Add parallel Print Page Options

Ang Kamatayan ni Isaac

27 At(A) pumunta si Jacob kay Isaac na kanyang ama sa Mamre, sa Kiryat-arba (na siyang Hebron), kung saan tumira sina Abraham at Isaac.

28 Ang mga naging araw ni Isaac ay isandaan at walumpung taon.

29 Nalagot ang hininga ni Isaac at namatay; at siya'y naging kasama ng kanyang bayan, matanda na at puspos ng mga araw. Inilibing siya ng kanyang mga anak na sina Esau at Jacob.

Read full chapter