Genesis 3
Ang Biblia (1978)
Ang tukso at ang pagsuway ni Adam at ni Eva.
3 (A)Ang ahas nga ay lalong (B)tuso kay sa alin man sa mga hayop sa parang na nilikha ng Panginoong Dios. At sinabi niya sa babae, Tunay bang sinabi ng Dios, Huwag kayong kakain sa alin mang punong kahoy sa halamanan?
2 At sinabi ng babae sa ahas, Sa bunga ng mga punong kahoy sa halamanan ay makakakain kami:
3 (C)Datapuwa't sa bunga ng punong kahoy na nasa gitna ng halamanan ay sinabi ng Dios, Huwag kayong kakain niyaon, ni huwag ninyong hihipuin, baka kayo'y mamatay.
4 At sinabi ng ahas sa babae, Tunay na hindi kayo mamamatay:
5 Sapagka't talastas ng Dios na sa araw na kayo'y kumain niyaon ay madidilat nga ang inyong mga mata, at kayo'y magiging parang Dios, na nakakakilala ng mabuti at masama.
6 At nang makita ng babae, na ang bunga ng punong kahoy ay mabuting kanin, at nakalulugod sa mga mata, at kahoy na mananasa upang magpapantas sa tao, ay (D)pumitas siya ng bunga niyaon at kinain; at binigyan din niya ang kaniyang asawang kasama niya, at ito'y kumain.
7 (E)At nadilat kapuwa ang kanilang mga mata, at kanilang nakilalang sila'y mga hubad; at sila'y tumahi ng mga dahon ng puno ng igos, at kanilang ginawang panapi.
8 At narinig nila ang tinig ng Panginoong Dios na lumalakad sa halamanan sa kulimlim ng araw: at nagtago ang lalake at ang kaniyang asawa sa harapan ng Panginoong Dios sa pagitan ng mga punong kahoy sa halamanan.
9 At tinawag ng Panginoong Dios ang lalake at sa kaniya'y sinabi, Saan ka naroon?
10 At sinabi niya, Narinig ko ang iyong tinig sa halamanan, at ako'y natakot, sapagka't ako'y hubad; at ako'y nagtago.
11 At sinabi niya, Sinong nagsabi sa iyong ikaw ay hubad? nakakain ka ba ng bunga ng punong kahoy, na iniutos ko sa iyong huwag mong kanin?
12 At sinabi ng lalake, Ang babaing ibinigay mong aking kasamahin, ay siyang nagbigay sa akin ng bunga ng punong kahoy at aking kinain.
13 At sinabi ng Panginoong Dios sa babae, Ano itong iyong ginawa? At sinabi ng babae, Dinaya ako ng ahas, at ako'y kumain.
14 At sinabi ng Panginoong Dios sa ahas, Sapagka't ginawa mo ito, ay sumpain ka ng higit sa lahat ng hayop, at ng higit sa bawa't ganid sa parang; ang iyong tiyan ang ilalakad mo, (F)at alabok ang iyong kakanin sa lahat ng mga araw ng iyong buhay:
15 At papagaalitin ko ikaw at ang babae, at ang (G)iyong binhi at ang kaniyang binhi: (H)ito ang dudurog ng iyong ulo, at ikaw ang dudurog ng kaniyang sakong.
16 Sinabi niya sa babae, Pararamihin kong lubha ang iyong kalumbayan at ang iyong paglilihi; manganganak kang may kahirapan; at sa iyong asawa ay pahihinuhod ang iyong kalooban, (I)at siya'y papapanginoon sa iyo.
17 At kay Adam ay sinabi, Sapagka't iyong dininig ang tinig ng iyong asawa, at kumain ka ng bunga ng punong kahoy na aking iniutos sa iyo na (J)sinabi, Huwag kang kakain niyaon; (K)sumpain ang lupa dahil sa iyo; kakain ka sa kaniya sa (L)pamamagitan ng iyong pagpapagal sa lahat ng mga araw ng iyong buhay;
18 Ang isisibol niyaon sa iyo ay mga tinik at mga dawag; at kakain ka ng pananim sa parang;
19 Sa pawis ng iyong mukha ay kakain ka ng tinapay, hanggang sa ikaw ay mauwi sa lupa; sapagka't diyan ka kinuha: (M)sapagka't ikaw ay alabok (N)at sa alabok ka uuwi.
20 At tinawag na Eva ng lalake ang kaniyang asawa, sapagka't siya ang naging ina ng lahat ng mga nabubuhay.
21 At iginawa ng Panginoong Dios si Adam at ang kaniyang asawa ng mga kasuutang balat at sila'y dinamitan.
Pinalayas sila sa Eden.
22 At sinabi ng Panginoong Dios, Narito't ang tao'y naging parang isa sa atin, na nakakakilala ng mabuti at ng masama; at baka ngayo'y iunat ang kaniyang kamay (O)at pumitas naman ng bunga ng punong kahoy ng buhay, at kumain at mabuhay magpakailan man:
23 Kaya pinalayas siya ng Panginoong Dios sa halamanan ng Eden, upang kaniyang bukirin ang lupaing pinagkunan sa kaniya.
24 Ano pa't itinaboy ang lalake; at inilagay sa silanganan ng halamanan ng Eden ang mga (P)Querubin at ang isang nagniningas na tabak na umiikot, upang ingatan ang daang patungo sa kahoy ng buhay.
Genesis 3
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
Ang Pagkakasala ng Tao
3 Sa lahat ng hayop na nilikha ng Panginoong Dios, ang ahas ang pinakatuso. Minsan, tinanong ng ahas ang babae, “Totoo bang pinagbabawalan kayo ng Dios na kumain ng bunga ng alin mang puno sa halamanan?”
2 Sumagot ang babae, “Makakain namin ang kahit anong bunga ng puno rito sa halamanan, 3 maliban lang sa bunga ng puno na nasa gitna ng halamanan. Sapagkat sinabi ng Dios na hindi kami dapat kumain o humipo man lang ng bunga ng punong iyon. Kapag ginawa namin iyon, mamamatay kami.”
4 Pero sinabi ng ahas, “Hindi totoong mamamatay kayo! 5 Sinabi iyan ng Dios dahil alam niya na kapag kumain kayo ng bungang iyon, mabubuksan ang mga isip ninyo, at magiging katulad niya kayo na nakakaalam kung ano ang mabuti at masama.”
6 Nang pinagmasdan ng babae ang puno, napakaganda nitong tingnan at ang bunga ay parang masarap kainin, at dahil sa pagnanais niyang maging marunong, pumitas siya ng bunga at kumain nito. Binigyan din niya ang kanyang asawa na kasama niya, at kinain din ito. 7 Pagkatapos nilang kumain, nalaman nila kung ano ang mabuti at ang masama, at napansin nila na hubad pala sila. Kaya pinagtagni-tagni nila ang mga dahon ng puno ng igos para ipantakip sa kanilang katawan.
8 Pagdating ng hapon, narinig nila na lumalakad ang Panginoong Dios sa halamanan. Kaya nagtago sila sa mga puno doon. 9 Pero tinawag ng Panginoong Dios ang lalaki, “Nasaan ka?” 10 Sumagot ang lalaki, “Narinig ko po kayo sa halamanan, kaya nagtago ako. Natatakot po ako dahil hubad ako.” 11 Nagtanong ang Panginoong Dios, “Sino ang nagsabi sa iyo na hubad ka? Kumain ka ba ng bunga ng punongkahoy na sinabi ko sa iyo na huwag ninyong kakainin?” 12 Sumagot ang lalaki, “Ang babae po kasi na ibinigay nʼyo sa akin ay binigyan ako ng bunga ng punongkahoy na iyon at kinain ko.”
13 Tinanong ng Panginoong Dios ang babae, “Bakit mo ginawa iyon?” Sumagot ang babae, “Nilinlang po kasi ako ng ahas, kaya kumain po ako.”
Pinarusahan sila ng Dios
14 Kaya sinabi ng Panginoong Dios sa ahas, “Dahil sa ginawa mong ito, parurusahan kita. Sa lahat ng hayop, ikaw lang ang makakaranas ng sumpang ito: Sa buong buhay moʼy gagapang ka sa pamamagitan ng iyong tiyan at ang bibig mo ay palaging makakakain ng alikabok. 15 Ikaw at ang babae ay mag-aaway. Ang lahi mo at ang lahi niya[a] ay mag-aaway din. Dudurugin niya ang ulo mo at tutuklawin mo ang sakong niya.”
16 Sinabi rin niya sa babae, “Dahil sa ginawa mo, dadagdagan ko ang paghihirap mo sa pagbubuntis at mararamdaman mo ang sobrang sakit sa iyong panganganak. Pero sa kabila niyan, hahangarin mo pa rin ang iyong asawa at maghahari siya sa iyo.”[b]
17 Sinabi rin niya sa lalaki, “Dahil naniwala ka sa asawa mo at kumain ng bunga ng punongkahoy na ipinagbawal ko sa inyo, susumpain ko ang lupa! Kaya sa buong buhay mo ay magpapakahirap ka nang husto para makakain. 18 Tutubo sa lupa ang mga damo at halamang may tinik. Ang kakainin moʼy manggagaling sa mga pananim sa bukid. 19 Kinakailangang magpakahirap ka nang husto para makakain, hanggang sa bumalik ka sa lupa na iyong pinagmulan. Dahil sa lupa ka nagmula, sa lupa ka rin babalik.”
20 Pinangalanan ni Adan[c] ang asawa niya na “Eva”[d] dahil siya ang magiging ina ng lahat ng tao. 21 Pagkatapos, gumawa ang Panginoong Dios ng damit mula sa balat ng hayop para kay Adan at sa asawa nito.
Pinaalis ng Dios sina Adan at Eva sa Halamanan ng Eden
22 Sinabi ng Panginoong Dios, “Ang tao ay naging katulad na natin na nakakaalam kung ano ang mabuti at masama. Kinakailangang hindi siya pahintulutang kumain ng bunga ng punongkahoy na nagbibigay ng buhay, dahil kung kakain siya, mananatili siyang buhay magpakailanman.” 23 Kaya pinaalis siya ng Panginoong Dios sa halamanan ng Eden para sakahin ang lupa na pinagmulan niya.
24 Nang mapaalis na ng Panginoong Dios ang tao, naglagay siya ng mga kerubin[e] sa bandang silangan ng halamanan ng Eden. At naglagay din siya ng espada na naglalagablab at umiikot para walang makalapit sa puno na nagbibigay ng buhay.
创世记 3
Chinese New Version (Traditional)
始祖被引誘而違主命
3 在耶和華 神所造野地所有的活物中,蛇是最狡猾的。蛇對女人說:“ 神真的說過,你們不可吃園中任何樹上的果子嗎?” 2 女人對蛇說:“園中樹上的果子,我們都可以吃; 3 只有園中那棵樹上的果子, 神曾經說過:‘你們不可吃,也不可摸,免得你們死。’” 4 蛇對女人說:“你們決不會死; 5 因為 神知道你們吃那果子的時候,你們的眼睛就開了;你們會像 神一樣,能知道善惡。” 6 於是,女人見那棵樹的果子好作食物,又悅人的眼目,而且討人喜愛,能使人有智慧,就摘下果子來吃了;又給了和她在一起的丈夫,他也吃了。 7 二人的眼睛就開了,才知道自己是赤身露體的。於是把無花果樹的葉子編縫起來,為自己做裙子。
8 天起涼風的時候,那人和他的妻子聽見耶和華 神在園中行走的聲音,就藏在園子的樹林中,躲避耶和華 神的面。 9 耶和華 神呼喚那人,對他說:“你在哪裡?” 10 他回答:“我在園中聽見你的聲音,就害怕;因為我赤身露體,就藏了起來。” 11 耶和華 神說:“誰告訴你,你是赤身露體呢?難道你吃了我吩咐你不可吃的那樹上的果子嗎?” 12 那人說:“你所賜給我、和我在一起的那女人,她把樹上的果子給我,我就吃了。” 13 耶和華 神對女人說:“你作了甚麼事呢?”女人說:“那蛇欺哄我,我就吃了。”
懲罰與應許
14 耶和華 神對蛇說:
“因為你作了這事,
就必在所有的牲畜
和田野的活物中受咒詛;
你要用肚子行走,
一生都吃泥土。
15 我要使你和女人彼此為仇,
你的後裔和女人的後裔,
也彼此為仇,
他要傷你的頭,
你要傷他的腳跟。”
16 耶和華 神對女人說:
“我要大大增加你懷胎的痛苦,
你必在痛苦中生產兒女;
你要戀慕你的丈夫,
他卻要管轄你。”
17 耶和華 神又對亞當說:“因為你聽從了你妻子的話,吃了我吩咐你不可吃的那樹上的果子;
地就必因你的緣故受咒詛;
你必終生勞苦,才能從地裡得吃的。
18 地要給你長出荊棘和蒺藜來;
你也要吃田間的蔬菜;
19 你必汗流滿面,
才有飯吃,
直到你歸回地土,
因為你是從地土取出來的;
你既然是塵土,就要歸回塵土。”
被逐出伊甸園
20 亞當給他的妻子起名叫夏娃,因為她是眾生之母。 21 耶和華 神為亞當和他的妻子做了皮衣,給他們穿上。
22 耶和華 神說:“那人和我們中間的一個相似,能知善惡;現在恐怕他伸出手來,摘取生命樹上的果子吃,就永遠活著。” 23 耶和華 神就把他趕出伊甸園,去耕種他自己也是從那裡出來的地土。 24 於是把亞當驅逐出去,又派基路伯在伊甸園的東邊,拿著旋轉發火燄的劍,把守到生命樹去的路。
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®
Chinese New Version (CNV). Copyright © 1976, 1992, 1999, 2001, 2005 by Worldwide Bible Society.

