Add parallel Print Page Options

Dumating ang panahon na si Cain ay naghandog kay Yahweh ng ani niya sa bukid. Kinuha(A) naman ni Abel ang isa sa mga panganay ng kanyang kawan. Pinatay niya ito at inihandog ang pinakamainam na bahagi. Si Yahweh ay nasiyahan kay Abel at sa kanyang handog, ngunit hindi niya kinalugdan si Cain at ang handog nito. Dahil dito, hindi mailarawan ang mukha ni Cain sa tindi ng galit.

Read full chapter