Font Size
Gawa 25:13-15
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
Gawa 25:13-15
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
Pinaharap si Pablo kay Haring Agripa
13 Makaraan ang ilang araw, dumating sa Cesarea si Haring Agripa[a] at ang kanyang kapatid na si Bernice dahil nais nilang dalawin si Gobernador Festus. 14 Nanatili sila roon ng ilang araw, at sinabi ni Festus sa hari ang kaso ni Pablo. Sinabi niya, “May bilanggong iniwan dito ang dating gobernador na si Felix. 15 Pagpunta ko sa Jerusalem, inakusahan ang taong ito ng mga namamahalang pari at ng mga pinuno ng mga Judio. Hiniling nila sa akin na parusahan ko siya.
Read full chapterFootnotes
- 25:13 Haring Agripa: Siya si Herodes Agripa II, ang anak ni Haring Herodes na makikita sa 12:1.
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) (ASND)
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®