Add parallel Print Page Options

32 Naglihi si Lea at nanganak ng isang lalaki, at tinawag niyang Ruben;[a] sapagkat kanyang sinabi, “Sapagkat tiningnan ng Panginoon ang aking kapighatian; kaya't ngayo'y mamahalin ako ng aking asawa.”

33 Muli siyang naglihi at nanganak ng isang lalaki at sinabi, “Sapagkat narinig ng Panginoon na ako'y kinapopootan, ibinigay rin niya sa akin ito”; at tinawag niyang Simeon.[b]

34 Muli siyang naglihi at nanganak ng isang lalaki, at nagsabi, “Ngayo'y makakasama ko na ang aking asawa, sapagkat nagkaanak ako sa kanya ng tatlong lalaki”; kaya't ang kanyang pangalan ay Levi.[c]

Read full chapter

Footnotes

  1. Genesis 29:32 Ibig sabihin ay Tingnan mo, isang anak na lalaki .
  2. Genesis 29:33 Ibig sabihin ay Narinig ng Panginoon .
  3. Genesis 29:34 Ibig sabihin ay makakasama .