Font Size
Gawa 20:7-9
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
Gawa 20:7-9
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
Ang Huling Pagdalaw ni Pablo sa Troas
7 Nang Sabado ng gabi,[a] nagtipon kami sa paghahati-hati ng tinapay. At dahil bibiyahe si Pablo kinabukasan, nangaral siya hanggang hatinggabi. 8 Maraming ilaw sa itaas ng silid na pinagtitipunan namin. 9 May isang binata roon na ang pangalan ay Euticus na nakaupo sa bintana. At dahil sa haba ng pagsasalita ni Pablo, inantok siya at nakatulog nang mahimbing, at nahulog siya sa bintana mula sa pangatlong palapag. Patay na siya nang buhatin nila.
Read full chapterFootnotes
- 20:7 Sabado ng gabi: sa literal, Unang araw ng linggo.
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) (ASND)
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®