Genesis 26:17-32
Ang Biblia (1978)
17 At umalis si Isaac doon, at humantong sa libis ng Gerar, at tumahan doon.
18 At muling hinukay ni Isaac ang mga balon ng tubig na kanilang hinukay nang mga kaarawan ni Abraham na kaniyang ama; sapagka't pinagtabunan ng mga Filisteo, pagkamatay ni Abraham: at kaniyang mga (A)pinanganlan ng ayon sa mga pangalang inilagay ng kaniyang ama.
19 At humukay sa libis ang mga bataan ni Isaac, at nangakasumpong doon ng isang balon ng tubig na bumubukal.
20 At (B)nakipagtalo ang mga pastor ni Gerar sa mga pastor ni Isaac, na sinasabi, Amin ang tubig; at kaniyang tinawag ang pangalan ng balon, na Esec; sapagka't ipinakipagkaalit sa kaniya.
21 At sila'y humukay ng ibang balon; at kanilang pinagtalunan din: at kaniyang tinawag ang pangalan na Sitnah.
22 At bumunot siya roon, at humukay ng ibang balon; at hindi nila pinagtalunan: at kaniyang tinawag ang pangalan na Rehoboth; at kaniyang sinabi, Sapagka't ngayo'y binigyan tayo ng Panginoon ng kaluwagan, at lalago tayo sa lupain.
23 At mula roon ay umahon siya sa Beer-seba.
24 At napakita sa kaniya ang Panginoon ng gabi ring yaon, at nagsabi, (C)Ako ang Dios ni Abraham na iyong ama: (D)huwag kang matakot, sapagka't (E)ako'y sumasaiyo, at ikaw ay aking pagpapalain, at aking pararamihin ang iyong binhi, alangalang kay Abraham na aking lingkod.
25 At si Isaac ay (F)nagtayo roon ng isang dambana, at kaniyang sinambitla ang pangalan ng Panginoon, at itinindig niya roon ang kaniyang tolda: at humukay roon ang mga bataan ni Isaac ng isang balon.
Ang tipan ni Isaac kay Abimelech.
26 Nang magkagayo'y si Abimelech ay naparoon sa kaniya mula sa Gerar, at si Ahuzath na kaniyang kaibigan, at si (G)Phicol na kapitan ng kaniyang hukbo.
27 At sinabi sa kanila ni Isaac, Bakit kayo naparirito sa akin, dangang kayo'y nangapopoot sa akin (H)at pinalayas ninyo ako sa inyo?
28 At sinabi nila, Malinaw na aming nakita, (I)na ang Panginoon ay sumasaiyo: at aming sinabi, Magkaroon ng pagsusumpaan tayo, kami at ikaw at makipagtipan kami sa iyo:
29 Na hindi ka gagawa sa amin ng masama, gaya naman namin na hindi ka namin ginalaw, at wala kaming ginawa sa iyong di mabuti, at pinayaon ka naming payapa: ikaw ngayon ang (J)pinagpala ng Panginoon.
30 At pinaghandaan niya sila, at sila'y nagkainan at naginuman.
31 At sila'y gumising ng madaling araw, (K)at sila'y nagpanumpaan: at sila'y pinagpaalam ni Isaac, at nagsialis na payapa sa kaniya.
32 At nangyari, nang araw ding yaon, na nagsidating ang mga bataan ni Isaac, at siya'y binalitaan tungkol sa balon nilang hinukay, at sinabi sa kaniya, Nakasumpong kami ng tubig.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978