Genesis 10:22-11:13
Ang Biblia (1978)
22 (A)Ang mga anak ni Sem; si Elam, at si Assur, at si Arphaxad, at si Lud, at si Aram.
23 At ang mga anak ni Aram: si Uz, at si Hul, at si Gether, at si Mas.
24 At naging anak ni Arphaxad si (B)Sala; at naging anak ni Sala si Heber.
25 (C)At nagkaanak si Heber ng dalawang lalake; ang pangalan ng una'y Peleg; sapagka't sa mga araw niya'y nahati ang lupa; at ang pangalan ng kaniyang kapatid ay Joctan.
26 At naging anak ni Joctan si Almodad, at si Sheleph, at si Hazarmavet, at si Jerah;
27 At si Hadoram, at si Uzal, at si Dicla.
28 At si Obal, at si Abimael, at si Sheba.
29 At si (D)Ophir, at si Havila, at si Jobad: lahat ng ito ay mga naging anak ni Joctan.
30 At ang naging tahanan nila ay mula sa Mesa, kung patungo sa Sephar, na siyang bundok sa silanganan.
31 Ito ang mga anak ni Sem, ayon sa kanikanilang angkan, ayon sa kanikanilang wika, sa kanikanilang lupain, ayon sa kanikanilang bansa.
32 Ito ang mga angkan ng mga anak ni Noe, ayon sa kanikanilang lahi, sa kanikanilang bansa: (E)at sa mga ito nangabahagi ang mga bansa pagkatapos ng bahang gumunaw.
Ang tore ni Babel.
11 At ang buong lupa ay iisa ang wika at iisa ang salita.
2 At nangyari, na, sa kanilang paglalakbay sa silanganan, ay nakasumpong sila ng isang kapatagan sa (F)lupain ng Sinar; at sila'y nanahan doon.
3 At nagsangusapang, Halikayo! tayo'y gumawa ng mga laryo, at ating lutuing mabuti. At inari nilang bato ang laryo (G)at ang betun ay inaring argamasa.
4 At nagsipagsabi, Halikayo! Magtayo tayo ng isang bayan natin at ng isang moog, (H)na ang taluktok niyaon ay aabot hanggang sa langit, at magtaglay tayo ng isang ngalan; baka tayo'y mangalat sa ibabaw ng buong lupa.
Pagkakaroon ng iba't ibang wika.
5 (I)At bumaba ang Panginoon upang tingnan ang bayan at ang moog, na itinayo ng mga anak ng mga tao.
6 At sinabi ng Panginoon, Narito, sila'y iisang bayan at silang lahat ay may isang wika; at ito ang kanilang pinasimulang gawin: at, ngayon nga'y walang makasasawata sa anomang kanilang balaking gawin.
7 Halikayo! tayo'y (J)bumaba at diyan din ay ating guluhin ang kanilang wika, na anopa't sila'y huwag magkatalastasan sa kanilang salita.
8 (K)Ganito pinanabog sila ng Panginoon mula riyan, sa (L)ibabaw ng buong lupa; at kanilang iniwan ang pagtatayo ng bayan.
9 Kaya ang pangalang itinawag ay Babel; sapagka't doon ginulo ng Panginoon ang wika ng buong lupa: at mula roon ay pinanabog sila ng Panginoon sa ibabaw ng buong lupa.
Mga inanak ni Sem.
10 (M)Ito ang sali't saling lahi ni Sem. May isang daan taon si Sem at naging anak si Arphaxad, dalawang taon pagkatapos ng bahang gumunaw,
11 At nabuhay si Sem, pagkatapos na maipanganak si Arphaxad, ng limang daang taon, at nagkaanak ng mga lalake at mga babae.
12 At nabuhay si Arphaxad, ng tatlong pu't limang taon, at naging anak si Sala.
13 At nabuhay si Arphaxad pagkatapos na maipanganak si Sala, ng apat na raan at tatlong taon, at nagkaanak ng mga lalake at mga babae.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978