Genesis 40
Ang Biblia (1978)
Ipinaliwanag ni Jose ang panaginip ng puno ng katiwala ng saro at puno ng magtitinapay.
40 At nangyari, na pagkatapos ng mga bagay na ito, na ang (A)katiwala ng saro ng hari sa Egipto at ang kaniyang magtitinapay ay nangagkasala laban sa kanilang panginoon na hari sa Egipto.
2 At naginit si Faraon laban sa kaniyang dalawang tagapamahala, sa puno ng mga katiwala ng saro at sa puno ng mga magtitinapay.
3 (B)At pinagpipiit sa bilangguan, sa bahay ng (C)kapitan ng bantay, sa bilangguang kinabibilangguan ni Jose.
4 At ibinigay ng kapitan ng bantay kay Jose ang pamamahala sa kanila at pinaglingkuran niya sila: at sila'y natirang kaunting panahon sa bilangguan.
5 At ang katiwala at ang magtitinapay ng hari sa Egipto na nangabibilango sa bilangguan, ay kapuwa nanaginip ng kanikaniyang panaginip sa isang gabi, na bawa't isa ayon sa paliwanag ng kanikaniyang panaginip.
6 At pinaroonan sila ni Jose sa kinaumagahan, at sila'y tiningnan, at, narito, sila'y mapanglaw.
7 At kaniyang tinanong ang mga tagapamahala ni Faraon, na mga kasama niya sa bilangguan sa bahay ng kaniyang panginoon, na sinasabi, (D)Bakit kayo'y mapanglaw ngayon?
8 At kanilang sinabi sa kaniya, (E)Kami ay nanaginip ng panaginip, at walang sinomang makapagpaliwanag. At sinabi sa kanila ni (F)Jose, Hindi ba ukol sa Dios ang mga paliwanag? Isinasamo ko sa inyo, na inyong saysayin sa akin.
9 At sinaysay ng puno ng mga katiwala ng saro kay Jose ang kaniyang panaginip, at nagsabi sa kaniya, Sa aking panaginip, narito, ang isang puno ng ubas ay nasa harap ko;
10 At sa puno ng ubas, ay may tatlong sanga: at yao'y pawang sumupling, na namulaklak, at ang mga buwig niyaon, ay nangagtaglay ng mga ubas na hinog.
11 At ang saro ni Faraon ay nasa aking kamay; at kumuha ako ng mga ubas at aking pinagpipiga sa saro ni Faraon, at ibinigay ko ang saro sa kamay ni Faraon.
12 At sinabi ni Jose sa kaniya, (G)Ito ang kapaliwanagan niyaon, ang (H)tatlong sanga ay tatlong araw;
13 Sa loob ng tatlong araw ay ititindig ni Faraon ang (I)iyong ulo, at isasauli ka sa iyong katungkulan: at ibibigay mo ang saro ni Faraon sa kaniyang kamay, na gaya ng karaniwang ginagawa mong dati ng ikaw ay kaniyang katiwala.
14 Datapuwa't alalahanin mo ako kung ikaw ay mapabuti na, at isinasamo ko sa iyo, na pagpakitaan mo ako ng kagandahang loob, at banggitin mo ako kay Faraon, at ako'y alisin mo sa bahay na ito:
15 Sapagka't ako'y tunay na ninakaw sa lupain ng mga Hebreo: (J)at dito naman ay wala akong ginawang anoman, upang ako'y ilagay nila sa bilangguan.
16 Nang makita ng puno ng mga magtitinapay, na mabuti ang kapaliwanagan ay nagsabi kay Jose, Ako'y nanaginip din, at narito, tatlong bakol ng tinapay na mabuti ay nasa ibabaw ng aking ulo:
17 At sa kaibaibabawan ng bakol ay mayroon ng lahat na sarisaring pagkaing niluto para kay Faraon; at kinakain ng mga ibon sa bakol na nasa ibabaw ng aking ulo.
18 At si Jose ay sumagot, at nagsabi, (K)Ito ang kapaliwanagan niyaon; ang tatlong bakol, ay tatlong araw;
19 (L)Sa loob ng tatlo pang araw ay itataas ni Faraon ang iyong ulo, at ibibitin ka sa isang punong kahoy; at kakanin ng mga ibon ang iyong laman.
20 At nangyari nang ikatlong araw, (M)na siyang kapanganakan kay Faraon, na gumawa siya ng isang piging sa lahat ng kaniyang lingkod: (N)at itinindig niya ang ulo ng puno ng mga katiwala ng saro, at ang ulo ng puno ng mga magtitinapay.
21 At (O)ibinalik niya ang (P)puno ng mga katiwala ng saro sa kaniyang pagkakatiwala ng saro; at ibinigay niya ang saro sa kamay ni Faraon:
22 (Q)Datapuwa't ang puno ng mga magtitinapay, ay ibinitin sa isang puno ng kahoy: gaya ng ipinaliwanag sa kanila ni Jose.
23 Gayon ma'y hindi na naalaala si Jose ng puno ng mga katiwala ng saro, kundi nalimutan siya.
Genesis 40
New King James Version
The Prisoners’ Dreams
40 It came to pass after these things that the (A)butler and the baker of the king of Egypt offended their lord, the king of Egypt. 2 And Pharaoh was (B)angry with his two officers, the chief butler and the chief baker. 3 (C)So he put them in custody in the house of the captain of the guard, in the prison, the place where Joseph was confined. 4 And the captain of the guard charged Joseph with them, and he served them; so they were in custody for a while.
5 Then the butler and the baker of the king of Egypt, who were confined in the prison, (D)had a dream, both of them, each man’s dream in one night and each man’s dream with its own interpretation. 6 And Joseph came in to them in the morning and looked at them, and saw that they were [a]sad. 7 So he asked Pharaoh’s officers who were with him in the custody of his lord’s house, saying, (E)“Why do you look so sad today?”
8 And they said to him, (F)“We each have had a dream, and there is no interpreter of it.”
So Joseph said to them, (G)“Do not interpretations belong to God? Tell them to me, please.”
9 Then the chief butler told his dream to Joseph, and said to him, “Behold, in my dream a vine was before me, 10 and in the vine were three branches; it was as though it budded, its blossoms shot forth, and its clusters brought forth ripe grapes. 11 Then Pharaoh’s cup was in my hand; and I took the grapes and pressed them into Pharaoh’s cup, and placed the cup in Pharaoh’s hand.”
12 And Joseph said to him, (H)“This is the interpretation of it: The three branches (I)are three days. 13 Now within three days Pharaoh will (J)lift up your head and restore you to your [b]place, and you will put Pharaoh’s cup in his hand according to the former manner, when you were his butler. 14 But (K)remember me when it is well with you, and (L)please show kindness to me; make mention of me to Pharaoh, and get me out of this house. 15 For indeed I was (M)stolen away from the land of the Hebrews; (N)and also I have done nothing here that they should put me into the dungeon.”
16 When the chief baker saw that the interpretation was good, he said to Joseph, “I also was in my dream, and there were three [c]white baskets on my head. 17 In the uppermost basket were all kinds of baked goods for Pharaoh, and the birds ate them out of the basket on my head.”
18 So Joseph answered and said, (O)“This is the interpretation of it: The three baskets are three days. 19 (P)Within three days Pharaoh will lift [d]off your head from you and (Q)hang you on a tree; and the birds will eat your flesh from you.”
20 Now it came to pass on the third day, which was Pharaoh’s (R)birthday, that he (S)made a feast for all his servants; and he (T)lifted up the head of the chief butler and of the chief baker among his servants. 21 Then he (U)restored the chief butler to his butlership again, and (V)he placed the cup in Pharaoh’s hand. 22 But he (W)hanged the chief baker, as Joseph had interpreted to them. 23 Yet the chief butler did not remember Joseph, but (X)forgot him.
Footnotes
- Genesis 40:6 dejected
- Genesis 40:13 position
- Genesis 40:16 Or baskets of white bread
- Genesis 40:19 Lit. up
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
Scripture taken from the New King James Version®. Copyright © 1982 by Thomas Nelson. Used by permission. All rights reserved.

