Add parallel Print Page Options

Dumating si Jacob kina Laban

29 Nagpatuloy si Jacob sa kanyang paglalakbay hanggang sa dumating siya sa lupain ng mga taga-Silangan. May nakita siyang isang balon ng tubig sa kaparangan. Sa paligid nito'y may tatlong kawan ng mga tupang nagpapahinga, sapagkat doon pinapainom ang mga ito. Ang balon ay may takip na malaking bato, at binubuksan lamang ito kapag papainumin na ang mga tinipong kawan. Matapos painumin ang mga ito, muli nilang tinatakpan ang balon.

Tinanong ni Jacob ang mga pastol na naroon, “Tagasaan kayo, mga kaibigan?”

“Taga-Haran,” tugon nila.

“Kilala ba ninyo si Laban na apo ni Nahor?” tanong niyang muli.

“Oo,” sagot naman nila.

“Kumusta na siya?” tanong pa niya.

“Mabuti,” sabi naman nila. “Hayun at dumarating si Raquel, ang anak niyang dalaga! Kasama niya ang kawan ng kanyang ama.”

“Maaga pa naman,” sabi ni Jacob, “bakit hindi ninyo painumin ang mga tupa at dalhin muna sa pastulan bago ikulong?”

“Aba, hindi maaari!” sagot ng mga pastol. “Ang lahat ng pastol ay kailangang narito bago buksan ang balon; saka pa lamang kami maaaring magpainom.”

Nakikipag-usap pa si Jacob nang dumating si Raquel na kasama ang kawan ng kanyang ama. 10 Nang makita ni Jacob si Raquel na kasama ang kawan ni Laban, binuksan ni Jacob ang balon at pinainom ang mga tupa. 11 Pagkatapos, nilapitan niya ang dalaga at hinagkan; napaiyak siya sa tuwa. 12 Sinabi niya, “Ako'y pamangkin ng iyong ama, anak ng iyong Tiya Rebeca!”

Patakbong umuwi si Raquel at ibinalita ito sa ama. 13 Sinalubong naman agad ni Laban ang kanyang pamangkin. Niyakap niya ito at hinagkan, saka isinama sa kanila. Nang maisalaysay ni Jacob ang lahat, 14 sinabi sa kanya ni Laban, “Tunay na ikaw ay laman ng aking laman at dugo ng aking dugo!” At doon na siya tumira sa loob ng isang buwan.

Naglingkod si Jacob Dahil kina Raquel at Lea

15 Pagkalipas ng isang buwan, sinabi ni Laban kay Jacob, “Hindi dahil magkamag-anak tayo ay pagtatrabahuhin kita nang walang bayad; magkano bang dapat kong isweldo sa iyo?” 16 Si Laban ay may dalawang anak na dalaga. Si Lea ang nakatatanda at si Raquel naman ang nakababata. 17 Mapupungay[a] ang mga mata ni Lea, ngunit mas maganda at kaakit-akit si Raquel.

18 Nabighani si Jacob kay Raquel, kaya't ang sabi niya kay Laban, “Paglilingkuran ko kayo nang pitong taon para kay Raquel.”

19 Sinabi ni Laban, “Mas gusto ko ngang ikaw ang mapangasawa niya kaysa iba. Sige, dumito ka na.” 20 Pitong taóng naglingkod si Jacob upang mapasakanya si Raquel, ngunit iyon ay parang katumbas lamang ng ilang araw dahil sa laki ng kanyang pag-ibig dito.

21 Sinabi ni Jacob kay Laban, “Dumating na po ang panahong dapat kaming makasal ng inyong anak.” 22 Naghanda nang malaki si Laban at inanyayahan ang lahat ng tagaroon. 23 Ngunit nang gabing iyon, hindi alam ni Jacob na ang pinasiping sa kanya ay si Lea, sa halip na si Raquel. 24 Ibinigay naman ni Laban kay Lea ang alipin nitong si Zilpa. 25 Kinaumagahan, nakita ni Jacob na si Lea pala ang kanyang kasiping. Kaya sinabi niya kay Laban, “Bakit ninyo ito ginawa sa akin? Bakit ninyo ako nilinlang? Naglingkod ako sa inyo para kay Raquel, hindi po ba?”

26 Sumagot si Laban, “Hindi kaugalian dito sa amin na mauna pang mag-asawa ang nakababatang kapatid. 27 Patapusin mo muna ang sanlinggong pagdiriwang na ito at pagkatapos ay ibibigay ko sa iyo si Raquel kung maglilingkod ka sa akin ng pitong taon pa.”

28 Sumang-ayon naman si Jacob at nang matapos ang pagdiriwang, ibinigay nga sa kanya ni Laban si Raquel bilang asawa. 29 Ibinigay rin ni Laban kay Raquel ang alipin nitong si Bilha. 30 Sa wakas, naangkin ni Jacob si Raquel; mas mahal niya ito kaysa kay Lea. Kaya't naglingkod pa si Jacob kay Laban nang pitong taon pa.

Ang mga Anak ni Jacob

31 Alam ni Yahweh na si Lea ay di gaanong mahal ni Jacob, kaya't niloob niyang magkaanak na ito, samantalang si Raquel ay baog. 32 Lalaki ang unang anak ni Lea. Ang sabi niya, “Nakita ni Yahweh ang aking suliranin. Ngayon, tiyak na mamahalin ako ng aking asawa.” Kaya't Ruben[b] ang ipinangalan niya rito. 33 Nagdalang-tao siyang muli at lalaki na naman ang kanyang naging anak. Kanyang sinabi, “Kaloob din ito sa akin ni Yahweh, dahil narinig niyang ako'y hindi mahal ng aking asawa.” Kaya't tinawag naman niya itong Simeon.[c] 34 Muling nagdalang-tao si Lea at lalaki uli ang naging anak. Sinabi niya, “Lalo akong mapapalapit sa aking asawa, sapagkat tatlong lalaki na ang aming anak.” At tinawag niya itong Levi.[d] 35 Nagdalang-tao siyang muli at lalaki pa rin ang kanyang anak. Sinabi niya, “Ngayo'y pupurihin ko si Yahweh.” Kaya't tinawag niya itong Juda.[e] Pagkatapos noo'y hindi na siya nagkaanak.

Footnotes

  1. Genesis 29:17 Mapupungay: o kaya'y Hindi mapupungay .
  2. Genesis 29:32 RUBEN: Sa wikang Hebreo, ang mga salitang “Ruben” at “Narito ang isang anak na lalaki” ay magkasintunog.
  3. Genesis 29:33 SIMEON: Sa wikang Hebreo, ang mga salitang “Simeon” at “narinig” ay magkasintunog.
  4. Genesis 29:34 LEVI: Sa wikang Hebreo, ang mga salitang “Levi” at “Mapapalapit” ay magkasintunog.
  5. Genesis 29:35 JUDA: Sa wikang Hebreo, ang mga salitang “Juda” at “pupurihin” ay magkasintunog.

Jacob Marries Leah and Rachel

29 Then Jacob went on his journey and came to (A)the land of the people of the east. As he looked, he saw a well in the field, and behold, three flocks of sheep lying beside it, for out of that well the flocks were watered. The stone on the well's mouth was large, and when all the flocks were gathered there, the shepherds would roll the stone from the mouth of the well and water the sheep, and put the stone back in its place over the mouth of the well.

Jacob said to them, “My brothers, where do you come from?” They said, (B)“We are from Haran.” He said to them, “Do you know Laban the son of Nahor?” They said, “We know him.” He said to them, “Is it well with him?” They said, “It is well; and see, Rachel his daughter is coming with the sheep!” He said, “Behold, it is still high day; it is not time for the livestock to be gathered together. Water the sheep and go, pasture them.” But they said, “We cannot until all the flocks are gathered together and the stone is rolled from the mouth of the well; then we water the sheep.”

While he was still speaking with them, (C)Rachel came with her father's sheep, for she was a shepherdess. 10 Now as soon as Jacob saw Rachel the daughter of Laban his mother's brother, and the sheep of Laban his mother's brother, Jacob came near and rolled the stone from the well's mouth and watered the flock of Laban his mother's brother. 11 Then Jacob kissed Rachel and wept aloud. 12 And Jacob told Rachel that he was (D)her father's kinsman, and that he was Rebekah's son, (E)and she ran and told her father.

13 As soon as Laban heard the news about Jacob, his sister's son, (F)he ran to meet him and embraced him and kissed him and brought him to his house. Jacob told Laban all these things, 14 and Laban said to him, (G)“Surely you are my bone and my flesh!” And he stayed with him a month.

15 Then Laban said to Jacob, “Because you are my kinsman, should you therefore serve me for nothing? Tell me, what shall your wages be?” 16 Now Laban had two daughters. The name of the older was Leah, and the name of the younger was Rachel. 17 Leah's eyes were weak,[a] but Rachel was beautiful in form and appearance. 18 Jacob loved Rachel. And he said, (H)“I will serve you seven years for your younger daughter Rachel.” 19 Laban said, “It is better that I give her to you than that I should give her to any other man; stay with me.” 20 So Jacob (I)served seven years for Rachel, and they seemed to him but a few days because of the love he had for her.

21 Then Jacob said to Laban, “Give me my wife that I may go in to her, for my time is completed.” 22 So Laban gathered together all the people of the place and (J)made a feast. 23 But in the evening he took his daughter Leah and brought her to Jacob, and he went in to her. 24 (Laban gave[b] (K)his female servant Zilpah to his daughter Leah to be her servant.) 25 And in the morning, behold, it was Leah! And Jacob said to Laban, “What is this you have done to me? Did I not serve with you for Rachel? Why then have you deceived me?” 26 Laban said, “It is not so done in our country, to give the younger before the firstborn. 27 (L)Complete the week of this one, and we will give you the other also in return for serving me another seven years.” 28 Jacob did so, and completed her week. Then Laban gave him his daughter Rachel to be his wife. 29 (Laban gave (M)his female servant Bilhah to his daughter Rachel to be her servant.) 30 So Jacob went in to Rachel also, and he loved Rachel more than Leah, and served Laban (N)for another seven years.

Jacob's Children

31 When the Lord saw that Leah was (O)hated, (P)he opened her womb, but Rachel was barren. 32 And Leah conceived and bore a son, and she called his name Reuben,[c] for she said, “Because the Lord (Q)has looked upon my affliction; for now my husband will love me.” 33 She conceived again and bore a son, and said, “Because the Lord has heard that I am hated, he has given me this son also.” And she called his name Simeon.[d] 34 Again she conceived and bore a son, and said, “Now this time my husband will be (R)attached to me, because I have borne him three sons.” Therefore his name was called Levi.[e] 35 And she conceived again and bore a son, and said, “This time I will praise the Lord.” Therefore she called his name (S)Judah.[f] Then she ceased bearing.

Footnotes

  1. Genesis 29:17 Or soft
  2. Genesis 29:24 Or had given; also verse 29
  3. Genesis 29:32 Reuben means See, a son
  4. Genesis 29:33 Simeon sounds like the Hebrew for heard
  5. Genesis 29:34 Levi sounds like the Hebrew for attached
  6. Genesis 29:35 Judah sounds like the Hebrew for praise

Gia-cốp Ðến Nhà La-ban

29 Gia-cốp tiếp tục cuộc hành trình và đến xứ của dân phương đông. Chàng ngước mắt nhìn và thấy một cái giếng trong đồng, và kìa, có ba bầy chiên đang nằm cạnh giếng, vì người ta cho chiên uống nước tại giếng đó. Miệng giếng bị đậy bằng một phiến đá lớn. Khi tất cả các bầy chiên đã tụ tập đông đủ tại đó, người ta lăn phiến đá khỏi miệng giếng để chiên uống nước, xong họ lăn phiến đá đậy miệng giếng lại. Gia-cốp hỏi họ, “Thưa anh em, anh em từ đâu đến đây?”

Họ đáp, “Chúng tôi từ Cha-ran đến.”

Chàng hỏi tiếp, “Các anh em có biết ông La-ban cháu của cụ Na-hô không?”

Họ trả lời, “Chúng tôi biết ông ấy.”

Chàng lại hỏi, “Ông ấy mạnh khỏe không?”

Họ đáp, “Ông ấy mạnh khỏe. Nầy, Ra-chên con gái ông ấy đang dẫn bầy chiên đến kìa.”

Chàng nói, “Trời hãy còn sớm, chưa tới giờ nhóm họp các bầy chiên lại. Anh em hãy cho chiên uống nước, xong rồi dẫn chúng đi ăn cỏ lại đi.”

Nhưng họ trả lời, “Chúng tôi không thể cho chiên mình uống trước được. Chúng tôi phải đợi các bầy chiên kia đến đông đủ, rồi mới lăn phiến đá chận miệng giếng ra, bấy giờ mới có thể cho các bầy chiên uống nước.”

Ðang khi chàng nói chuyện với họ, Ra-chên dẫn bầy chiên của cha nàng đến, vì nàng là một người nữ chăn chiên. 10 Gia-cốp vừa trông thấy Ra-chên, con gái của La-ban cậu chàng, và bầy chiên của La-ban cậu chàng, thì Gia-cốp lại gần và lăn phiến đá đậy miệng giếng ra cho bầy chiên của La-ban cậu chàng uống nước. 11 Ðoạn Gia-cốp hôn Ra-chên rồi bật khóc. 12 Gia-cốp nói cho Ra-chên biết chàng là cháu của cha nàng và là con trai của Rê-be-ca. Nàng liền chạy báo tin cho cha nàng hay. 13 Khi La-ban nghe báo rằng con trai của em gái ông đến, ông vội vàng chạy ra gặp chàng, ôm lấy chàng và hôn, rồi đưa chàng về nhà mình. Chàng kể lại cho La-ban biết mọi chuyện. 14 Nghe vậy La-ban bảo chàng, “Cháu đúng là cốt nhục của cậu rồi.” Sau đó chàng ở lại với ông một tháng.

Gia-cốp Kết Hôn với Lê-a và Ra-chên

15 La-ban nói với Gia-cốp, “Chẳng lẽ cháu là bà con của cậu mà cháu sẽ làm việc cho cậu không công sao? Cháu hãy nói cho cậu biết cháu muốn cậu trả tiền công cho cháu như thế nào?” 16 Lúc ấy La-ban có hai con gái; cô chị tên Lê-a và cô em tên Ra-chên. 17 Cặp mắt của Lê-a hơi yếu, nhưng Ra-chên thì xinh đẹp cả dáng người lẫn gương mặt. 18 Lúc ấy Gia-cốp đã yêu Ra-chên, nên chàng nói, “Vì Ra-chên con gái út của cậu, cháu sẽ làm việc cho cậu bảy năm.”

19 La-ban bèn nói, “Thà cậu gả nó cho cháu còn hơn gả cho người khác. Hãy ở lại đây với cậu.” 20 Vậy Gia-cốp làm việc bảy năm để được Ra-chên, nhưng vì yêu nàng nên chàng coi bảy năm như chỉ vài ngày.

21 Sau đó Gia-cốp nói với La-ban, “Xin cậu giao vợ cháu cho cháu, để cháu được gần nàng, vì cháu đã làm việc cho cậu đủ hạn rồi.” 22 La-ban bèn tổ chức một bữa tiệc khoản đãi mọi người ở đó. 23 Tối đến ông bắt Lê-a con gái lớn của ông và trao cho Gia-cốp để chàng đến với nàng. 24 La-ban cũng ban nữ đầy tớ của ông là Xinh-pa cho Lê-a để làm nữ tỳ của nàng. 25 Ðến sáng chàng mới vỡ lẽ, thì ra là nàng Lê-a. Gia-cốp bèn đến hỏi La-ban, “Cậu đã làm gì cho cháu vậy? Chẳng phải vì Ra-chên mà cháu đã làm việc cho cậu sao? Tại sao cậu lại gạt cháu?”

26 La-ban đáp, “Theo phong tục ở xứ nầy, người ta không được gả em trước chị. 27 Cháu cứ hưởng tuần trăng mật với cô chị đi, rồi cậu mợ sẽ gả cho cháu cô em luôn; nhưng về cô em nầy, cháu phải làm việc cho cậu thêm bảy năm nữa.” 28 Gia-cốp đành phải làm theo như vậy và hưởng tuần trăng mật với cô chị. Sau đó La-ban gả Ra-chên con gái ông để làm vợ chàng. 29 La-ban cũng ban một nữ đầy tớ của ông là Bin-ha cho Ra-chên con gái ông để làm nữ tỳ của nàng. 30 Gia-cốp đến với Ra-chên. Chàng yêu Ra-chên hơn Lê-a. Rồi chàng tiếp tục làm việc cho La-ban thêm bảy năm nữa.

Các Con của Gia-cốp và Lê-a

31 Chúa thấy Lê-a không được thương nên Ngài cho bà có con, còn Ra-chên thì hiếm muộn. 32 Lê-a thụ thai và sinh một con trai. Bà đặt tên nó là Ru-bên, vì bà nói, “Chúa đã thấy nỗi khổ của tôi, nên bây giờ thế nào chồng tôi cũng sẽ yêu tôi.” 33 Bà lại thụ thai nữa và sinh một con trai. Bà nói, “Vì Chúa đã thấu rõ rằng tôi bị ghét, nên Ngài đã ban cho tôi đứa con trai nầy nữa.” Bà đặt tên nó là Si-mê-ôn. 34 Bà lại có thai nữa và sinh một con trai. Bà nói, “Lần nầy chồng tôi sẽ gắn bó với tôi, vì tôi đã sinh cho chàng ba con trai.” Vì vậy bà đặt tên nó là Lê-vi. 35 Bà lại mang thai nữa và sinh một con trai. Bà nói, “Lần nầy tôi chỉ còn biết ca ngợi Chúa mà thôi.” Vì thế bà đặt tên nó là Giu-đa. Sau đó bà ngưng sinh sản.