Gawa 28
Ang Salita ng Diyos
Ang Pagdaong sa Malta
28 Nang sila ay makaligtas na, napag-alaman nilang ang pangalan ng pulo ay Malta.
2 Kami ay pinakitaan ng hindi pangkaraniwang kagandahang-loob ng mga barbaro. Sa pagtanggap nila sa bawat isa sa amin, nagsiga sila sapagkat umuulan noon at maginaw. 3 Ngunit pagkatipon ni Pablo ng isang bigkis na kahoy at mailagay sa apoy, lumabas ang isang ulupong dahil sa init. Kumapit ito sa kaniyang kamay. 4 Nang makita ng mga barbaro ang hayop na nakabitin sa kaniyang kamay, nagsabi ang isa sa isa’t isa: Walang salang mamamatay-tao ang lalaking ito. Bagamat siya ay nakaligtas sa dagat, gayunman ay hindi siya pinabayaang mabuhay ng katarungan. 5 Ipinagpag niya ang hayop sa apoy at siya ay hindi nasaktan. 6 Nang magkagayon ay hinintay nilang mamaga na siya o bigla na lamang mabuwal na patay. Ngunit nang matagal na silang naghihintay at nakitang walang nangyaring masama sa kaniya, nagbago sila ng akala. Sinabi nilang siya ay isang diyos.
7 Sa mga kalapit ng dakong iyon ay may mga lupain ang pangulo ng pulong iyon. Ang pangalan niya ay Publio. Tinanggap niya kami at kinupkop ng tatlong araw na may kagandahang-loob. 8 Nangyari na ang ama ni Publio ay nakaratay at maysakit na lagnat at disinterya. Pumasok si Pablo at ipinanalangin siya. Ipinatong niya ang kaniyang mga kamay sa kaniya at siya ay pinagaling. 9 Nang mangyari nga ito, pumaroon naman ang ibang may mga karamdaman sa pulo at sila rin ay pinagaling. 10 Kami naman ay pinarangalan nila ng maraming parangal. Nang maglayag na kami, binigyan nila kami ng mga bagay na kinakailangan namin.
Dumating si Pablo sa Roma
11 Pagkaraan ng tatlong buwan ay naglayag kami na sakay ng isang barko na mula sa Alexandria. Tumigil kami sa pulo nang tag-ulan na. Ang sagisag ay Ang Magkapatid na Kambal.
12 Nang dumaong kami sa Siracusa, tumigil kami roon ng tatlong araw. 13 Mula roon ay lumigid kami at dumating sa Regio. Pagkaraan ng isang araw ay umihip ang hanging katimugan. Nang ikalawang araw ay dumating kami sa Putiole. 14 Doon ay nakakita kami ng mga kapatid. Ipinamanhik nila na manatili sa kanila ng pitong araw. Pagkatapos ay nagtuloy kami sa Roma. 15 Buhat doon, pagkarinig ng mga kapatid sa mga bagay patungkol sa amin, sinalubong nila kami hanggang sa Foro ng Appio at sa Tatlong Bahay-panuluyan. Nang makita sila ni Pablo, nagpasalamat siya sa Diyos at lumakas ang loob. 16 Nang makapasok kami sa Roma, ibinigay ng mga kapitan ang mga bilanggo sa pinunong kawal. Ngunit si Pablo ay pinahintulutang mamahay na mag-isa. Kasama niya ang kawal na nagbabantay sa kaniya.
Binantayan si Pablo Habang Nangangaral sa Roma
17 Nangyari na pagkaraan ng tatlong araw, tinipon ni Pablo ang mga pinuno ng mga Judio. Nang magkatipon na sila, sinabi niya sa kanila: Mga kapatid, bagaman wala akong ginawang anumang laban sa mga tao o sa mga kaugalian ng mga ninuno ay ibinigay akong bilanggo buhat sa Jerusalem sa mga kamay ng mga taga-Roma.
18 Nang ako ay masiyasat na nila, ibig sana nila akong palayain sapagkat walang anumang maipaparatang laban sa akin na nararapat sa kamatayan. 19 Ngunit nang magsalita laban dito ang mga Judio, napilitan akong umapela hanggang kay Cesar. Hindi sa mayroon akong anumang sukat na maisakdal laban sa aking bansa. 20 Kaya nga, ito ang dahilan kung bakit hiniling kong makipagkita at makipag-usap sa inyo sapagkat sa pag-asa ng Israel ay nagagapos ako ng tanikalang ito.
21 Sinabi nila sa kaniya: Hindi kami tumanggap ng mga sulat na galing sa Judea patungkol sa iyo. Hindi rin naparito ang sinumang kapatid na magbalita o magsalita ng anumang masama patungkol sa iyo. 22 Ngunit ibig naming marinig mula sa iyo kung ano ang iniisip mo sapagkat alam naming ang mga tao sa lahat ng dako ay totoong nagsalita ng laban sa sektang ito.
23 Nang makapagtakda na sila ng isang araw sa kaniya, pumaroon sa kaniyang tinutuluyan ang lubhang maraming tao. Ipinaliwanag niya sa kanila ang bagay na sinasaksihan ang paghahari ng Diyos. Sila ay hinihimok niya patungkol kay Jesus, sa pamamagitan ng kautusan ni Moises at sa pamamagitan ng aklat ng mga propeta. Ito ay ginawa niya mula sa umaga hanggang sa gabi. 24 Ang ilan ay naniwala sa mga bagay na sinabi niya at ang ilan ay hindi naniwala. 25 Nang sila ay hindi magkaisa, umalis sila pagkasabi ni Pablo ng isang pananalita: Tama ang pagkasabi ng Banal na Espiritu sa ating mga ninuno sa pamamagitan ni Propeta Isaias. 26 Sinasabi:
Pumunta ka sa mga taong ito at sabihin mo: Sa pamamagitan ng pakikinig ay makakarinig kayo ngunit hindi kayo makakaunawa. Sa pagtingin ay makakakita kayo, ngunit hindi kayo makakatalos.
27 Ito ay sapagkat ang mga puso ng mga taong ito ay matigas na at nahihirapan nang makinig ang kanilang mga tainga. Ipinikit na nila ang kanilang mga mata. Baka sa anumang oras makakita pa ang kanilang mga mata, makarinig ang kanilang mga tainga. Makaunawa ang kanilang mga puso, at manumbalik sila at sila ay aking pagalingin.
28 Kaya nga, alamin ninyo na ang kaligtasan ng Diyos ay ipinadala sa mga Gentil. Sila ay makikinig. 29 Pagkasabi niya ng mga bagay na ito, umalis ang mga Judio na may malaking pagtatalo sa isa’t isa.
30 Si Pablo ay nanatili ng dalawang buong taon sa bahay na inuupahan niya. Tinatanggap niya ang lahat ng pumupunta sa kaniya. 31 Ipinapangaral niya ang paghahari ng Diyos. At itinuturo niya ang mga bagay na nauukol sa Panginoong Jesucristo ng buong kalayaan at walang anumang nakahadlang.
Acts 28
English Standard Version
Paul on Malta
28 After we were brought safely through, (A)we then learned that (B)the island was called Malta. 2 (C)The native people[a] showed us unusual (D)kindness, for they kindled a fire and welcomed us all, because it had begun to rain and was cold. 3 When Paul had gathered a bundle of sticks and put them on the fire, a viper came out because of the heat and fastened on his hand. 4 When (E)the native people saw the creature hanging from his hand, they said to one another, (F)“No doubt this man is a murderer. Though he has escaped from the sea, (G)Justice[b] has not allowed him to live.” 5 He, however, (H)shook off the creature into the fire and suffered no harm. 6 They were waiting for him to swell up or suddenly fall down dead. But when they had waited a long time and saw no misfortune come to him, (I)they changed their minds and (J)said that he was a god.
7 Now in the neighborhood of that place were lands belonging to the chief man of the island, named Publius, who received us and entertained us hospitably for three days. 8 It happened that the father of Publius lay sick with fever and dysentery. And Paul visited him and (K)prayed, and (L)putting his hands on him, healed him. 9 And when this had taken place, the rest of the people on the island who had diseases also came and were cured. 10 They also honored us greatly,[c] and when we were about to sail, they put on board whatever we needed.
Paul Arrives at Rome
11 After three months we set sail in (M)a ship that had wintered in the island, a ship of Alexandria, with the twin gods[d] as a figurehead. 12 Putting in at Syracuse, we stayed there for three days. 13 And from there we made a circuit and arrived at Rhegium. And after one day a south wind sprang up, and on the second day we came to Puteoli. 14 There we found (N)brothers[e] and were invited to stay with them for seven days. And so we came to Rome. 15 And (O)the brothers there, when they heard about us, came as far as the Forum of Appius and Three Taverns to meet us. On seeing them, (P)Paul thanked God and took courage. 16 And when we came into Rome, (Q)Paul was allowed to stay by himself, with the soldier who guarded him.
Paul in Rome
17 After three days he called together the local leaders of the Jews, and when they had gathered, he said to them, “Brothers, (R)though I had done nothing against our people or (S)the customs of our fathers, yet I was delivered as a prisoner from Jerusalem into the hands of the Romans. 18 When they had examined me, they (T)wished to set me at liberty, (U)because there was no reason for the death penalty in my case. 19 But because the Jews objected, I was compelled (V)to appeal to Caesar—though I had no charge to bring against (W)my nation. 20 For this reason, therefore, I have asked to see you and speak with you, since it is (X)because of (Y)the hope of Israel that I am wearing (Z)this (AA)chain.” 21 And they said to him, “We have received no letters from Judea about you, and none of (AB)the brothers coming here has reported or spoken any evil about you. 22 But we desire to hear from you what your views are, for with regard to this (AC)sect we know that everywhere (AD)it is spoken against.”
23 When they had appointed a day for him, they came to him at his lodging in greater numbers. From morning till evening (AE)he expounded to them, testifying to (AF)the kingdom of God and (AG)trying to convince them about Jesus (AH)both from the Law of Moses and from the Prophets. 24 And (AI)some were convinced by what he said, but others disbelieved. 25 And disagreeing among themselves, they departed after Paul had made one statement: (AJ)“The Holy Spirit was right in saying to your fathers through Isaiah the prophet:
26 (AK)“‘Go to this people, and say,
(AL)“You will indeed hear but never understand,
and you will indeed see but never perceive.”
27 (AM)For this people's heart has grown dull,
and with their ears they can barely hear,
and their eyes they have closed;
lest they should see with their eyes
and hear with their ears
and understand with their heart
and (AN)turn, and I would heal them.’
28 Therefore let it be known to you that (AO)this (AP)salvation of God (AQ)has been sent to the Gentiles; (AR)they will listen.”[f]
30 He lived there two whole years at his own expense,[g] and (AS)welcomed all who came to him, 31 (AT)proclaiming (AU)the kingdom of God and teaching about the Lord Jesus Christ (AV)with all boldness and (AW)without hindrance.
Footnotes
- Acts 28:2 Greek barbaroi (that is, non–Greek speakers); also verse 4
- Acts 28:4 Or justice
- Acts 28:10 Greek honored us with many honors
- Acts 28:11 That is, the Greek gods Castor and Pollux
- Acts 28:14 Or brothers and sisters; also verses 15, 21
- Acts 28:28 Some manuscripts add verse 29: And when he had said these words, the Jews departed, having much dispute among themselves
- Acts 28:30 Or in his own hired dwelling
Copyright © 1998 by Bibles International
The ESV® Bible (The Holy Bible, English Standard Version®), © 2001 by Crossway, a publishing ministry of Good News Publishers. ESV Text Edition: 2025.
