Add parallel Print Page Options

Muling nagpakita ang Diyos kay Jacob nang siya'y manggaling sa Padan-aram, at siya'y pinagpala.

10 Sinabi(A) ng Diyos sa kanya, “Ang pangalan mo'y Jacob; hindi ka na tatawagin pang Jacob kundi Israel ang magiging pangalan mo.” Kaya siya ay tinawag na Israel.

11 At(B) sinabi ng Diyos sa kanya, “Ako ang Diyos na Makapangyarihan[a] sa lahat. Ikaw ay lumago at magpakarami; isang bansa at maraming mga bansa ang magmumula sa iyo, at mga hari ay magmumula sa iyo.

Read full chapter

Footnotes

  1. Genesis 35:11 Sa Hebreo ay El-Shaddai .