Add parallel Print Page Options

Ang Kanyang mga Anak

30 Nang makita ni Raquel na hindi siya nagkakaanak kay Jacob ay nainggit siya sa kanyang kapatid, at sinabi niya kay Jacob, “Bigyan mo ako ng mga anak, at kapag hindi ay mamamatay ako!”

Kaya't nag-alab ang galit ni Jacob laban kay Raquel, at sinabi niya, “Ako ba'y nasa kalagayan ng Diyos, na nagkait sa iyo ng bunga ng bahay-bata?”

Sinabi niya, “Narito ang aking alilang si Bilha, sumiping ka sa kanya upang siya'y manganak para sa akin[a] at nang magkaroon din naman ako ng anak sa pamamagitan niya.”

Read full chapter

Footnotes

  1. Genesis 30:3 Sa Hebreo ay manganak sa ibabaw ng aking mga tuhod .