Genesis 4:8-9
Ang Biblia (1978)
Pagpatay kay Abel.
8 At yao'y sinabi ni Cain sa kaniyang kapatid na kay Abel. At nangyari, nang sila'y nasa parang ay nagtindig si Cain laban kay Abel na kaniyang kapatid, (A)at siya'y kaniyang pinatay.
9 At sinabi ng Panginoon kay Cain, Saan naroon si Abel na iyong kapatid? At sinabi niya, (B)Aywan ko: ako ba'y tagapagbantay sa aking kapatid?
Read full chapter
1 Juan 3:12
Ang Biblia (1978)
12 Hindi (A)gaya ni Cain na siya'y sa masama, at pinatay ang kaniyang kapatid. At bakit niya pinatay? Sapagka't ang kaniyang mga gawa ay masasama, at ang mga gawa ng kaniyang kapatid ay matuwid.
Read full chapter
1 Juan 3:15
Ang Biblia (1978)
15 Ang sinomang (A)napopoot sa kaniyang kapatid ay (B)mamamatay-tao: at nalalaman ninyong sinomang mamamatay-tao ay hindi pinananahanan ng buhay na walang hanggan.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978