Add parallel Print Page Options

Datapuwa't ang mga anak ng naging mga babae ni Abraham, ay pinagbibigyan ni Abraham ng mga kaloob; at samantalang nabubuhay pa siya ay (A)mga inilayo niya kay Isaac na kaniyang anak sa dakong silanganan (B)sa lupaing silanganan.

At ito ang mga araw ng mga taon ng buhay na ikinabuhay ni Abraham, isang daan at pitong pu't limang taon.

Ang kamatayan ni Abraham.

At (C)nalagot ang hininga ni Abraham at namatay sa mabuting katandaan, matanda at puspos ng mga taon; at (D)nalakip sa kaniyang bayan.

Read full chapter