Add parallel Print Page Options

Ang Tipan ng Diyos kay Abram

15 Pagkatapos ng mga bagay na ito, dumating ang salita ng Panginoon kay Abram sa isang pangitain, “Huwag kang matakot, Abram; ako ang iyong kalasag, ang iyong gantimpala ay magiging napakadakila.”

Ngunit sinabi ni Abram, “O Panginoong Diyos, anong ibibigay mo sa akin, yamang ako'y patuloy na walang anak at ang tagapagmana ng aking bahay ay si Eliezer ng Damasco?”

At sinabi ni Abram, “Hindi mo ako binigyan ng anak at isang alipin na ipinanganak sa aking bahay ang magiging tagapagmana ko.”

Ngunit ang salita ng Panginoon ay dumating sa kanya, “Hindi ang taong ito ang magiging tagapagmana mo; ang iyong sariling anak ang magiging tagapagmana mo.”

Siya'y(A) dinala niya sa labas at sinabi, “Tumingala ka ngayon sa langit, at iyong bilangin ang mga bituin, kung mabibilang mo.” At sinabi sa kanya, “Magiging ganyan ang iyong binhi.”

Sumampalataya(B) siya sa Panginoon; at ito'y ibinilang na katuwiran sa kanya.

At sinabi niya sa kanya, “Ako ang Panginoon na nagpaalis sa iyo sa Ur ng mga Caldeo, upang ibigay sa iyo ang lupaing ito para angkinin.”

Sinabi niya, “O Panginoong Diyos, paano ko malalaman na mamanahin ko iyon?”

At sinabi sa kanya, “Magdala ka rito ng isang dumalagang bakang tatlong taon ang gulang, isang babaing kambing na tatlong taon ang gulang, isang lalaking tupang tatlong taon ang gulang, isang inakay na batu-bato, at isang inakay na kalapati.”

10 Dinala niya ang lahat ng ito sa kanya at hinati niya sa gitna, at kanyang inihanay na magkakatapat ang isa't isa subalit hindi niya hinati ang mga ibon.

11 Nang bumaba ang mga ibong mandaragit sa mga bangkay, ang mga iyon ay binugaw ni Abram.

12 Nang(C) lulubog na ang araw, nakatulog si Abram nang mahimbing; isang makapal at nakakatakot na kadiliman ang dumating sa kanya.

13 Sinabi(D) ng Panginoon kay Abram, “Tunay na dapat mong malaman na ang iyong binhi ay magiging taga-ibang bayan sa lupaing hindi kanila, at sila'y magiging mga alipin doon, at sila'y pahihirapan sa loob ng apatnaraang taon;

14 ngunit(E) ang bansang kanilang paglilingkuran ay aking hahatulan; at pagkatapos ay aalis sila na may malaking ari-arian.

15 Subalit ikaw ay payapang tutungo sa iyong mga ninuno, at ikaw ay malilibing sa panahong lubos na ang iyong katandaan.

16 Sa ikaapat na salin ng iyong binhi, muli silang babalik rito sapagkat hindi pa nalulubos ang kasamaan ng mga Amoreo.”

17 Nang lumubog na ang araw at madilim na, isang hurnong umuusok at ang isang tanglaw na nagniningas ang dumaan sa gitna ng mga hinating hayop.

18 Nang(F) araw na iyon, ang Panginoon ay nakipagtipan kay Abram, na sinasabi, “Ibinigay ko ang lupaing ito sa iyong binhi, mula sa ilog ng Ehipto hanggang sa malaking ilog, ang Ilog Eufrates,

19 ang lupain ng mga Kineo, Kenizeo, at ng mga Cadmoneo,

20 ng mga Heteo, Perezeo, at Refaim,

21 at ng mga Amoreo, Cananeo, Gergeseo, at ng mga Jebuseo.”

Herren sluter förbund med Abram

15 Därefter kom Herrens ord till Abram i en syn. Han sade: "Frukta inte, Abram. Jag är din sköld. Din lön skall bli mycket stor." Men Abram sade: "Herre Herre, vad skall du ge mig? Jag går ju bort barnlös, och arvinge till mitt hus är Elieser från Damaskus." Abram sade vidare: "Se, mig har du inte givit någon avkomma. En av mitt husfolk kommer att ärva mig." Men Herrens ord kom till honom: "Denne skall inte ärva dig, utan en som kommer från din egen kropp skall bli din arvinge." Sedan förde han honom ut och sade: "Se upp mot himlen och räkna stjärnorna, om du kan räkna dem", och han sade till honom: "Så skall din avkomma bli." Och Abram trodde på Herren, och han räknade honom det till rättfärdighet.

Sedan sade han till honom: "Jag är Herren, som har fört dig ut från det kaldeiska Ur för att ge dig detta land till arvedel." Han svarade: "Herre, Herre, hur skall jag veta att jag kommer att ärva det?" Då sade han till honom: "Hämta åt mig en treårig kviga, en treårig get, en treårig bagge, en turturduva och en ung duva." 10 Han hämtade alla dessa åt honom och styckade dem mitt itu och lade styckena mot varandra. Men fåglarna styckade han inte. 11 Och rovfåglar slog sig ner på de döda kropparna, men Abram drev bort dem. 12 När solen höll på att gå ner föll en tung sömn över Abram, och se, då kom skräck och ett stort mörker över honom. 13 Och Herren sade till Abram: "Det skall du veta att dina efterkommande skall bo som främlingar i ett land som inte är deras. Där skall de bli slavar, och man skall förtrycka dem i fyrahundra år. 14 Men det folk som gör dem till slavar skall jag döma. Sedan skall de dra ut med stora ägodelar. 15 Men du själv skall gå till dina fäder i frid och bli begravd vid hög ålder. 16 I fjärde släktledet skall de återvända hit. Ty ännu har inte amoreerna fyllt sina synders mått."

17 När solen hade gått ner och det blivit alldeles mörkt, syntes en rykande ugn med en brinnande fackla, som for fram mellan köttstyckena. 18 På den dagen slöt Herren ett förbund med Abram och sade: "Åt dina efterkommande skall jag ge detta land, från Egyptens flod ända till den stora floden, floden Eufrat: 19 keniternas, kenisiternas, kadmoneernas, 20 hetiternas, perisseernas, rafaeernas, 21 amoreernas, kananeernas, girgaseernas och jebusiternas land."