Add parallel Print Page Options

34 Pinunit agad ni Jacob ang kanyang damit at nagdamit ng sako bilang pagluluksa. Nagluksa siya nang matagal sa pagkamatay ng kanyang anak. 35 Inaliw siya ng lahat ng anak niya pero patuloy pa rin ang pagdadalamhati niya. Sinabi niya, “Hayaan nʼyo na lang ako! Mamamatay akong nagdadalamhati dahil sa pagkamatay ng anak ko.” At nagpatuloy ang pag-iyak niya dahil kay Jose.

36 Samantala, doon sa Egipto, ipinagbili ng mga Midianita[a] si Jose kay Potifar na isa sa mga opisyal ng Faraon.[b] Kapitan siya ng mga guwardya sa palasyo.

Read full chapter

Footnotes

  1. 37:36 Midianita: posibleng isa sa mga angkan ng mga Ishmaelita.
  2. 37:36 Faraon: o, hari ng Egipto.