Add parallel Print Page Options

21 At nanalangin si Isaac sa Panginoon dahil sa kaniyang asawa, sapagka't baog; (A)at nadalanginan niya ang Panginoon, at si Rebeca na kaniyang asawa ay naglihi.

22 At nagbubuno ang mga bata sa loob niya; at kaniyang sinabi, Kung ganito'y bakit nabubuhay pa ako? (B)At siya'y yumaong nagsiyasat sa Panginoon.

23 At sinabi sa kaniya ng Panginoon,

Dalawang bansa ay nasa iyong bahay-bata,
At (C)dalawang bayan ay papaghihiwalayin mula sa iyong tiyan:
At ang isang (D)bayan ay magiging malakas kaysa isang bayan;
(E)At ang matanda ay maglilingkod sa bata.

Read full chapter