Genesis 2
New King James Version
The Garden of Eden
2 Thus the heavens and the earth, and (A)all the host of them, were finished. 2 (B)And on the seventh day God ended His work which He had done, and He rested on the seventh day from all His work which He had done. 3 Then God (C)blessed the seventh day and sanctified it, because in it He rested from all His work which God had created and made.
4 (D)This is the [a]history of the heavens and the earth when they were created, in the day that the Lord God made the earth and the heavens, 5 before any (E)plant of the field was in the earth and before any herb of the field had grown. For the Lord God had not (F)caused it to rain on the earth, and there was no man (G)to till the ground; 6 but a mist went up from the earth and watered the whole face of the ground.
7 And the Lord God formed man of the (H)dust of the ground, and (I)breathed into his (J)nostrils the breath of life; and (K)man became a living being.
Life in God’s Garden
8 The Lord God planted (L)a garden (M)eastward in (N)Eden, and there He put the man whom He had formed. 9 And out of the ground the Lord God made (O)every tree grow that is pleasant to the sight and good for food. (P)The tree of life was also in the midst of the garden, and the tree of the knowledge of good and (Q)evil.
10 Now a river went out of Eden to water the garden, and from there it parted and became four riverheads. 11 The name of the first is Pishon; it is the one which skirts (R)the whole land of Havilah, where there is gold. 12 And the gold of that land is good. (S)Bdellium and the onyx stone are there. 13 The name of the second river is Gihon; it is the one which goes around the whole land of Cush. 14 The name of the third river is (T)Hiddekel;[b] it is the one which goes toward the east of [c]Assyria. The fourth river is the Euphrates.
15 Then the Lord God took [d]the man and put him in the garden of Eden to [e]tend and keep it. 16 And the Lord God commanded the man, saying, “Of every tree of the garden you may freely eat; 17 but of the tree of the knowledge of good and evil (U)you shall not eat, for in the day that you eat of it (V)you[f] shall surely (W)die.”
18 And the Lord God said, “It is not good that man should be alone; (X)I will make him a helper comparable to him.” 19 (Y)Out of the ground the Lord God formed every beast of the field and every bird of the air, and (Z)brought them to [g]Adam to see what he would call them. And whatever Adam called each living creature, that was its name. 20 So Adam gave names to all cattle, to the birds of the air, and to every beast of the field. But for Adam there was not found a helper comparable to him.
21 And the Lord God caused a (AA)deep sleep to fall on Adam, and he slept; and He took one of his ribs, and closed up the flesh in its place. 22 Then the rib which the Lord God had taken from man He [h]made into a woman, (AB)and He (AC)brought her to the man.
23 And Adam said:
“This is now (AD)bone of my bones
And flesh of my flesh;
She shall be called [i]Woman,
Because she was (AE)taken out of [j]Man.”
24 (AF)Therefore a man shall leave his father and mother and (AG)be[k] joined to his wife, and they shall become one flesh.
25 (AH)And they were both naked, the man and his wife, and were not (AI)ashamed.
Footnotes
- Genesis 2:4 Heb. toledoth, lit. generations
- Genesis 2:14 Or Tigris
- Genesis 2:14 Heb. Ashshur
- Genesis 2:15 Or Adam
- Genesis 2:15 cultivate
- Genesis 2:17 Lit. dying you shall die
- Genesis 2:19 Or the man
- Genesis 2:22 Lit. built
- Genesis 2:23 Heb. Ishshah
- Genesis 2:23 Heb. Ish
- Genesis 2:24 Lit. cling
Genesis 2
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
2 Natapos likhain ng Dios ang kalangitan, ang mundo at ang lahat ng naroon. 2 Natapos niya ito sa loob ng anim na araw at nagpahinga siya sa ikapitong araw. 3 Binasbasan niya ang ikapitong araw at itinuring na di-pangkaraniwang araw, dahil sa araw na ito nagpahinga siya nang matapos niyang likhain ang lahat. 4 Ito ang salaysay tungkol sa paglikha ng Dios sa kalangitan at sa mundo.
Si Adan at si Eva
Nang likhain ng Panginoong Dios ang mundo at ang kalangitan, 5 wala pang tanim sa mundo at wala pang binhi ng anumang halaman ang nabubuhay, dahil hindi pa siya nagpapaulan at wala pang tao na mag-aalaga ng lupa. 6 Pero kahit wala pang ulan, ang mga bukal sa mundo ang siyang bumabasa sa lupa.
7 Nilikha ng Panginoong Dios ang tao mula sa lupa. Hiningahan niya sa ilong ang tao ng hiningang nagbibigay-buhay. Kaya ang tao ay naging buhay na nilalang.
8 Pagkatapos, nilikha rin ng Panginoong Dios ang isang halamanan sa Eden, sa bandang silangan, at doon niya pinatira ang tao na nilikha niya. 9 At pinatubo ng Panginoong Dios ang lahat ng uri ng puno na magagandang tingnan at may masasarap na bunga. Sa gitna ng halamanan ay may puno na nagbibigay ng buhay, at may puno rin doon na nagbibigay ng kaalaman kung ano ang mabuti at masama.
10 Sa Eden ay may ilog na dumadaloy na siyang nagbibigay ng tubig sa halamanan. Nagsanga-sanga ito sa apat na ilog. 11 Ang pangalan ng unang ilog ay Pishon. Dumadaloy ito sa buong lupain ng Havila kung saan mayroong ginto. 12 Sa lugar na iyon makikita ang purong ginto, ang mamahaling pabango na bediliyum, at ang mamahaling bato na onix. 13 Ang pangalan ng ikalawang ilog ay Gihon. Dumadaloy ito sa buong lupain ng Cush. 14 Ang pangalan ng ikatlong ilog ay Tigris. Dumadaloy ito sa silangan ng Asiria. At ang ikaapat na ilog ay ang Eufrates.
15 Pinatira ng Panginoong Dios sa halamanan ng Eden ang taong nilikha niya para mag-alaga nito. 16 At sinabi niya sa tao, “Makakakain ka ng kahit anong bunga ng punongkahoy sa halamanan, 17 maliban lang sa bunga ng punongkahoy na nagbibigay ng kaalaman kung ano ang mabuti at masama. Sapagkat sa oras na kainin mo ito, tiyak na mamamatay ka.”
18 Pagkatapos, sinabi ng Panginoong Dios, “Hindi mabuting mabuhay ang tao nang nag-iisa lang, kaya igagawa ko siya ng kasama na tutulong sa kanya at nararapat sa kanya.” 19 Nilikha ng Panginoong Dios mula sa lupa ang lahat ng uri ng hayop na nakatira sa lupa pati ang lahat ng uri ng hayop na lumilipad. Pagkatapos, dinala niya ang mga ito sa tao para tingnan kung ano ang ipapangalan nito sa kanila. At kung ano ang itatawag ng tao sa kanila, iyon ang magiging pangalan nila. 20 Kaya pinangalanan ng tao ang mga hayop na nakatira sa lupa pati ang mga hayop na lumilipad. Pero para kay Adan,[a] wala kahit isa sa kanila ang nararapat na maging kasama niya na makakatulong sa kanya. 21 Kaya pinatulog ng Panginoong Dios ang tao nang mahimbing. At habang natutulog siya, kinuha ng Panginoong Dios ang isa sa mga tadyang ng lalaki at pinaghilom agad ang pinagkuhanan nito. 22 Ang tadyang na kinuha ng Panginoong Dios sa lalaki ay nilikha niyang babae, at dinala niya sa lalaki.
23 Sinabi ng lalaki,
“Narito na ang isang tulad ko!
Buto na kinuha sa aking mga buto, at laman na kinuha sa aking laman.
Tatawagin siyang ‘babae,’ dahil kinuha siya mula sa lalaki.”[b]
24 Iyan ang dahilan na iiwan ng lalaki ang kanyang amaʼt ina at makikipag-isa sa kanyang asawa, at silang dalawa ay magiging isa.
25 Nang panahong iyon, kahit huboʼt hubad silang dalawa, hindi sila nahihiya.
Scripture taken from the New King James Version®. Copyright © 1982 by Thomas Nelson. Used by permission. All rights reserved.
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®