Add parallel Print Page Options

28 Ipinakita mo sa akin ang mga landas ng buhay. Pupunuin mo ako ng kagalakan sa pamamagitan ng anyo ng iyong mukha.

29 Mga kapatid, hayaan ninyo akong magsalita ng malaya patungkol sa ating dakilang ninunong si David. Siya ay namatay at inilibing at hanggang sa araw na ito, ang kaniyang libingan ay narito sa atin. 30 Siya nga ay isang propeta at alam niya ang sinumpaang pangako ng Diyos sa kaniya. Ipinangako sa kaniya na mula sa bunga ng kaniyang katawan ayon sa laman ay ititindig niya ang Mesiyas upang iluklok sa kaniyang trono.

Read full chapter