Add parallel Print Page Options

11 At dumating sa isang dako, at nagparaan ng buong gabi roon, sapagka't lumubog na ang araw; at kumuha ng isa sa mga bato sa dakong yaon, at inilagay sa kaniyang ulunan, at nahiga sa dakong yaon upang matulog.

12 (A)At nanaginip, at narito, ang isang hagdan, na ang puno ay nasa lupa, at ang dulo ay umaabot sa langit; (B)at narito, ang mga anghel ng Dios na nagmamanhik manaog doon.

13 (C)At, narito, ang Panginoon ay nasa kataastaasan niyaon, at nagsabi, (D)Ako ang Panginoon, ang Dios ni Abraham na iyong ama, at ang Dios ni Isaac: (E)ang lupang kinahihigaan mo ay ibibigay ko sa iyo at sa iyong binhi;

Read full chapter