Add parallel Print Page Options

32 Nagbuntis si Lea at nanganak ng lalaki at pinangalanan niyang Reuben,[a] dahil sinabi niya, “Nakita ng Panginoon ang paghihirap ko, at ngayoʼy tiyak na mamahalin na ako ng aking asawa.”

33 Muli siyang nagbuntis at nanganak ng isa na namang lalaki. Sinabi niya, “Muli akong binigyan ng Panginoon ng isang anak na lalaki dahil narinig niya na hindi ako minamahal ng aking asawa.” Kaya pinangalanan niya ang sanggol na Simeon.[b]

34 Muling nagbuntis si Lea at nanganak ng isa pang lalaki. Sinabi niya, “Ngayon, magiging malapit na sa akin ang aking asawa dahil tatlo na ang anak naming lalaki.” Kaya pinangalanan niya ang sanggol na Levi.[c]

Read full chapter

Footnotes

  1. 29:32 Reuben: Maaaring ang ibig sabihin, nakita niya ang paghihirap ko.
  2. 29:33 Simeon: Maaaring ang ibig sabihin, narinig niya.
  3. 29:34 Levi: Maaaring ang ibig sabihin, pinalapit.