Add parallel Print Page Options

32 At narito kami ngayon upang ipahayag sa inyo ang Magandang Balita na ipinangako ng Dios sa ating mga ninuno, 33 na tinupad niya ngayon sa atin nang muli niyang buhayin si Jesus. Ito ang nasusulat sa ikalawang Salmo,

    ‘Ikaw ang aking anak, at ipapakita ko ngayon na ako ang iyong Ama.’[a]

34 Ipinangako na noon pa ng Dios na bubuhayin niya si Jesus, at ang kanyang katawan ay hindi mabubulok, dahil sinabi niya,

    ‘Ang mga ipinangako ko kay David ay tutuparin ko sa iyo.’[b]

35 At sinabi pa sa isa pang Salmo,

    ‘Hindi ka papayag na mabulok ang katawan ng iyong tapat na lingkod.’[c]

36 Hindi si David ang tinutukoy dito, dahil nang matapos ni David ang ipinapagawa sa kanya ng Dios na maglingkod sa kanyang henerasyon, namatay siya at inilibing sa tabi ng kanyang mga ninuno, at ang kanyang katawan ay nabulok. 37 Ngunit si Jesus na muling binuhay ng Dios ay hindi nabulok. 38-39 Kaya nga mga kapatid, dapat ninyong malaman na sa pamamagitan ni Jesus ay ipinapahayag namin sa inyo ang balita na patatawarin tayo ng Dios sa ating mga kasalanan. Ang sinumang sumasampalataya kay Jesus ay itinuturing ng Dios na matuwid. Hindi ito magagawa sa pamamagitan ng pagsunod sa Kautusan ni Moises.

Read full chapter

Footnotes

  1. 13:33 Salmo 2:7.
  2. 13:34 Isa. 55:3.
  3. 13:35 Salmo 16:10.