Add parallel Print Page Options

Ang pamamanhik sa pagaasawa ni Isaac kay Rebeca.

24 At si Abraham ay matanda na, at lipas na sa panahon: at (A)pinagpala ng Panginoon si Abraham sa lahat ng mga bagay.

At (B)sinabi ni Abraham sa kaniyang alilang katiwala, sa pinakamatanda sa kaniyang bahay na (C)namamahala ng lahat niyang tinatangkilik: Ipinamamanhik ko sa iyo na (D)ilagay mo ang iyong kamay sa ilalim ng aking hita:

At ikaw ay aking pasusumpain, alangalang sa Panginoon sa Dios ng langit at Dios ng lupa, (E)na hindi mo papag-aasawahin ang aking anak sa mga anak ng mga Cananeo na siyang aking pinakikitahanan:

Kundi ikaw ay (F)paroroon sa aking lupain, at sa aking kamaganakan, at papag-aasawahin mo roon ang aking anak na si Isaac.

At sinabi sa kaniya ng lingkod, Sakaling hindi iibigin ng babae na sumama sa akin sa lupaing ito: dapat ko bang ibalik ang anak mo sa lupaing pinanggalingan mo?

At sinabi sa kaniya ni Abraham, Ingatan mong huwag ibalik doon ang aking anak.

Ang Panginoon, ang Dios ng langit, (G)na kumuha sa akin sa bahay ng aking ama, at sa lupaing aking tinubuan, at sa akin ay nagsalita, at sa akin ay sumumpa, na nagsasabi, (H)Sa iyong binhi, ibibigay ko ang lupaing ito: ay magsusugo (I)siya ng kaniyang anghel sa unahan mo, at papag-aasawahin mo roon ang aking anak.

At kung ang babae ay ayaw sumama sa iyo, ay (J)maliligtas ka rito sa aking sumpa; huwag mo lamang pabalikin ang aking anak doon.

At inilagay ng alilang katiwala ang kaniyang kamay sa ilalim ng hita ni Abraham na kaniyang panginoon, at sumumpa sa kaniya tungkol sa bagay na ito.

10 At kumuha ang alilang katiwala ng sangpung kamelyo sa mga kamelyo ng kaniyang panginoon, at yumaon; (K)na dala ang pinakamabuti sa lahat ng pagaari ng kaniyang panginoon: at tumindig at napasa (L)Mesopotamia, sa bayan ni Nachor.

11 At kaniyang pinaluhod ang mga kamelyo sa labas ng bayan, sa tabi ng balon ng tubig, ng dakong palubog na ang araw, na kapanahunan nang paglabas ng mga (M)babae upang umigib ng tubig.

12 At sinabi, Oh Panginoon, (N)Dios ng aking panginoong si Abraham, ipinamamanhik ko sa iyong pagkalooban mo ako ng mabuting kapalaran ngayon, at ikaw ay magmagandang loob sa aking panginoong kay Abraham.

13 (O)Narito, ako'y nakatayo sa tabi ng bukal ng tubig: at ang mga anak na babae ng mga tao sa bayan, ay nagsilabas upang umigib ng tubig:

14 At mangyari nga na ang dalagang aking pagsabihan, Ibaba mo, isinasamo ko sa iyo, ang iyong banga upang ako'y uminom; at siya'y magsabi, Uminom ka, at paiinumin ko pati ng iyong mga kamelyo: maging siyang iyong itinalaga sa iyong lingkod na kay Isaac: (P)at sa ganito ay malalaman kong nagmagandang loob ka sa aking panginoon.

15 At nangyari, na bago natapos ang pananalita niya, ay narito si Rebeca na ipinanganak kay Bethuel, na anak ni Milca, na asawa ni Nachor na kapatid ni Abraham na lumalabas na pasan (Q)ang kaniyang banga sa kaniyang balikat.

16 At ang babae ay (R)may magandang anyo, dalaga, na hindi pa nasisipingan ng lalake: at lumusong sa bukal, at pinuno ang kaniyang banga, at umahon.

17 At tumakbong sinalubong siya ng alilang katiwala na sinabi, Makikiinom ako ng kaunting tubig sa iyong banga.

18 At sinabi niya, Uminom ka, panginoon ko: at nagmadaling ibinaba ang banga sa kaniyang kamay, at pinainom siya.

19 At pagkatapos na kaniyang mapainom, ay sinabi, Iyiigib ko naman ang iyong mga kamelyo, hanggang sa makainom na lahat.

20 At ibinuhos na dalidali ang kaniyang banga sa inuman, at tumakbong muli sa balon upang umigib at iniigib ang lahat niyang kamelyo.

21 At siya'y tinitigan ng lalake; na hindi umiimik, upang maalaman kung pinagpala ng Panginoon ang kaniyang paglalakbay o hindi.

22 At nangyari, nang makainom ang mga kamelyo, na kumuha ang lalake ng isang singsing na ginto, na may kalahating siklo sa timbang, at dalawang pulsera upang ilagay sa kaniyang mga kamay, na may timbang na sangpung siklong ginto;

23 At sinabi, Kaninong anak ka? sabihin mo sa akin, ipinamamanhik ko sa iyo. May lugar ba sa bahay ng iyong ama na aming matutuluyan?

24 At sinabi niya sa kaniya, (S)Anak ako ni Bethuel, na anak ni Milca, na ipinanganak niya kay Nahor.

25 Sinabi rin niya sa kaniya, Mayroon din naman kaming saganang dayami at pagkain sa hayop, at dakong matutuluyan.

26 At (T)lumuhod ang lalake at sumamba sa Panginoon.

27 At siya'y nagsabi, Purihin ang Panginoon, ang Dios ng aking panginoong si Abraham, na hindi inilayo ang kaniyang (U)habag at ang kaniyang pagtatapat, sa aking panginoon: tungkol sa akin, ay (V)pinatnugutan ako ng Panginoon sa daan hanggang sa bahay ng mga kapatid ng aking panginoon.

28 At tumakbo ang dalaga at isinaysay sa sangbahayan ng kaniyang ina ang ayon sa mga salitang ito.

29 At mayroon si Rebeca na isang kapatid na nagngangalang (W)Laban: at tinakbo ni Laban ang lalake sa labas, sa bukal.

30 At nangyari, pagkakita ng singsing, at ng mga pulsera sa mga kamay ng kaniyang kapatid, at pagkarinig ng mga salita ni Rebeca na kaniyang kapatid, na sinasabi, Gayon sinalita sa akin ng lalake; na naparoon siya sa lalake; at narito, ito'y nakatayo sa siping ng mga kamelyo, sa bukal.

31 At sinabi niya, (X)Pumasok ka, pinagpala ng Panginoon; bakit ka nakatayo sa labas? sapagka't inihanda ko ang bahay, at ang dako ng mga kamelyo.

32 At pumasok ang lalake sa bahay, at kinalagan ang mga kamelyo; at (Y)binigyan ni Laban ng dayami at pagkain ang mga kamelyo, at ng tubig upang ipaghugas ng kaniyang mga paa, at ng mga paa ng mga taong kasama niya.

33 At siya'y hinainan nila ng pagkain: datapuwa't kaniyang sinabi, Hindi ako kakain hanggang hindi ko nasasabi ang aking sadya. At sinabi ni Laban, Magsalita ka.

34 At kaniyang sinabi, Alilang katiwala ako ni Abraham.

35 (Z)At pinagpalang mainam ng Panginoon ang aking panginoon; at siya'y naging dakila: at siya'y binigyan ng kawan at bakahan, at ng pilak at ng ginto, at ng mga aliping lalake, at babae, at ng mga kamelyo, at ng mga asno.

36 At si Sara na asawa ng aking panginoon, ay (AA)nagkaanak ng (AB)lalake sa aking panginoon, nang siya'y matanda na: at siyang pinagbigyan ni Abraham ng kaniyang lahat na inaari.

37 At pinapanumpa (AC)ako ng aking panginoon, na sinasabi, Huwag mong papag-aasawahin ang aking anak sa mga anak na babae ng mga Cananeo na siyang lupaing aking tinatahanan:

38 Kundi paroroon ka sa bahay ng aking ama at sa aking kamaganakan, at papag-aasawahin mo roon ang aking anak.

39 At sinabi ko sa aking panginoon, Sakaling hindi iibigin ng babaing sumama sa akin.

40 At kaniyang sinabi sa akin, Ang Panginoon na (AD)sa harap niya'y lumalakad ako, ay susuguin niyang kasama mo ang kaniyang anghel, at kaniyang pagpapalain ang iyong lakad, at papag-aasawahin mo ang aking anak sa aking kamaganakan, at sa angkan ng aking ama:

41 Kung magkagayo'y makakakawala ka sa aking sumpa, pagka ikaw ay dumating sa aking kamaganakan; at kung hindi nila ibigay sa iyo, ay makakakawala ka sa aking sumpa.

42 At dumating ako ng araw na ito, sa bukal, at aking sinabi, Oh (AE)Panginoon, na Dios ng aking panginoong si Abraham, kung ngayo'y pinagpapala mo ang aking lakad na nilalakad ko:

43 (AF)Narito, nakatayo ako sa tabi ng bukal ng tubig; at mangyari, na ang dalagang lumabas na umigib na aking pagsasabihan, Makikiinom ako sa iyo ng kaunting tubig sa iyong banga;

44 At siya'y magsasabi sa akin, Uminom ka, at iyigib ko pati ng iyong mga kamelyo: ay siyang maging babaing itinalaga ng Panginoon sa anak ng aking panginoon.

45 (AG)At bago ko (AH)nasalita sa sarili, narito si Rebeca, na lumalabas na pasan ang kaniyang banga sa kaniyang balikat; at lumusong sa bukal at umigib: at aking sinabi sa kaniya, Makikiinom ako sa iyo.

46 At dalidali niyang ibinaba ang kaniyang banga sa kaniyang balikat, at nagsabi, Uminom ka, at paiinumin ko pati ng iyong mga kamelyo: sa gayo'y uminom ako, at pinainom niya pati ng mga kamelyo,

47 At siya'y aking tinanong, at aking sinabi, Kaninong anak ka? at kaniyang sinabi, Anak ako ni Bethuel, na anak ni Nachor, na ipinanganak sa kaniya ni Milca: (AI)at inilagay ko ang hikaw sa kaniyang ilong, at ang mga pulsera sa kaniyang mga kamay.

48 (AJ)At aking iniyukod ang aking ulo, at sumamba ako sa Panginoon at pumuri sa Panginoon, na Dios ng aking panginoong si Abraham, na pumatnubay sa akin sa daang matuwid upang kunin ang (AK)anak ng kapatid ng aking panginoon, para sa kaniyang anak.

49 At ngayon, kung inyong (AL)mamagandahing loob at mamatapatin sa aking panginoon ay sabihin ninyo sa akin: at kung hindi, ay sabihin din ninyo sa akin; upang pumihit ako sa kanan o sa kaliwa.

50 Nang magkagayo'y sumagot si Laban at si Bethuel, at sinabi, Sa Panginoon nagmumula ito: kami ay (AM)hindi makapagsasabi sa iyo ng masama o ng mabuti.

51 Narito, si Rebeca ay nasa harap mo, dalhin mo, at yumaon ka, at siya'y maging asawa ng anak ng iyong panginoon, na gaya ng sinalita ng Panginoon.

52 At nangyari, na pagkarinig ng alilang katiwala ni Abraham ng kaniyang mga salita, ay (AN)nagpatirapa sa lupa sa harap ng Panginoon.

53 At naglabas ang alilang katiwala ng mga (AO)hiyas na pilak at mga hiyas na ginto, at mga damit, at mga ibinigay kay Rebeca: nagbigay rin siya ng mga mahalagang bagay sa kaniyang kapatid na lalake at sa kaniyang ina.

54 At nangagsikain at nangagsiinom siya at ang mga taong kasama niya, at doon nagparaan ng magdamag, at sila'y nagsibangon ng umaga at kaniyang sinabi, (AP)Suguin ninyo ako sa aking panginoon.

55 At sinabi ng kaniyang kapatid na lalake, at ng kaniyang ina, Matira ang dalaga sa aming ilang araw, sangpung araw man lamang; pagkatapos ay paroroon siya.

56 At sinabi niya sa kanila, Huwag ninyo akong pigilin, yamang pinagpala ng Panginoon ang aking lakad; papagpaalamin na ninyo ako, upang ako'y umuwi sa aking panginoon.

57 At kanilang sinabi, Tatawagin namin ang dalaga at uusisain namin sa kaniyang bibig.

58 At kanila ngang tinawag si Rebeca, at kanilang sinabi sa kaniya, Sasama ka ba sa lalaking ito? At sinabi niya, Sasama ako.

59 At kanilang pinapagpaalam si Rebeca na kanilang kapatid, (AQ)at ang kaniyang yaya, at ang alilang katiwala ni Abraham, at ang kaniyang mga tao.

60 At kanilang binasbasan si Rebeca, at sinabi nila sa kaniya, Kapatid namin, (AR)maging ina ka nawa ng yutayuta, (AS)at kamtin ng iyong binhi ang pintuang-bayan niyaong mga napopoot sa kanila.

61 At tumindig si Rebeca, at ang kaniyang mga abay, at nangagsisakay sa mga kamelyo, at nangagsisunod sa lalake; at dinala ng alilang katiwala si Rebeca at yumaon.

62 At si Isaac ay nanggaling sa daang (AT)Beer-lahai-roi; sapagka't siya'y natira sa lupaing Timugan.

63 At lumabas si Isaac sa parang upang magmunimuni ng dakong hapon: at kaniyang itiningin ang kaniyang mga mata, at kaniyang nakita, at, narito, may dumarating na mga kamelyo.

64 Itiningin naman ni Rebeca ang kaniyang mga mata at nang makita niya si Isaac, ay bumaba sa kamelyo.

65 At sinabi ni Rebeca sa alilang katiwala, Sino yaong taong naglalakad sa parang na sumasalubong sa atin? At sinabi ng alilang katiwala, Yaon ang aking panginoon: at kinuha niya ang kaniyang lambong, at siya'y nagtakip.

66 At isinaysay ng alilang katiwala kay Isaac ang lahat ng kaniyang ginawa.

Ang kanilang kasal.

67 At dinala siya ni Isaac sa tolda ni Sara na kaniyang ina, at ipinagsama si Rebeca, at naging kaniyang asawa: at kaniya namang sininta: at (AU)naaliw si Isaac, pagkamatay ng kaniyang ina.

Asawa para kay Isaac

24 Si Abraham ay matanda na at lipas na sa panahon; at pinagpala ng Panginoon si Abraham sa lahat ng mga bagay.

At sinabi ni Abraham sa kanyang alipin, sa pinakamatanda sa kanyang bahay na namamahala ng lahat niyang ari-arian, “Pakilagay mo ang iyong kamay sa ilalim ng aking hita,[a]

at ikaw ay aking panunumpain sa ngalan ng Panginoon, ang Diyos ng langit at lupa, na hindi mo ikukuha ng asawa ang aking anak sa mga anak na babae ng mga Cananeo na siyang aking tinitirhan,

kundi ikaw ay pupunta sa aking lupain, at sa aking kamag-anak, at ikukuha mo roon ng asawa ang aking anak na si Isaac.”

Sinabi sa kanya ng alipin, “Sakaling hindi pumayag ang babae na sumama sa akin sa lupaing ito; dapat ko bang ibalik ang anak mo sa lupaing pinanggalingan mo?”

Sinabi naman sa kanya ni Abraham, “Huwag mong ibabalik doon ang aking anak.

Ang Panginoon, ang Diyos ng langit, na kumuha sa akin sa sambahayan ng aking ama, at sa lupaing aking tinubuan ay nagsalita at sumumpa sa akin na nagsasabi, ‘Sa iyong binhi ay ibibigay ko ang lupaing ito;’ magsusugo siya ng kanyang anghel sa unahan mo, at ikukuha mo roon ng asawa ang aking anak.

Subalit kung ang babae ay ayaw sumama sa iyo, ikaw ay magiging malaya sa aking sumpa; huwag mo lamang pabalikin ang aking anak doon.”

Inilagay ng alipin ang kanyang kamay sa ilalim ng hita ni Abraham na kanyang panginoon, at sumumpa sa kanya tungkol sa bagay na ito.

10 Kumuha ang alipin ng sampung kamelyo mula sa kanyang panginoon, at umalis na dala ang pinakamabuti sa lahat ng pag-aari ng kanyang panginoon. At pumunta siya sa Mesopotamia, sa bayan ni Nahor.

11 Kanyang pinaluhod ang mga kamelyo sa labas ng bayan, sa tabi ng balon ng tubig nang papalubog na ang araw, panahon nang paglabas ng mga babae upang umigib ng tubig.

12 At kanyang sinabi, “O Panginoon, Diyos ng aking panginoong si Abraham, hinihiling ko sa iyong pagkalooban mo ako ng tagumpay ngayon, at ikaw ay magmagandang-loob sa aking panginoong si Abraham.

13 Ako'y nakatayo sa tabi ng balon ng tubig at ang mga anak na babae ng mga tao sa bayan ay darating upang umigib ng tubig.

14 At mangyari na ang dalagang aking pagsabihan, ‘Pakibaba mo ang iyong banga upang ako'y makainom;’ at kanyang sasabihin, ‘Uminom ka, at paiinumin ko pati ang iyong mga kamelyo;’ ay siyang pinili mo para sa iyong lingkod na si Isaac; at sa ganito ay malalaman kong nagpakita ka ng tapat na pag-ibig sa aking panginoon.”

15 Bago pa man siya nakatapos ng pagsasalita, si Rebecca na ipinanganak kay Betuel, na anak ni Milca, na asawa ni Nahor na kapatid ni Abraham ay lumabas na pasan ang banga sa kanyang balikat.

16 Ang babae ay may magandang anyo, dalaga na hindi pa nasisipingan ng lalaki. Siya ay lumusong sa bukal, pinuno ang kanyang banga, at umahon.

17 Tumakbo ang alipin upang salubungin siya at sinabi, “Makikiinom ako ng kaunting tubig sa iyong banga.”

18 At sinabi niya, “Uminom ka, panginoon ko.” Nagmadali niyang ibinaba ang banga sa kanyang kamay, at pinainom siya.

19 Pagkatapos na siya'y kanyang mapainom, siya ay nagsabi, “Iiigib ko naman ang iyong mga kamelyo, hanggang silang lahat ay makainom na.”

20 Kaagad na ibinuhos ang kanyang banga sa inuman at tumakbong muli sa balon upang umigib at siya'y umigib para sa lahat niyang kamelyo.

21 Ang lalaki ay nanatiling tahimik na tinitingnan siya upang malaman kung pinagpala ng Panginoon ang kanyang paglalakbay o hindi.

22 Nang makainom ang mga kamelyo, kumuha ang lalaki ng isang singsing na ginto, na may kalahating siklo ang timbang, at dalawang pulseras para sa kanyang mga kamay, na may timbang na sampung siklong ginto.

23 Kanyang itinanong, “Kanino kang anak? Sabihin mo sa akin, may lugar ba sa bahay ng iyong ama na aming matutuluyan?”

24 At sinabi niya sa kanya, “Anak ako ni Betuel, na anak ni Milca, na ipinanganak niya kay Nahor.”

25 Sinabi rin niya sa kanya, “Sagana kami sa dayami at pagkain sa hayop, at mayroon ding lugar na matutuluyan.”

26 At lumuhod ang lalaki at sumamba sa Panginoon.

27 Sinabi niya, “Purihin ang Panginoon, ang Diyos ng aking panginoong si Abraham, na hindi inilayo ang kanyang habag at ang kanyang katapatan sa aking panginoon. Nang ako ay nasa daan, pinatnubayan ako ng Panginoon hanggang sa bahay ng mga kapatid ng aking panginoon.”

28 Tumakbo ang dalaga at isinalaysay ang mga bagay na ito sa sambahayan ng kanyang ina.

29 Si Rebecca ay may isang kapatid na ang pangalan ay Laban. Tumakbong papalabas si Laban patungo sa lalaki na nasa bukal.

30 Nang makita niya ang singsing at mga pulseras sa mga kamay ng kanyang kapatid, at pagkarinig sa mga salita ni Rebecca na kanyang kapatid, na sinasabi, “Gayon ang sinabi sa akin ng lalaki;” ay lumapit siya sa lalaki at nakitang ito'y nakatayo sa tabi ng mga kamelyo sa bukal.

31 At sinabi niya, “Pumasok ka, pinagpala ng Panginoon. Bakit ka nakatayo sa labas? Naihanda ko na ang bahay at ang lugar para sa mga kamelyo.”

32 Pumasok ang lalaki sa bahay at kinalagan ang mga kamelyo. Binigyan ni Laban ng dayami at pagkain ang mga kamelyo, at ng tubig upang ipaghugas ng kanyang mga paa at mga paa ng mga taong kasama niya.

33 At siya'y hinainan nila ng pagkain, ngunit sinabi niya, “Hindi ako kakain hanggang hindi ko nasasabi ang aking sadya.” At sinabi ni Laban, “Magsalita ka.”

34 At kanyang sinabi, “Ako ay alipin ni Abraham.

35 Pinagpalang mabuti ng Panginoon ang aking panginoon at siya'y naging dakila. Siya'y binigyan ng kawan at bakahan, pilak at ginto, mga aliping lalaki at babae, mga kamelyo at mga asno.

36 At si Sara na asawa ng aking panginoon ay nagkaanak ng lalaki sa aking panginoon nang siya'y matanda na, at kanyang ibinigay sa kanya ang lahat niyang pag-aari.

37 Pinapanumpa ako ng aking panginoon, na sinasabi, ‘Huwag mong ikukuha ng asawa ang aking anak sa mga anak na babae ng mga Cananeo na siyang lupaing aking tinitirhan;

38 kundi pumunta ka sa bahay ng aking ama at sa aking mga kamag-anak at ikuha mo roon ng asawa ang aking anak.’

39 Kaya't sinabi ko sa aking panginoon, ‘Baka hindi sumama sa akin ang babae!’

40 At sinabi niya sa akin, ‘Ang Panginoon, na lagi kong sinusunod[b] ay magsusugo ng kanyang anghel upang makasama mo, at kanyang pagpapalain ang iyong lakad, at ikukuha mo ng asawa ang aking anak mula sa aking mga kamag-anak at sa angkan ng aking ama.

41 Makakalaya ka sa aking sumpa, kapag ikaw ay dumating sa aking mga kamag-anak; kahit hindi nila ibigay sa iyo ang babae ay makakalaya ka sa aking sumpa.’

42 “Dumating ako nang araw na ito sa bukal at aking sinabi, ‘O Panginoon, na Diyos ng aking panginoong si Abraham, kung kalooban mo, idinadalangin ko na iyong pagpalain ang daan na malapit ko nang tahakin.

43 Nakatayo ako sa tabi ng bukal ng tubig at kapag ang dalaga ay dumating upang umigib at sinabi ko sa kanya, “Makikiinom ako ng kaunting tubig sa iyong banga;”

44 at sinabi niya sa akin, “Uminom ka, at iiigib ko rin ang iyong mga kamelyo,” ay siyang maging babaing pinili ng Panginoon sa anak ng aking panginoon.’

45 “Bago ako nakatapos sa pagsasalita sa aking puso, nakita ko si Rebecca na lumalabas na pasan ang kanyang banga sa kanyang balikat. Siya ay lumusong sa bukal at umigib at aking sinabi sa kanya, ‘Makikiinom ako sa iyo.’

46 Dali-dali niyang ibinaba ang kanyang banga sa kanyang balikat, at sinabi, ‘Uminom ka, at paiinumin ko pati ang iyong mga kamelyo,’ sa gayo'y uminom ako, at pinainom niya pati ang mga kamelyo.

47 At siya'y aking tinanong, ‘Kanino kang anak?’ At kanyang sinabi, ‘Anak ako ni Betuel, na anak ni Nahor, na ipinanganak sa kanya ni Milca.’ At inilagay ko ang singsing sa kanyang ilong, at ang mga pulseras sa kanyang mga kamay.

48 At aking iniyuko ang aking ulo at sumamba ako sa Panginoon at pinuri ang Panginoon, na Diyos ng aking panginoong si Abraham, na pumatnubay sa akin sa tunay na daan upang kunin ang anak ng kapatid ng aking panginoon, para sa kanyang anak.

49 Ngayon, kung kayo ay gagawa ng kagandahang-loob at katapatan sa aking panginoon ay sabihin ninyo sa akin, at kung hindi, ay sabihin din ninyo sa akin upang malaman ko kung ako ay liliko sa kanan o sa kaliwa.”

50 Nang magkagayo'y sumagot sina Laban at Betuel at sinabi, “Sa Panginoon ito nagmumula. Kami ay hindi makapagsasabi sa iyo ng masama o ng mabuti.

51 Narito, si Rebecca ay nasa harap mo, dalhin mo, at humayo ka. Siya'y maging asawa ng anak ng iyong panginoon, gaya ng sinabi ng Panginoon.”

52 Nang marinig ng alipin ni Abraham ang kanilang mga salita, siya ay nagpatirapa sa lupa sa harap ng Panginoon.

53 At naglabas ang alipin ng mga alahas na pilak at ginto, at mga damit, at ibinigay kay Rebecca. Nagbigay rin siya ng mahahalagang bagay sa kanyang kapatid na lalaki at sa kanyang ina.

54 At sila'y nagsikain at nagsiinom, siya at ang mga taong kasama niya, at doon nagpalipas ng magdamag. Bumangon sila nang umaga at kanyang sinabi, “Pabalikin na ninyo ako sa aking panginoon.”

55 At sinabi ng kanyang kapatid na lalaki at ng kanyang ina, “Hayaan muna ninyong manatili sa amin ang dalaga ng ilang araw, sampung araw man lamang; pagkatapos ay maaari na siyang umalis.”

56 At sinabi niya sa kanila, “Huwag na ninyo akong patagalin, yamang pinagpala ng Panginoon ang aking lakad. Pabalikin na ninyo ako upang ako'y makauwi sa aking panginoon.”

57 Sinabi nila, “Tatawagin namin ang dalaga at tatanungin siya.”

58 At kanila ngang tinawag si Rebecca at kanilang sinabi sa kanya, “Sasama ka ba sa lalaking ito?” At sinabi niya, “Sasama ako.”

59 Kaya't kanilang pinasama si Rebecca na kanilang kapatid at ang kanyang tagapag-alaga kasama ang alipin ni Abraham at ang kanyang mga tauhan.

60 At kanilang binasbasan si Rebecca at sinabi nila sa kanya, “Kapatid namin, maging ina ka nawa ng libu-libo at makamit ng iyong binhi ang pintuang-bayan ng mga napopoot sa kanila.”

61 Tumindig si Rebecca at ang kanyang mga abay, at sila ay sumakay sa mga kamelyo, at sumunod sa lalaki; at dinala ng alipin si Rebecca at humayo.

62 Ngayon, si Isaac ay nanggaling sa daang Beer-lahai-roi at siya'y nakatira sa lupain ng Negeb.

63 Lumabas si Isaac sa parang upang maglakad-lakad ng dapit-hapon. Itinaas niya ang kanyang mga paningin at nakita niyang may dumarating na mga kamelyo.

64 Tumingin naman si Rebecca at kanyang nakita si Isaac. Mabilis siyang bumaba sa kamelyo.

65 Sinabi ni Rebecca sa alipin, “Sino ang taong ito na naglalakad sa parang upang sumalubong sa atin?” At sinabi ng alipin, “Iyon ang aking panginoon.” Kinuha niya ang kanyang belo, at siya'y nagtakip.

66 At isinalaysay ng alipin kay Isaac ang lahat ng kanyang ginawa.

Ang Pag-aasawa ni Isaac

67 Dinala siya ni Isaac sa tolda ni Sara na kanyang ina. Kinuha niya si Rebecca at siya'y naging asawa niya, at siya'y kanyang minahal. Kaya't naaliw si Isaac pagkamatay ng kanyang ina.

Footnotes

  1. Genesis 24:2 Ito ay paraan upang ang isang panata ay di mabago.
  2. Genesis 24:40 Sa Hebreo ay sa harap niya ay lumalakad ako .

A Wife for Isaac

24 Abraham was now very old, ·along in years [L going in days], and the Lord had blessed him in every way. Abraham said to his oldest servant [L in his house], who was in charge of everything he owned, “Put your hand under my ·leg [L thigh; C a euphemism for male genitalia, expressing commitment to keep a promise]. ·Make a promise to me before [Swear to me by] the Lord, the God of heaven and [L the God of] earth. Don’t get a wife for my son from the ·Canaanite girls [L daughters of the Canaanites] who live around here. Instead, go back to my country, to the land of my relatives, and get a wife for my son Isaac.”

The servant said to him, “·What if [Perhaps] this woman does not want to return with me to this land? Then, should I take your son with me back to your homeland?”

Abraham said to him, “No! ·Don’t take [L Be careful not to take] my son back there. The Lord, the God of heaven, brought me from the home of my father and the land of my relatives. And he ·promised [swore to] me, ‘I will give this land to your ·descendants [L seed].’ The Lord will send his ·angel [messenger] before you to help you get a wife for my son there. If the ·girl [woman] won’t come back with you, you will be ·free [declared innocent] from this promise. But you must not take my son back there.” So the servant put his hand under his master’s ·leg [L thigh; 24:2] and ·made a promise [swore] to Abraham about this.

10 The servant took ten of Abraham’s camels and left, carrying with him many ·different kinds of beautiful gifts [L goods of his master]. He went to ·northwestern Mesopotamia [L Aram-Naharaim; C a region near the Habor and Euphrates rivers, about a month’s journey away] to ·Nahor’s city [or the city of Nahor]. 11 In the evening, when the women come out to get water [C most ancient towns had a single source of water for the community], he made the camels kneel down at the well outside the city.

12 The servant said, “Lord, God of my master Abraham, ·allow me to find a wife for his son [L grant me good fortune] today. Please show this ·kindness [loyalty] to my master Abraham. 13 Here I am, standing by the spring, and the ·girls [L daughters of the men] from the city are coming out to get water. 14 ·I will say to one of them [L Let the girl to whom I will say…], ‘Please put your jar down so I can drink.’ Then let her say, ‘Drink, and I will also give water to your camels.’ If that happens, I will know she is the ·right one [the one appointed/selected] for your servant Isaac and that you have shown ·kindness [loyalty] to my master.”

15 Before the servant had finished ·praying [L speaking], Rebekah, the daughter of Bethuel, came out of the city. (Bethuel was the son of Milcah and Nahor, Abraham’s brother [11:27–30].) Rebekah was carrying her water jar on her shoulder. 16 She was ·very pretty [extremely beautiful], a virgin; she had never ·had sexual relations with [L known] a man. She went down to the spring and filled her jar, then came back up. 17 The servant ran to her and said, “Please give me a little ·water [sip] from your jar.”

18 Rebekah said, “Drink, ·sir [my master].” She quickly lowered the jar ·from her shoulder [L on her hand] and gave him a drink. 19 After ·he finished drinking [L she let him drink all he wanted], Rebekah said, “I will also pour some water for your camels [L until they have finished drinking].” 20 So she quickly ·poured [emptied] all the water from her jar into the drinking trough for the camels. Then she kept running to the well until she had given all the camels enough to drink.

21 The ·servant [L man] quietly ·watched [stared at] her. He wanted to ·be sure [L learn whether or not] the Lord had made his trip successful. 22 After the camels had finished drinking, he gave Rebekah a gold ·ring [L nose-ring; or earring] weighing ·one-fifth of an ounce [L one half shekel] and two gold arm bracelets weighing about ·four ounces [L ten shekels] each. 23 He asked, “·Who is your father [L Tell me whose daughter you are]? Is there a place in his house for me and my men to spend the night?”

24 Rebekah answered, “·My father is [L The daughter of] Bethuel, the son of Milcah and Nahor.” 25 Then she said, “And, yes, we have ·straw for your camels [L plenty of straw and feed] and a place for you to spend the night.”

26 The servant bowed and worshiped the Lord 27 and said, “Blessed is the Lord, the God of my master Abraham. The Lord ·has been kind and truthful to him [L has not abandoned his kindness/loyalty and truthfulness/faithfulness to my master] and has led me to my master’s relatives.”

28 Then Rebekah ran and told her mother’s family about all these things. 29 She had a brother named Laban, who ran out to Abraham’s servant, who was still at the spring. 30 Laban had heard what she had said and had seen the ·ring [L nose-ring; or earring] and the bracelets on his sister’s arms. So he ran out to the well, and there was the man standing by the camels at the spring. 31 Laban said, “·Sir [L O blessed one], ·you are welcome to come in [L come]; ·you don’t have to stand [L why are standing…?] outside. I have ·prepared [L cleared out] the house for you and also a place for your camels.”

32 So Abraham’s servant went into the house. After Laban unloaded the camels and gave them straw and ·food [fodder], he gave water to Abraham’s servant so he and the men with him could wash their feet. 33 Then ·Laban gave the servant food [L the food was set before him], but the servant said, “I will not eat until I have told you why I came.”

So Laban said, “Then tell us.”

34 He said, “I am Abraham’s servant. 35 The Lord has greatly blessed my master in everything [12:3], and he has become a rich man. The Lord has given him many flocks of sheep, herds of cattle, silver and gold, male and female servants, camels, and horses. 36 Sarah, my master’s wife, gave birth to a son when she was old [21:1–7], and my master has given everything he owns to that son. 37 My master had me ·make a promise to him [swear] and said, ‘Don’t get a wife for my son from the Canaanite ·girls [L daughters] ·who live around here [L in whose land I live]. 38 Instead, you must go to my father’s ·people [house] and to my family. There you must ·get [take] a wife for my son.’ 39 I said to my master, ‘What if the woman will not come back with me?’ 40 But he said, ‘I ·serve [L walk before] the Lord, who will send his ·angel [or messenger] with you and will ·help you [L make your way successful]. You will ·get [take] a wife for my son from my family and my father’s ·people [L house]. 41 Then you will be ·free [innocent] from ·the promise [L my oath]. But if they will not give you a wife for my son, you will be ·free [innocent] from ·this promise [L my oath].’

42 “Today I came to this spring. I said, ‘Lord, God of my master Abraham, please make my ·trip [way] successful. 43 I am standing by this spring. I will wait for a young woman to come out to ·get [draw] water, and I will say, “Please give me water from your jar to drink.” 44 Then let her say, “Drink this water, and I will also draw water for your camels.” By this I will know the Lord has chosen her for my master’s son.’

45 “Before I finished ·my silent prayer [L speaking in my heart/mind], Rebekah came out of the city with her water jar on her shoulder. She went down to the spring and drew water. I said to her, ‘Please give me a drink.’ 46 She quickly lowered the jar from her shoulder and said, ‘Drink this. I will also water your camels.’ So I drank, and she watered my camels too. 47 When I asked her, ‘·Who is your father [L Whose daughter are you]?’ she answered, ‘·My father is [L The daughter of] Bethuel son of Milcah and Nahor.’ Then I put the ring in her nose and the bracelets on her arms, 48 and I bowed my head and ·thanked [worshipped] the Lord. I ·praised [blessed] the Lord, the God of my master Abraham, because he ·led [guided] me on the right road to get the granddaughter of my master’s brother for his son. 49 Now, tell me, will you be ·kind [loyal] and ·truthful [faithful] to my master? And if not, tell me so. Then I will ·know what I should do [L turn to the right hand or to the left].”

50 Laban and Bethuel answered, “This ·is clearly [L has come out] from the Lord, and we cannot ·change what must happen [L speak to you good or evil]. 51 Rebekah is ·yours [L before you]. Take her and go. Let her marry your master’s son as the Lord has ·commanded [spoken].”

52 When Abraham’s servant heard these words, he bowed facedown on the ground before the Lord. 53 Then he gave Rebekah gold and silver jewelry and clothes. He also gave expensive gifts to her brother and mother. 54 The servant and the men with him ate and drank and spent the night there. When they got up the next morning, the servant said, “·Now let me go [L Send me] back to my master.”

55 Rebekah’s mother and her brother said, “Let ·Rebekah [L the girl] stay with us at least ten days. After that she may go.”

56 But the servant said to them, “Do not ·make me wait [delay/hinder], because the Lord has made my ·trip [way] successful. Now ·let me go [L send me] back to my master.”

57 Rebekah’s brother and mother said, “We will call Rebekah and ask her ·what she wants to do [L at her mouth].” 58 They called her and asked her, “Do you want to go with this man now?”

She said, “·Yes, I do [L I will go].”

59 So they ·allowed Rebekah and her nurse to go [L sent Rebekah their sister and her nurse] with Abraham’s servant and his men. 60 They blessed Rebekah and said,

“Our sister, may you ·be the mother of thousands of people [L thousands of myriads],
    and may your ·descendants [L seed] ·capture [inherit; possess] the ·cities of their enemies [L gates of those who hate us].”

61 Then Rebekah and her servant girls ·got on [L rose up and mounted] the camels and followed the servant and his men. So the servant took Rebekah and left.

62 At this time Isaac had left Beer Lahai Roi [16:14] and was living in ·southern Canaan [L Negev]. 63 One evening when he went out to the field to ·think [meditate; reflect; or walk], he ·looked up [L raised his eyes] and saw camels coming. 64 Rebekah also ·looked [L raised her eyes] and saw Isaac. Then she ·jumped down [L fell] from the camel 65 and asked the servant, “Who is that man walking in the field to meet us?”

The servant answered, “That is my master.” So Rebekah covered her face with her veil.

66 The servant told Isaac everything that had happened. 67 Then Isaac brought Rebekah into the tent of Sarah, his mother, and she became his wife. Isaac loved her very much, and so he was comforted after his mother’s death.