Add parallel Print Page Options

Sapagka't ang naghahasik ng sa kaniyang sariling laman ay sa laman magaani ng kasiraan; datapuwa't ang naghahasik ng sa Espiritu ay sa Espiritu magaani ng buhay na walang hanggan.

(A)At huwag tayong mangapagod sa paggawa ng mabuti: sapagka't sa kapanahunan ay magsisipagani tayo, (B)kung hindi tayo manganghihimagod.

10 Kaya nga, samantalang tayo'y may pagkakataon, ay (C)magsigawa tayo ng mabuti sa lahat, at lalong lalo na sa (D)mga kasangbahay sa pananampalataya.

Read full chapter