Add parallel Print Page Options

At nagpakita ang Panginoon kay Isaac at sinabi, “Huwag kang bumaba sa Ehipto; manatili ka sa lupaing aking sasabihin sa iyo.

Manatili(A) ka sa lupaing ito, at sasamahan kita, at ikaw ay aking pagpapalain; sapagkat sa iyo at sa iyong binhi ay ibibigay ko ang lahat ng lupaing ito, at tutuparin ko ang aking ipinangako kay Abraham na iyong ama.

Pararamihin ko ang iyong binhi na gaya ng mga bituin sa langit at ibibigay ko sa iyong binhi ang lahat ng lupaing ito at pagpapalain ang lahat ng bansa sa lupa sa pamamagitan ng iyong binhi,

Read full chapter