Genesis 24:13-14
Ang Biblia (1978)
13 (A)Narito, ako'y nakatayo sa tabi ng bukal ng tubig: at ang mga anak na babae ng mga tao sa bayan, ay nagsilabas upang umigib ng tubig:
14 At mangyari nga na ang dalagang aking pagsabihan, Ibaba mo, isinasamo ko sa iyo, ang iyong banga upang ako'y uminom; at siya'y magsabi, Uminom ka, at paiinumin ko pati ng iyong mga kamelyo: maging siyang iyong itinalaga sa iyong lingkod na kay Isaac: (B)at sa ganito ay malalaman kong nagmagandang loob ka sa aking panginoon.
Read full chapter
Mga Hukom 6:17
Ang Biblia (1978)
17 At sinabi niya sa kaniya, Kung ngayo'y (A)nakasumpong (B)ako ng biyaya sa iyong paningin, ay bigyan mo nga ako ng isang tanda, na ikaw ang nakikipagusap sa akin.
Read full chapter
Mga Hukom 6:37
Ang Biblia (1978)
37 (A)Narito, aking ilalagay ang isang balat na lana sa giikan; kung dumoon lamang sa balat ang hamog, at maging tuyo ang buong lupa, ay malalaman ko nga na iyong ililigtas ang Israel sa pamamagitan ng aking kamay, gaya ng iyong sinalita.
Read full chapter
2 Mga Hari 20:8
Ang Biblia (1978)
8 At sinabi ni Ezechias kay Isaias, (A)Ano ang magiging tanda na ako'y pagagalingin ng Panginoon, at ako'y sasampa sa bahay ng Panginoon sa ikatlong araw?
Read full chapter
Lucas 1:18
Ang Biblia (1978)
18 At sinabi ni Zacarias sa anghel, (A)Sa ano malalaman ko ito? sapagka't ako'y matanda na, at ang aking asawa ay may pataw ng maraming taon.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978