Genesis 36:6-8
Magandang Balita Biblia
6 Nangibang-bayan si Esau kasama ang kanyang mga asawa, mga anak, mga tauhan, pati ang mga hayop at ang lahat ng ari-arian ay kanyang dinala. 7 Iniwan niya si Jacob sa Canaan, sapagkat ang lupaing ito'y hindi na sapat sa kanilang mga kawan. 8 Sa Seir nanirahan si Esau.
Read full chapter
Genesis 36:6-8
Ang Biblia (1978)
6 At dinala ni Esau ang kaniyang mga asawa, at ang kaniyang mga anak na lalake at babae, at ang lahat ng tao sa kaniyang bahay, at ang kaniyang hayop, at ang lahat ng kaniyang kawan, at ang lahat niyang tinatangkilik na kaniyang tinipon sa lupain ng Canaan; at napasa ibang lupaing bukod kay Jacob na kaniyang kapatid.
7 (A)Sapagka't ang kanilang pagaari ay totoong napakalaki para sa kanila na tumahang magkasama (B)at ang lupain na kanilang pinaglakbayan ay hindi makaya sila, sapagka't napakarami ang kanilang hayop.
8 (C)At tumahan si Esau sa bundok ng Seir: si (D)Esau ay siyang Edom.
Read full chapterMagandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978