Add parallel Print Page Options

Nanirahan si Isaac sa Gerar.

Nilinlang ni Isaac si Abimelec

Tinanong(A) siya ng mga taong taga-roon tungkol sa kanyang asawa, at sinabi niya, “Siya'y aking kapatid;” sapagkat takot siyang sabihin na, “Siya'y aking asawa.” Inakala niya na “baka ako'y patayin ng mga taong taga-rito, dahil kay Rebecca; dahil sa siya'y may magandang anyo.”

Nang siya'y matagal nang naroroon, dumungaw si Abimelec na hari ng mga Filisteo sa isang durungawan, at nakita si Isaac na hinahaplos si Rebecca na kanyang asawa.

Read full chapter