Add parallel Print Page Options

12 Ngunit nang marinig ni Jacob na may trigo sa Egipto, isinugo niya ang ating mga ninuno sa unang pagkakataon. 13 Sa ikalawa nilang pagparoon ay nagpakilala si Jose sa kaniyang mga kapatid. Nahayag kay Faraon ang angkan ni Jose. 14 Isinugo niya si Jose at ipinatawag ni Jose ang kaniyang amang si Jacob at ang lahat ng kaniyang kamag-anakan na pitumpu’t limang katao.

Read full chapter

12 Datapuwa't nang marinig ni Jacob (A)na may trigo sa Egipto, ay sinugo niyang una ang ating mga magulang.

13 At sa ikalawa'y napakilala si Jose sa kaniyang mga kapatid; at nahayag kay Faraon ang lahi ni Jose.

14 At (B)nagsugo si Jose, at pinaparoon sa kaniya si Jacob, na kaniyang ama, at (C)ang lahat niyang kamaganakan, na pitongpu't limang tao.

Read full chapter