Add parallel Print Page Options

16-17 Sinabi niya, “Ito ang sinasabi ng Panginoon: Sumusumpa ako sa sarili ko na pagpapalain kita nang lubos dahil hindi mo ipinagkait sa akin ang kaisa-isa mong anak. Bibigyan kita ng mga lahi na kasindami ng mga bituin sa langit at ng buhangin sa dalampasigan. Sasakupin nila ang mga lungsod ng kanilang mga kaaway. 18 At sa pamamagitan ng iyong mga lahi,[a] pagpapalain ko ang lahat ng bansa sa mundo, dahil sumunod ka sa akin.”

19 Pagkatapos nito, binalikan nila Abraham at Isaac ang kanilang mga alipin. At bumalik sila sa Beersheba at doon na nanirahan.

Read full chapter

Footnotes

  1. 22:18 mga lahi: o, lahi.