Genesis 24
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Nag-asawa si Isaac
24 Matandang-matanda na noon si Abraham, at pinagpapalang mabuti ni Yahweh. 2 Sinabi niya sa pinakamatanda niyang alipin na kanyang katiwala, “Ilagay mo ang iyong kamay sa pagitan ng aking mga hita at manumpa ka. 3 Sumumpa ka sa akin sa pangalan ni Yahweh, ang Diyos ng langit at ng lupa, na hindi ka rito sa Canaan pipili ng mapapangasawa ng aking anak na si Isaac. 4 Pumunta ka sa bayan kong tinubuan, at pumili ka sa aking mga kamag-anak doon ng mapapangasawa niya.”
5 “Kung ayaw pong sumama ng mapipili ko, maaari po bang si Isaac na ang papuntahin doon?” tanong ng alipin.
6 “Aba, hindi! Huwag mong papupuntahin doon si Isaac,” tugon ni Abraham. 7 “Nilisan ko ang tahanan ng aking ama at iniwan ang lupain ng aking mga kamag-anak sapagkat dito ako pinapunta ni Yahweh, ang Diyos ng kalangitan. Nangako siyang ibibigay ang lupaing ito sa aking lahi. Magsusugo siya ng kanyang anghel na mauuna sa iyo upang tulungan ka sa pagpili ng mapapangasawa ng aking anak. 8 Ngayon, kung ayaw sumama ng mapipili mo, wala ka nang pananagutan sa akin. Ngunit huwag mong papuntahin doon ang anak ko!” 9 Kaya't inilagay ng alipin ang kanyang kamay sa pagitan ng hita ng panginoon niyang si Abraham, at nanumpang susundin ito.
10 Naghanda ang alipin ng sampung kamelyo ng kanyang panginoon. Matapos kargahan ng maraming panregalo, naglakbay siya patungong Mesopotamia, sa lunsod na tinitirhan ni Nahor. 11 Pagsapit sa labas ng lunsod, huminto siya at pinaluhod ang mga kamelyo sa tabi ng balon ng tubig na naroon. Sa gayong oras, tuwing magdarapit-hapon, dumarating ang mga babae para umigib. 12 Siya'y nanalangin nang ganito: “Yahweh, Diyos ng panginoon kong si Abraham, maging matagumpay nawa ang aking lakad; tuparin po ninyo ang inyong pangako sa aking panginoong si Abraham. 13-14 Tatayo po ako rito sa tabi ng balon at hihintayin ang pagdating ng mga babae buhat sa lunsod, para umigib. Ako po'y makikiinom sa isa sa kanila. Kapag sinabi niyang, ‘Uminom ka, at paiinumin ko rin ang iyong mga kamelyo,’ iyon na sana ang babaing inihanda ninyo para sa inyong aliping si Isaac. Sa gayon malalaman kong tinupad na ninyo ang inyong pangako sa aking panginoon.”
15 Hindi pa natatapos ang kanyang panalangin, dumating si Rebeca na may pasan na banga ng tubig. Siya ay anak ni Bethuel at apo ni Milca na asawa ni Nahor na kapatid ni Abraham. 16 Siya'y dalaga pa at napakaganda. Lumusong siya sa kinaroroonan ng balon, pinuno ang kanyang banga, at umahon. 17 Sumalubong agad ang alipin at sinabi, “Maaari bang makiinom?”
18 “Aba, opo,” sagot ng babae. At inalalayan niya ang banga habang umiinom ang alipin. 19 Nang ito'y makainom na ay sinabi pa ng dalaga, “Paiinumin ko na rin po ang inyong mga kamelyo hanggang gusto nila.” 20 Isinalin niya sa painuman ang laman ng banga at pabalik-balik siyang sumalok hanggang sa mapainom ang lahat ng kamelyo. 21 Tahimik na pinagmasdan ng alipin ang dalaga at iniisip kung iyon na kaya ang sagot ni Yahweh sa kanyang panalangin.
22 Matapos makainom ang mga kamelyo, inilabas ng alipin ang dala niyang mamahaling singsing[a] at dalawang pulseras na pawang lantay na ginto, at ibinigay sa dalaga. 23 Pagkatapos, ito'y tinanong niya, “Sino ba ang iyong mga magulang? Maaari ba kaming makituloy sa inyo ngayong gabi?”
24 Sumagot ang babae, “Ako po'y anak ni Bethuel na anak nina Nahor at Milca. 25 Maluwag po sa amin at maraming pagkain para sa inyong mga hayop.”
26 Pagkarinig niyon, lumuhod ang alipin at sumamba kay Yahweh, 27 “Purihin si Yahweh, ang Diyos ng panginoon kong si Abraham! Hindi siya sumira sa kanyang pangako. Pinatnubayan niya ako sa pagpunta sa bahay ng mga kamag-anak ng aking panginoon.”
28 Nagmamadaling umuwi ang dalaga at isinalaysay ang buong pangyayari sa tahanan ng kanyang ina. 29 Si Rebeca ay may kapatid na lalaki na ang pangalan ay Laban. Patakbo siyang pumunta sa balong kinaroroonan ng lalaki 30 nang marinig niya ang salaysay ng kanyang kapatid, at makita ang singsing[b] at ang mga pulseras na suot nito. Nakita nga niya ang tao sa tabi ng balon, pati ang kanyang mga kamelyo. 31 Sinabi ni Laban, “Bakit nandiyan po kayo sa labas? Tayo na po sa amin, lalaking pinagpala ni Yahweh! Nakahanda na po ang pagpapahingahan ninyo at ang sisilungan ng inyong mga kamelyo.”
32 Sumama nga ang alipin. Pagdating sa bahay, ibinabâ ni Laban ang karga ng mga kamelyo at pinakain ang mga hayop. Ang alipin nama'y binigyan niya ng tubig upang maghugas ng paa pati ang mga kasama nito. 33 Binigyan siya ng pagkain, ngunit sinabi ng alipin, “Sasabihin ko muna ang aking pakay bago ako kumain.”
“Sige, sabihin ninyo,” sabi ni Laban.
34 Ganito ang salaysay niya: “Ako po'y alipin ni Abraham. 35 Pinagpala ni Yahweh ang aking panginoon. Pinarami ang kanyang mga kawan ng tupa, kambing at baka. Pinagkalooban rin siya ng maraming pilak at ginto, mga aliping babae at lalaki, mga kamelyo at asno. 36 Ang asawa niyang si Sara ay nagkaanak pa kahit siya'y matanda na. Ang anak na ito ang tanging tagapagmana ng kanilang kayamanan. 37 Ako po'y pinanumpa ng panginoon kong si Abraham na hindi ako kukuha sa Canaan ng mapapangasawa ng anak niyang ito. 38 Dito po niya ako pinapunta sa mga kamag-anak ng kanyang mga magulang upang ihanap ng mapapangasawa ang kanyang anak. 39 Tinanong ko po siya ng ganito: ‘Kung ang babaing mapili ko ay hindi sumama sa akin, ano po naman ang aking gagawin?’ 40 Ang sagot po niya'y sasamahan ako ng anghel ni Yahweh upang magtagumpay sa aking lakad. Dito raw sa angkan ng kanyang ama ako kumuha ng mapapangasawa ng kanyang anak. Iyan po ang utos sa akin. 41 Ang sabi pa niya sa akin, ‘Kung sundin mo ito, natupad mo na ang iyong tungkulin. Kung tanggihan ka naman ng aking mga kamag-anak, wala ka nang pananagutan sa akin.’
42 “Pagdating ko po sa may balon kanina, ako'y nanalangin nang ganito: ‘O Yahweh, Diyos ng panginoon kong si Abraham, panagumpayin mo ang aking gagawin! 43 Tatayo po ako sa may tabi ng balong ito at kapag may dumating na dalaga upang umigib, ako'y makikiinom. 44 Kapag ako'y pinainom pati ang aking mga kamelyo, iyon na po sana ang pinili ninyo upang mapangasawa ng anak ng aking panginoon.’ 45 Hindi pa natatapos ang aking panalangin, dumating nga si Rebeca na pasan ang isang banga. Lumusong siya sa bukal at sumalok ng tubig. Nakiusap po ako sa kanyang ako'y painumin. 46 At hindi lamang ako ang pinainom, pati po ang aking mga kamelyo. 47 Tinanong ko po siya, ‘Kanino kang anak?’ Ang sagot po'y, ‘Kay Bethuel na anak ng mag-asawang Nahor at Milca.’ Kaya't kinabitan ko siya ng hikaw sa ilong at sinuotan ng mga pulseras sa braso. 48 Pagkatapos, ako'y lumuhod at sumamba kay Yahweh, sa Diyos ng panginoon kong si Abraham, sapagkat pinatnubayan niya ako at inihatid sa tahanang ito. At dito ko nga natagpuan ang dalagang dapat mapangasawa ng kanyang anak. 49 Kaya hinihiling kong sabihin ninyo sa akin kung sang-ayon kayo sa hangad ng aking panginoon. Kung hindi naman, sabihin din ninyo at nang malaman ko naman kung ano ang aking gagawin.”
50 Sumagot ang mag-amang Bethuel at Laban, “Dahil ang bagay na ito'y mula kay Yahweh, wala na kaming masasabing anuman. 51 Isama mo si Rebeca pag-uwi mo upang mapangasawa ng anak ng iyong panginoon, ayon sa sinabi ni Yahweh.” 52 Pagkarinig nito, ang alipin ni Abraham ay muling nagpatirapa at nagpuri kay Yahweh. 53 At inilabas niya ang mga damit at mga hiyas na ginto't pilak para kay Rebeca. Binigyan din niya ng mamahaling regalo ang kapatid nitong si Laban at ang kanilang ina.
54 Pagkatapos, ang alipin at ang mga kasama nito ay kumain na at uminom, at doon na nga nagpalipas ng gabi. Kinabukasa'y nagpaalam na siya. 55 Ngunit hiniling ng ina at ng kapatid ni Rebeca na magpalipas muna ng isang linggo o sampung araw bago umalis.
56 Ngunit sinabi ng alipin, “Sapagkat pinagtagumpay ako ni Yahweh sa aking lakad, pahintulutan na po ninyo akong magbalik sa aking panginoon.”
57 “Kung gayon,” sabi nila, “tawagin natin si Rebeca at tanungin kung ano ang kanyang pasya.” 58 “Sasama ka na ba sa taong ito?” tanong nila.
“Opo,” tugon niya. 59 Kaya si Rebeca at ang kanyang yaya ay pinahintulutan nilang sumama sa alipin ni Abraham at sa mga kasama nito, 60 matapos basbasan nang ganito:
“Ikaw nawa, O Rebeca ay maging ina ng marami,
at sa lunsod ng kaaway, ang iyong lahi ang magwagi.”
61 Nang handa na ang lahat, si Rebeca at ang mga utusan niyang babae ay sumakay sa kamelyo, at umalis kasunod ng alipin ni Abraham.
62 Nang panahong iyon, si Isaac ay naninirahan sa lupain ng Negeb. Minsan, napadako siya sa ilang ng Beer-lahai-roi. 63 Nang magtatakipsilim, siya'y namasyal sa kaparangan at nakita niyang may dumarating na mga kamelyo. 64 Natanaw ni Rebeca si Isaac kaya't bumabâ siya sa sinasakyang kamelyo, 65 lumapit sa aliping sumundo sa kanya at nagtanong, “Sino ang lalaking iyan na papalapit sa atin?”
“Siya po ang aking panginoon,” sagot nito. Kumuha ng belo si Rebeca at tinakpan ang kanyang mukha.
66 Isinalaysay ng alipin kay Isaac ang mga ginawa niya. 67 Pagkatapos, dinala ni Isaac si Rebeca sa tolda ni Sara na kanyang ina at ito'y naging asawa niya. Minahal ni Isaac si Rebeca at siyang naging kaaliwan niya sa pagkamatay ng kanyang ina.
Genesis 24
Lexham English Bible
Isaac and Rebekah
24 Now Abraham was old, advanced in age,[a] and Yahweh had blessed Abraham in everything. 2 And Abraham said to his servant, the oldest of his house, who had charge of all he had, “Please put your hand under my thigh 3 that I may make you swear by Yahweh, the God of heaven and the God of earth, that you will not take a wife for my son from the daughters of the Canaanites in whose midst I am dwelling, 4 but that you will go to my land and to my family, and take a wife for my son, for Isaac.” 5 And the servant said to him, “Perhaps the woman will not be willing to follow[b] me to this land—must I then return your son to the land from whence you came?” 6 Abraham said to him, “You must take care[c] that you do not return my son there. 7 Yahweh, the God of heaven who took me from the house of my father and from the land of my family, and who spoke to me and swore to me, saying, ‘to your offspring I will give this land,’ he will send his angel before you, and you shall take a wife for my son from there. 8 And if the woman is not willing to follow[d] you, then you shall be released from this oath of mine—only you must not return my son there.” 9 Then the servant put his hand under the thigh of Abraham his master, and he swore to him concerning this matter. 10 And the servant took ten camels from his master’s camels, and he went with all kinds of his master’s good things in his hand. And he arose and went to Aram-Naharaim, to the city of Nahor. 11 And he made the camels kneel outside the city at the well of water, at the time of evening, toward the time the women went out to draw water. 12 And he said, “O Yahweh, God of my master Abraham, please grant me success today and show loyal love to my master Abraham. 13 Behold, I am standing by the spring of water, and the daughters of the men of the city are going out to draw water. 14 And let it be that the girl to whom I shall say, ‘Please, offer your jar that I may drink’ and who says, ‘Drink—and I will also water your camels,’ she is the one you have chosen for your servant, for Isaac. By her I will know that you have shown loyal love to my master.” 15 And it happened that before he had finished speaking, behold, Rebekah—who was born to Bethuel, son of Milcah, the wife of Nahor, the brother of Abraham—came out, and her jar was on her shoulder. 16 Now the girl was very pleasing in appearance. She was a virgin; no man had known her. And she went down to the spring, filled her jar, and came up. 17 And the servant ran to meet her. And he said, “Please, let me drink a little of the water from your jar.” 18 And she said, “Drink, my lord.” And she quickly lowered her jar in her hand and gave him a drink. 19 When[e] she finished giving him a drink she said, “I will also draw water for your camels until they finish drinking.” 20 And she quickly emptied her jar into the trough and ran again to the well to draw water. And she drew water for all his camels. 21 And the man was gazing at her silently to know if Yahweh had made his journey successful or not. 22 And it happened that as the camels finished drinking the man took a gold ring of a half shekel in weight and two bracelets for her arms, ten shekels in weight, 23 and said, “Please tell me, whose daughter are you? Is there a place at the house of your father for us to spend the night?” 24 And she said to him, “I am the daughter of Bethuel, son of Milcah, whom she bore to Nahor.” 25 Then she said to him, “We have both straw and fodder in abundance, as well as a place to spend the night.” 26 And the man knelt down and worshiped Yahweh. 27 And he said, “Blessed be Yahweh, God of my master Abraham, who has not withheld[f] his loyal love and his faithfulness from my master. I was on the way and Yahweh led me to the house of my master’s brother.” 28 Then the girl ran and reported these things to the household of her mother.
29 Now Rebekah had a brother, and his name was Laban. And Laban ran out to the man toward the spring. 30 And when he saw the ring and the bracelets on the arms of his sister and heard the words of Rebekah his sister, who said, “Thus the man spoke to me,” he went to the man. And behold, he was standing with the camels at the spring. 31 And he said, “Come, O blessed one of Yahweh. Why do you stand outside? Now I have prepared the house and a place for the camels.” 32 And the man came to the house and unloaded the camels. And he gave straw and fodder to the camels, and water to wash his feet and the feet of the men who were with him. 33 And food was placed before him[g] to eat. And he said, “I will not eat until I have told my errand.”[h] And he said, “Speak.” 34 And he said, “I am the servant of Abraham. 35 Now Yahweh has blessed my master exceedingly, and he has become great. He has given to him sheep and cattle, silver and gold, male slaves and female slaves, and camels and donkeys. 36 And Sarah, the wife of my master, has borne a son to my master after her old age. And he[i] has given to him all that he has. 37 And my master made me swear, saying, ‘Do not take a wife for my son from the daughters of the Canaanites in whose land I am living. 38 But you shall go to the house of my father, and to my family, and you shall take a wife for my son.’ 39 And I said to my master, ‘Perhaps the woman will not follow[j] me.’ 40 And he said to me, ‘Yahweh, before whom I have walked, shall send his angel with you and will make your journey successful. And you shall take a wife for my son from my family, and from the house of my father. 41 Then you shall be released from my oath, when you come to my family. And if they will not give a woman to you, then you will be released from my oath.’ 42 Then today I came to the spring, and I said, ‘O Yahweh, God of my master Abraham, if you would please make my journey successful,[k] upon which I am going. 43 Behold, I am standing by the spring of water. Let it be that the young woman who comes out to draw water and to whom I say, “Please give me a little water to drink from your jar,” 44 let her say to me, “Drink; I will also draw water for your camels,” she is the woman whom Yahweh has appointed for the son of my master.’ 45 I had not yet finished speaking to myself[l] when, behold, Rebekah was coming out with[m] her jar on her shoulder. And she went down to the spring and drew water. And I said to her, ‘Please give me a drink.’ 46 And she hastened and let down her jar from her shoulder[n] and said, ‘Drink, and I will give a drink to your camels also.’ Then I drank and she gave a drink to the camels also. 47 Then I asked her and said, ‘Whose daughter are you?’ And she said, ‘The daughter of Bethuel, son of Nahor, whom Milcah bore to him.’ And I put the ring on her nose and the bracelets on her arms. 48 And I knelt down and worshiped Yahweh, and I praised Yahweh, the God of my master Abraham, who led me on the right way, to take the daughter of the brother of my master for his son. 49 So now, if you are going to deal loyally and truly[o] with my master, tell me. And if not, tell me, so that I may turn to the right or to the left.”[p] 50 Then Laban and Bethuel answered, and they said, “The matter has gone out from Yahweh; we are not able to speak bad or good to you. 51 Here is Rebekah before you. Take her and go; let her be a wife for the son of your master as Yahweh has spoken.” 52 And it happened that when the servant of Abraham heard their words he bowed down to the ground to Yahweh. 53 And the servant brought out silver jewelry and gold jewelry, and garments, and he gave them to Rebekah. And he gave precious gifts to her brother and to her mother. 54 And he and the men who were with him ate and drank, and they spent the night. And they got up in the morning, and he said, “Let me go to my master.” 55 And her brother and her mother said, “Let the girl remain with us ten days or so; after that she may go.” 56 And he said to them, “Do not delay me. Now, Yahweh has made my journey successful. Let me go. I must go to my master.” 57 And they said, “Let us call the girl and ask her opinion.”[q] 58 And they called Rebekah and said to her, “Will you go with this man?” And she said, “I will go.” 59 So they sent away Rebekah their sister, and her nurse, and the servant of Abraham and his men. 60 And they blessed Rebekah and said to her, “You are our sister; may you become countless thousands; and may your offspring take possession of the gate of his enemies.” 61 And Rebekah and her maidservants arose, and they mounted the camels and followed[r] the man. And the servant took Rebekah and left.
62 Now Isaac was coming from the direction of Beer-Lahai-Roi. And he was living in the land of the Negev. 63 And Isaac went out to meditate in the field early in the evening,[s] and he lifted up his eyes and saw—behold, camels were coming. 64 And Rebekah lifted up her eyes and saw Isaac. And she got down from the camel. 65 And she said to the servant, “Who is this man walking around in the field to meet us?” And the servant said, “That is my master.” And she took her[t] veil and covered herself. 66 And the servant told Isaac all the things that he had done. 67 And Isaac brought her to the tent of Sarah his mother. And he took Rebekah, and she became his wife. And Isaac loved her and was comforted after the death of his mother.
Footnotes
- Genesis 24:1 Literally “going in the days”
- Genesis 24:5 Literally “to go after”
- Genesis 24:6 Literally “let it be careful to you”
- Genesis 24:8 Literally “to go after”
- Genesis 24:19 Or “And”
- Genesis 24:27 Or “abandoned”
- Genesis 24:33 Literally “And it was placed before him”
- Genesis 24:33 Literally “I have spoken my word”
- Genesis 24:36 That is, Abraham
- Genesis 24:39 Literally “go after”
- Genesis 24:42 Literally “if there is you making successful my journey”
- Genesis 24:45 Or “to my heart”
- Genesis 24:45 Or “and”
- Genesis 24:46 Literally “from upon her”
- Genesis 24:49 Literally “if there is you doing loyal love and faithfulness”
- Genesis 24:49 An idiom for “so that I might know what to do”
- Genesis 24:57 Literally “her mouth”
- Genesis 24:61 Literally “went after”
- Genesis 24:63 Literally “at the turning of evening”
- Genesis 24:65 Or “the”
2012 by Logos Bible Software. Lexham is a registered trademark of Logos Bible Software