his former position, 22 but he executed the chief baker. It all happened just as Joseph had said. 23 But the wine steward never gave Joseph another thought—he forgot all about him.
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®
Good News Translation® (Today’s English Version, Second Edition) © 1992 American Bible Society. All rights reserved. For more information about GNT, visit www.bibles.com and www.gnt.bible.
