Add parallel Print Page Options

14 Itinataboy ninyo ako ngayon sa lupaing ito at sa inyong harapan. Wala na akong matitirhan, kaya kahit saan na lang ako pupunta. At kung may makakakita sa akin, tiyak na papatayin niya ako.”

15 Pero sinabi ng Panginoon kay Cain, “Hindi iyan mangyayari sa iyo! Sapagkat ang sinumang papatay sa iyo ay gagantihan ko ng pitong beses.”[a] Kaya nilagyan ng Panginoon ng palatandaan si Cain para hindi siya patayin ng kahit sinong makakakita sa kanya. 16 Pagkatapos, lumayo si Cain sa Panginoon at doon tumira sa lugar ng Nod,[b] sa bandang silangan ng Eden.

Read full chapter

Footnotes

  1. 4:15 pitong beses: Ang ibig sabihin, pitong beses ang tindi ng ganti.
  2. 4:16 Nod: Maaaring ang ibig sabihin, kahit saang lugar na lang pumupunta.