Genesis 21
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
Ang Pagsilang ni Isaac
21 Ngayon, inalala ng Panginoon si Sara ayon sa kanyang ipinangako. 2 Nagbuntis si Sara at nanganak ng lalaki kahit matanda na si Abraham. Isinilang ang sanggol sa panahon na sinabi noon ng Dios. 3 Pinangalanan ni Abraham ang sanggol na Isaac.
4 Nang walong araw na ang sanggol, tinuli siya ni Abraham ayon sa iniutos sa kanya ng Dios. 5 Nang ipinanganak si Isaac, 100 taong gulang na si Abraham. 6 Sinabi ni Sara, “Pinatawa ako ng Dios, at kahit sinong makarinig ng tungkol sa nangyari sa akin ay matatawa rin. 7 Sino kaya ang makapagsasabi kay Abraham na makakapagpasuso pa ako ng sanggol? Pero nagkaanak pa ako kahit matanda na siya.”
8 Lumaki si Isaac, at nang araw na naawat na siya sa pagsuso sa kanyang ina, nagdaos si Abraham ng isang malaking handaan.
Pinalayas si Hagar at si Ishmael
9 Isang araw, nakita ni Sara na tinutukso ni Ishmael si Isaac. (Si Ishmael ay anak ni Abraham kay Hagar na Egipcio.) 10 Kaya sinabi ni Sara kay Abraham, “Palayasin mo ang babaeng alipin at ang anak niya, dahil ang anak ng babaeng alipin ay hindi maaaring makibahagi sa mamanahin ng anak kong si Isaac.” 11 Labis itong ikinalungkot ni Abraham dahil anak din niya si Ishmael. 12 Pero sinabi ng Dios sa kanya, “Hindi mo dapat ikalungkot ang tungkol kay Ishmael at kay Hagar. Sundin mo ang sinabi ni Sara, dahil kay Isaac magmumula ang mga lahi na aking ipinangako. 13 At tungkol naman kay Ishmael, bibigyan ko rin siya ng maraming lahi at magiging isang bansa rin sila, dahil anak mo rin siya.”
14 Kinabukasan, maagang kumuha si Abraham ng pagkain at tubig na nakalagay sa sisidlang-balat, at inilagay niya ito sa balikat ni Hagar. Pagkatapos, umalis si Hagar kasama ang kanyang anak. Naglakbay sila sa ilang ng Beersheba na hindi alam kung saan sila pupunta. 15 Nang naubos na ang kanilang tubig, iniwan niya ang anak niya sa ilalim ng isa sa mga mababang punongkahoy 16 at lumakad siya na may layong mga 100 metro mula sa kanyang anak. Doon siya umupo at umiiyak na nagsabi sa kanyang sarili, “Hindi ko matitiis na pagmasdan ang kamatayan ng anak ko.”
17 Ngayon, narinig ng Dios ang iyak ng bata. Kaya sinabi ng anghel ng Dios kay Hagar mula roon sa langit, “Ano ang gumugulo sa iyo Hagar? Huwag kang matakot; narinig ng Dios ang iyak ng anak mo. 18 Tumayo ka at ibangon mo ang bata, dahil gagawin kong malaking bansa ang kanyang mga lahi.” 19 Pagkatapos, may ipinakita ang Dios sa kanya na isang balon. Pumunta siya roon at nilagyan ng tubig ang sisidlan niya. Pagkatapos, pinainom niya ang kanyang anak.
20-21 Hindi pinabayaan ng Dios si Ishmael hanggang lumaki ito. Doon siya tumira sa ilang ng Paran at naging isa siyang mahusay na mamamana. Dumating ang panahon na pinapag-asawa siya ng kanyang ina sa isang Egipcio.
Ang Kasunduan nina Abraham at Abimelec
22 Nang panahong iyon,[a] pumunta si Abimelec kay Abraham kasama ang kumander ng mga sundalo niya na si Picol. Sinabi ni Abimelec kay Abraham, “Tinutulungan ka talaga ng Dios sa lahat ng ginagawa mo. 23 Kaya, mangako ka rito sa pangalan ng Dios na hindi mo ako pagtataksilan pati na ang aking mga lahi. Ipakita mo ang kabutihan mo sa akin at sa lugar na ito na tinitirhan mo ngayon, tulad din ng ipinakita kong kabutihan sa iyo.” 24 Sumagot si Abraham, “Isinusumpa ko.”
25 Pero dumaing si Abraham kay Abimelec tungkol sa balon na inagaw ng mga alipin niya. 26 Sinabi ni Abimelec, “Hindi ko alam kung sino ang gumawa niyan. Hindi mo naman ako sinabihan, at ngayon ko lang nalaman iyon.” 27 Kaya kumuha si Abraham ng mga tupa at baka, at ibinigay niya kay Abimelec. Pagkatapos, gumawa silang dalawa ng kasunduan. 28 Kumuha rin si Abraham ng pitong babaeng tupa at ibinukod ito. 29 Nagtanong si Abimelec, “Para kanino ang pitong babaeng tupa na ibinukod mo?” 30 Sumagot si Abraham, “Tanggapin mo ang pitong babaeng tupa na ito bilang katibayan na ako ang naghukay ng balong iyan.” 31 Dahil sa sumpaan nila, ang lugar na iyon ay tinawag na Beersheba.[b]
32 Pagkatapos ng sumpaan nila roon sa Beersheba, bumalik si Abimelec at si Picol sa lupain ng mga Filisteo. 33 Nagtanim si Abraham ng isang punongkahoy na tamarisko roon sa Beersheba at sumamba siya sa Panginoon, ang Dios na walang hanggan. 34 Nanirahan si Abraham sa lupain ng mga Filisteo sa mahabang panahon.
Genesis 21
GOD’S WORD Translation
God Provides for Hagar and Ishmael
21 The Lord came to help Sarah and did for her what he had promised. 2 So she became pregnant, and at the exact time God had promised, she gave birth to a son for Abraham in his old age. 3 Abraham named his newborn son Isaac. 4 When Isaac was eight days old, Abraham circumcised him as God had commanded. 5 Abraham was 100 years old when his son Isaac was born.
6 Sarah said, “God has brought me laughter, and everyone who hears about this will laugh with me. 7 Who would have predicted to Abraham that Sarah would nurse children? Yet, I have given him a son in his old age.”
8 The child grew and was weaned. On the day Isaac was weaned, Abraham held a big feast. 9 Sarah saw that Abraham’s son by Hagar the Egyptian was laughing at Isaac. 10 She said to Abraham, “Get rid of this slave and her son, because this slave’s son must never share the inheritance with my son Isaac.” 11 Abraham was upset by this because of his son Ishmael. 12 But God said to Abraham, “Don’t be upset about the boy and your slave. Listen to what Sarah says because through Isaac your descendants will carry on your name. 13 Besides, I will make the slave’s son into a nation also, because he is your child.”
14 Early the next morning Abraham took bread and a container of water and gave them to Hagar, putting them on her shoulder. He also gave her the boy and sent her on her way. So she left and wandered around in the desert near Beersheba. 15 When the water in the container was gone, she put the boy under one of the bushes. 16 Then she went about as far away as an arrow can be shot and sat down. She said to herself, “I don’t want to watch the boy die.” So she sat down and sobbed loudly.
17 God heard the boy crying, and the Messenger of God called to Hagar from heaven. “What’s the matter, Hagar?” he asked her. “Don’t be afraid! God has heard the boy crying from the bushes. 18 Come on, help the boy up! Take him by the hand, because I’m going to make him into a great nation.”
19 God opened her eyes. Then she saw a well. She filled the container with water and gave the boy a drink.
20 God was with the boy as he grew up. He lived in the desert and became a skilled archer. 21 He lived in the desert of Paran, and his mother got him a wife from Egypt.
Abraham’s Agreement with Abimelech
22 At that time Abimelech, accompanied by Phicol, the commander of his army, said to Abraham, “God is with you in everything you do. 23 Now, swear an oath to me here in front of God that you will never cheat me, my children, or my descendants. Show me and the land where you’ve been living the same kindness that I have shown you.”
24 Abraham said, “I so swear.”
25 Then Abraham complained to Abimelech about a well which Abimelech’s servants had seized. 26 Abimelech replied, “I don’t know who did this. You didn’t tell me, and I didn’t hear about it until today.”
27 Abraham took some sheep and cattle and gave them to Abimelech, and the two of them made an agreement. 28 Then Abraham set apart seven female lambs from the flock. 29 Abimelech asked him, “What is the meaning of these seven female lambs you have set apart?”
30 Abraham answered, “Accept these lambs from me so that they may be proof [a] that I dug this well.” 31 This is why that place is called Beersheba,[b] because both of them swore an oath there.
32 After they made the treaty at Beersheba, Abimelech and Phicol, the commander of his army, left and went back to the land of the Philistines. 33 Abraham planted a tamarisk tree at Beersheba and worshiped the Lord, the Everlasting God, there. 34 Abraham lived a long time in the land of the Philistines.
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®
Copyright © 1995, 2003, 2013, 2014, 2019, 2020 by God’s Word to the Nations Mission Society. All rights reserved.