Add parallel Print Page Options

Ang Pagpunta ni Pablo sa Macedonia at Grecia

20 Nang matapos na ang gulo, ipinatawag ni Pablo ang mga tagasunod ni Jesus. Pinayuhan niya sila na magpakatatag, at pagkatapos niyang magpaalam sa kanila, pumunta siya sa Macedonia. Maraming lugar ang kanyang pinuntahan sa Macedonia, at pinalakas niya ang loob ng mga mananampalataya sa pamamagitan ng pangangaral sa kanila. Pagkatapos, pumunta siya sa Grecia, at nanatili siya roon ng tatlong buwan. Nang bibiyahe na sana siya papuntang Syria, nalaman niya ang plano ng mga Judio na patayin siya. Kaya nagpasya siyang bumalik at sa Macedonia dumaan. Sumama sa kanya si Sopater na taga-Berea na anak ni Pyrhus, sina Aristarcus at Secundus na mga taga-Tesalonica, si Gaius na taga-Derbe, si Timoteo, at sina Tykicus at Trofimus na mga taga-Asia.[a] Pagdating namin sa Filipos, nauna sila sa amin sa Troas at doon nila kami hinintay. Pinalampas muna namin ang Pista ng Tinapay na Walang Pampaalsa bago kami bumiyahe galing sa Filipos. Limang araw ang biyahe namin at nagkita kaming muli sa Troas. Nanatili kami roon ng pitong araw.

Ang Huling Pagdalaw ni Pablo sa Troas

Nang Sabado ng gabi,[b] nagtipon kami sa paghahati-hati ng tinapay. At dahil bibiyahe si Pablo kinabukasan, nangaral siya hanggang hatinggabi. Maraming ilaw sa itaas ng silid na pinagtitipunan namin. May isang binata roon na ang pangalan ay Euticus na nakaupo sa bintana. At dahil sa haba ng pagsasalita ni Pablo, inantok siya at nakatulog nang mahimbing, at nahulog siya sa bintana mula sa pangatlong palapag. Patay na siya nang buhatin nila. 10 Pero bumaba si Pablo at dinapaan niya si Euticus at niyakap. Sinabi niya sa mga tao, “Huwag kayong mag-alala, buhay siya!” 11 At bumalik si Pablo sa itaas, hinati-hati ang tinapay at kumain. Pagkatapos, nangaral pa siya hanggang madaling-araw. At saka siya umalis. 12 Ang binatang nahulog ay iniuwi nilang buhay, at lubos silang natuwa.

Mula sa Troas Papuntang Miletus

13 Sumakay kami ng barko papuntang Asos. Doon namin tatagpuin si Pablo, dahil sinabi niyang maglalakad lang siya papunta roon. 14 Nang magkita kami sa Asos, pinasakay namin siya at pumunta kami sa Mitilene. 15 Mula sa Mitilene, tumuloy kami sa Kios, at nakarating kami roon kinabukasan. Nang sumunod na araw, nasa Samos na kami, at makaraan ang isa pang araw ay narating namin ang Miletus. 16 Hindi kami dumaan sa Efeso, dahil ayaw ni Pablo na maggugol ng oras sa lalawigan ng Asia. Nagmamadali siya dahil gusto niyang makarating sa Jerusalem bago dumating ang Araw ng Pentecostes.

Ang Pamamaalam ni Pablo sa mga Namumuno ng Iglesya sa Efeso

17 Habang nasa Miletus si Pablo, may pinapunta siya sa Efeso para sabihin sa mga namumuno sa iglesya na makipagkita sa kanya. 18 Pagdating nila, sinabi ni Pablo sa kanila, “Alam ninyo kung paano akong namuhay noong kasama pa ninyo ako, mula nang dumating ako sa lalawigan ng Asia. 19 Naglingkod ako sa Panginoon nang may kapakumbabaan at pagluha.[c] Maraming kahirapan ang tiniis ko dahil sa masasamang balak ng mga Judio laban sa akin. 20 Alam din ninyo na wala akong inilihim sa inyo sa aking pagtuturo tungkol sa mga bagay na para sa inyong ikabubuti, na itinuro ko sa publiko at sa bahay-bahay. 21 Pinaalalahanan ko ang mga Judio at mga hindi Judio na kailangan nilang magsisi sa kanilang mga kasalanan at magbalik-loob sa Dios, at sumampalataya sa ating Panginoong Jesus. 22 Ngayon, pupunta ako sa Jerusalem dahil ito ang utos ng Banal na Espiritu sa akin. Hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa akin doon. 23 Ang alam ko lang, kahit saang lungsod ako pumunta, pinapaalalahanan ako ng Banal na Espiritu na bilangguan at pag-uusig ang naghihintay sa akin. 24 Pero hindi mahalaga sa akin kung ano man ang mangyari sa akin, matapos ko lamang ang gawain na ibinigay sa akin ng Panginoong Jesus, na maipangaral ang Magandang Balita tungkol sa biyaya ng Dios.

25 “Napuntahan ko kayong lahat sa aking pangangaral tungkol sa paghahari ng Dios, at ngayon alam kong hindi na tayo magkikita pang muli. 26 Kaya sasabihin ko sa inyo ngayon, na kung mayroon sa inyo na hindi maliligtas, wala na akong pananagutan sa Dios. 27 Sapagkat wala akong inilihim sa inyo sa aking pagtuturo tungkol sa buong layunin at plano ng Dios. 28 Ingatan ninyo ang inyong sarili at ang lahat ng mga mananampalatayang[d] pinababantayan sa inyo ng Banal na Espiritu. Pangalagaan ninyo ang iglesya ng Dios na kanyang tinubos sa pamamagitan ng sariling dugo. 29 Sapagkat alam kong pagkaalis koʼy may mga tagapagturo riyan na katulad ng mga lobo na papasok sa inyo at sisira sa inyong grupo. 30 Darating din ang panahon na may magtuturo ng kasinungalingan mula mismo sa inyong grupo at ililigaw nila ang mga tagasunod ni Jesus para sila ang kanilang sundin. 31 Kaya mag-ingat kayo, at alalahanin ninyong sa loob ng tatlong taon, walang tigil ko kayong pinaalalahanan araw at gabi nang may pagluha.

32 “At ngayon, ipinagkakatiwala ko kayo sa Dios at sa kanyang salita na tungkol sa kanyang biyaya. Makapagpapatibay ito sa inyong pananampalataya at makapagbibigay ng lahat ng pagpapalang inilaan ng Dios para sa lahat ng taong itinuring niyang sa kanya. 33 Hindi ko hinangad ang inyong mga kayamanan at mga damit. 34 Alam ninyong nagtrabaho ako para matustusan ang mga pangangailangan namin ng aking mga kasamahan. 35 Ginawa ko ito upang maipakita sa inyo na sa ganitong pagsusumikap ay matutulungan natin ang mga dukha. Lagi nating alalahanin ang sinabi ng Panginoong Jesus na mas mapalad ang nagbibigay kaysa sa tumatanggap.”

36 Pagkatapos magsalita ni Pablo, sama-sama silang lumuhod at nanalangin. 37 Umiyak silang lahat, at niyakap nila si Pablo at hinalikan. 38 Labis nilang ikinalungkot ang sinabi ni Pablo na hindi na sila magkikitang muli. Pagkatapos, inihatid nila si Pablo sa barko.

Footnotes

  1. 20:4 taga-Asia: Hindi ito ang Asia na kilala ngayon, kundi bahagi ito ng bansang kilala ngayon na Turkey.
  2. 20:7 Sabado ng gabi: sa literal, Unang araw ng linggo.
  3. 20:19 pagluha: Marahil dahil sa kanyang pagdadalamhati para sa mundo.
  4. 20:28 lahat ng mga mananampalataya: sa literal, buong kawan.

保罗去了马其顿和希腊

20 喧嚣一平息,保罗把门徒召集在一起,说了一些鼓励的话后,就和他们道别,出发去了马其顿。 他走遍了那个地区,在那些地方对信徒说了许多鼓励的话。然后他又到了希腊。 在那儿住了三个月。当他正要启航去叙利亚时,发现犹太人设计要对付他,所以,他便决定经由马其顿返回叙利亚。 与他同行的有庇哩亚人毕罗斯的儿子所巴特、帖撒罗尼迦人亚里达古和西公都,特庇人该犹和提摩太,亚西亚人推基古和特罗非摩。 这些人先走,在特罗亚等我们。 除酵节 [a]后,我们坐船离开了腓立比,五天以后,我们在特罗亚加和他们会合,在那儿呆了七天。

保罗最后一次访问特罗亚

星期的第一天(星期天),我们聚在一起分饼 [b]时,保罗对大家讲话,他一直讲到午夜,因为第二天他就要离开。 我们聚集的楼上房间里有许多盏灯。 一个名叫犹推古的年轻人坐在窗台上,当保罗讲话时,他逐渐陷入沉睡,当他完全被睡意征服后,就从三楼上跌了下来,人们把他扶起来时,发现他已经死了。 10 保罗下楼,扑在他身上,双臂抱住他说∶“不用担心,他还活着。” 11 保罗又回到楼上,掰开饼吃了。他对大家长谈到天明。然后离开了。 12 他们把那个年轻人活着送回家去,众人对此感到莫大的安慰。

从特罗亚到米利都的旅行

13 我们先上船往亚朔航行。准备在那里把保罗接上船。这一切都是保罗安排的,因为他要步行到那里去。 14 他在亚朔与我们碰头后,我们把他接上了船,然后继续朝米推利尼开去。 15 第二天,从那里我们又乘船出发,到了基阿对面的一个地方。第三天。我们又渡到了撒摩岛,第四天便到了米利都。 16 保罗已决定坐船经由以弗所,而不在那里停留,免得在亚西亚耽搁,因为他急于要去耶路撒冷,想尽量争取在五旬节 [c]前赶到那里。

保罗对以弗所的长老讲话

17 保罗从米利都捎话给以弗所,请教会的长老来。 18 他们一到,保罗就对他们说∶“你们知道,自从我来到亚西亚省的第一天起,整个期间我是怎么样和你们生活在一起的。 19 我用我全部的谦卑和眼泪侍奉主,并且还因犹太人的同谋经历了许多苦难。 20 你们知道,凡对你们有利的,我都毫不犹豫地向你们传播,不论在公开场合或挨家挨户,我都毫不犹豫地教导给你们这些事情。 21 无论是对犹太人还是非犹太人,我都警告过他们,在悔改中归顺上帝,信仰我们的主耶稣。 22 现在,我受灵的驱使去耶路撒冷,却不知道我在那里会遇到什么事情。 23 我只知道,在每座城市里圣灵都告诫我,有艰难和囚禁在等待着我。 24 但是,我的生命对我来说毫无价值,我只想完成这场竞赛和这使命,即向人们宣讲上帝恩典的福音,它是我从主耶稣那里领受到的。

25 现在我知道,所有听我传讲过上帝王国上福音的人们,今后你们不会再见到我了。 26 所以,今天我郑重地向你们宣布:如果你们有人得不到拯救,上帝不会责备我的! 27 因为我已毫无保留地向你们传播了上帝完整的意旨。 28 你们自己要谨慎,也要为全群(上帝的子民)谨慎,圣灵使你们在他们中间成为监督人,牧养好上帝的教会,它是上帝用自己儿子的血换来的。 29 我知道我离开之后,凶猛的狼们会闯到你们中间来伤害羊群。 30 甚至从你们自己中间会出现一些人歪曲真理,诱惑门徒去跟随他们。 31 所以要警惕!要记住三年来,我日夜流着眼泪,从未停止过告诫你们每一个人。

32 现在,我把你们交付给上帝和他恩典的信息,它能坚定你们的信仰,并把上帝赐给他所有圣民的祝福赐给你们。 33 我从没贪图过别人的金银衣物, 34 正如你们所知,我靠双手工作来满足自己和与我在一起的人的需要。 35 凡事我都向你们表明,我们应向这样努力工作,去帮助弱者,我们必须记住主耶稣的话∶‘给予比得到更加有福。’”

36 保罗说完,与他们所有的人一起跪了下来祈祷。 37 大家都哭了,和他拥抱亲吻。 38 最令他们难过的是,因为保罗说过,他们再也见不到他了。然后人们护送保罗上了船。

Footnotes

  1. 使 徒 行 傳 20:6 除酵节: 犹太人的一个重要圣周。在旧约里,它在逾越节的第二天,但在此时,两个节日已合二为一了。
  2. 使 徒 行 傳 20:7 分饼: :吃主的晚餐。也可意为吃一顿饭或主的晚餐,即耶稣告诉他的教徒们为了纪念他而吃的。(《路加福音》22:14-20)
  3. 使 徒 行 傳 20:16 五旬节: 犹太人庆祝麦收的节日。它在逾越节后的50天。