Add parallel Print Page Options

20 Eva[a] ang itinawag ni Adan sa kanyang asawa, sapagkat siya ang ina ng sangkatauhan. 21 Ang mag-asawa'y iginawa niya ng mga damit na yari sa balat ng hayop.

Pinalayas sa Hardin si Adan at si Eva

22 Pagkatapos,(A) sinabi ng Panginoong Yahweh, “Katulad na natin ngayon ang tao, sapagkat alam na niya ang mabuti at masama. Baka pumitas siya at kumain ng bungangkahoy na nagbibigay-buhay at hindi na siya mamatay.”

Read full chapter

Footnotes

  1. Genesis 3:20 EVA: Sa wikang Hebreo, ang mga salitang “Eva” at “sangkatauhan” ay magkasintunog.