Font Size
Genesis 2:7-9
Magandang Balita Biblia
Genesis 2:7-9
Magandang Balita Biblia
7 Pagkatapos,(A) ginawa ng Panginoong Yahweh ang tao[a] mula sa alabok, hiningahan niya sa ilong, at nagkaroon ito ng buhay.
8 Gumawa ang Panginoong Yahweh ng isang halamanan sa Eden, sa dakong silangan, at doon dinala ang taong kanyang nilalang. 9 Pinatubo(B) niya roon ang lahat ng uri ng punongkahoy na magagandang pagmasdan at masasarap ang bunga. Sa gitna ng halamanan ay naroon ang punongkahoy na nagbibigay-buhay, at gayundin ang punongkahoy na nagbibigay-kaalaman tungkol sa mabuti at masama.
Read full chapterFootnotes
- Genesis 2:7 TAO: Sa wikang Hebreo, ang mga salitang “tao” at “alabok” ay magkasintunog.
Magandang Balita Biblia (MBBTAG)
Magandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.